Her
Kinabukasan, napaggkasunduan naming mag-swimming kaya't eto ako ngayon, naglalakad papunta sa tindahan kasama si Aiden at ang kambal na sina Atlas at Ashton.
Kailangan din kasi nila ng salbabida, at dahil tulog pa si Tita, sinama na rin namin sila.
"Hindi ba every year kayo dito? Edi dapat marunong na kayong mag-swimming, 7 years old na kayo," sabi ko sa kambal.
"Ah, 'yun 1-4 years old nila, takot sila sa tubig. Iiyak sila pag susubukan namin isama sa swimming pool. Nung 5 years old naman sila, nasama namin sa tubig pero ang higpit ng kapit kaya hindi namin sila naturuan." paliwanag ni Aiden.
"Nung 6 years old sila, buong summer may sakit sila," dagdag niya.
"Ngayon, kuya, matututo na kaming mag-swimming dahil wala nang hadlang," sabi ni Ashton.
Nang makabili na kami ng mga kailangan, bumalik kami sa beach house para magpalit. Hindi ako sanay magsuot ng mga bikini kaya ang napili ko ay rashguard.
Pagkatapos magpalit, dumeretso na ako sa poolside kung saan nagtitipon ang magkakapatid. Inaya nila ako na magswimming.
"Ate Brea, hindi ganon kalamig ang tubig kaya masarap mag-swimming," sabi ni Ashton.
Ngumiti lang ako at lumapit sa may table kung saan nakaupo sina Aiden at Kuya Asher.
"Isn't your shorts a bit too short?" sabi ni Aiden.
"Hah? Hindi naman ganon kaiksi ah, mostly ganito naman talaga ang mga shorts pang-swimming," sagot ko.
"Her shorts are fine. And bro, it's just us here." sabi ni Kuya Asher.
Pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Hindi rin naman ako makakapagpalit dahil ito lang ang shorts ko pang-swimming.
Buong araw siyang nakatingin sa akin na parang may problema sa shorts ko. Ano bang problema niya? Inaano ba siya?
Kinabukasan, sa beach naman, gustong matuto ng kambal mag-swimming. As I watched them apply sunscreen to their faces, biglang may dumating na magandang babae.
"Ate Xyrene!" bati ni Atlas.
"Hi guys," bati niya pabalik.
"When did you get back?" tanong ni Archie .
"Kahapon lang, tinawagan ko si Tita Alisa at nagtanong kung kailan ang summer vacation ninyo para makasama ko kayo," sabi ni Xyrene ata ang pangalan.
She was greeting the other boys when her eyes darted to me.
"Oh, this is Brea, she's staying with us for the meantime," sabi ni Archie.
Meantime, huh? How I almost forgot that this is just temporary,
"Hi, I'm Xyrene," sabi niya.
"Nice to meet you, Xyrene," bati ko.
After the greeting, they surrounded her and it felt like I was not with them.
They were exchanging stories when Aiden came.
"Aiden!,"
"Xyrene!?,"
"How I miss you so much" she hugged Aiden at kahit gulat niyakap niya rin ito pabalik.
"I also miss you, you should have called nang sa ganon nasundo ka namin" Aiden
"You did not change, you're still overprotective," tumatawang sagot ni Xyrene. Halatang tuwang tuwa sa pag-aalala ni Aiden.
Bakit parang magjowa sila, mukhang ganun eh. Baka may gusto sila sa isa't isa pero hindi pa nila alam. Halata naman eh, iba yung ngiti ni Aiden.
Hindi ko tuloy alam kung babalik na lang ako sa bahay o mananatili, pero mukhang hindi naman nila mapapansin kung saan man ako pupunta. Kaya habang nag-uusap sila, bumalik na lang ako sa bahay.
Sumikip na rin ang dibdib ko eh. Aaminin ko, crush ko si Aiden, pero hanggang doon na lang. Buti nalang nalaman ko agad na may gusto pala siyang iba, kundi isang malaking panganib pag lumala pa tong nararamdaman ko.
YOU ARE READING
Where I Belong
RomanceAs Brea settles into her new life with the Millers, despite feeling like an outsider at first, wIll Brea gradually find solace in the embrace of the Miller. Through heart warming moments of laughter, tears, and shared experiences, Brea finds the di...