Kabanata 22
Sisigaw sana si Kali para humingi ng tulong nang bigla namang may tumakip sa bibig niya at hinila siya nito sa madilim na parte ng kanilang bahay. Labis ang pag-aalala niya na baka isa ito sa mga kasamahan ng mga lalaking nakita niya sa may sala pero nang masinghot naman niya ang pamilyar na pabango ay tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
"Don't make a sound." Tinakpan nito ang bibig niya at hindi naman niya maaninag mukha nito. She could feel his breath on her face. Maaaring magkalevel ang pagmumukha nila ngayon.
"Let's go back."
Hinila siya nito pabalik sa itaas at dahang dahang naglakad. Malakas na malakas ang kabog ng kanyang dibdib at nahirapan sa pag-akyat sa hagdan dahil sa hindi niya makontrol na panginginig ng kanyang mga tuhod.
Palihim namang inalerto ni Ran ang mga tauhan nila patungkol sa mga kalabang nakapasok sa bahay habang hawak hawak nang mahigpit ang kamay ng asawa. Nasa may labas na sila ng kwarto at pabalik na sana sila sa loob ng kwarto nang aksidente namang masagi ni Kali ang painting na nakadikit sa pader. Gumawa iyon ng malakas na ingay. Isang malakas naman na putok ang kanilang narinig at doon na hindi napigilang napasigaw si Kali at nagkagulo ang lahat.
"We're in danger! Help!"
"Libutin ang buong sulok ng bahay at walang ititirang Rosales!"
"DALIAN NIYO BAGO PA MAN MAY MAKAWALA SA KANILA!"
"Shit."
Rinig na rinig nila ang pagtama ng bala kung saan saang parte ng bahay at maging ang malakas na pagsigaw ng batang si Lily na halata namang takot na takot sa naririnig. Hinila ni Ran si Kali papasok sa kwarto at binuksan ang bintana saka naman ibinaba ang mahaba nilang kumot dito. Iyon ang ginamit nilang dalawa para makalabas at makababa ng bahay at nagtago sa likod ng mga halaman sa garden nila.
Maging sa labas ay rinig na rinig pa rin ang putukan hindi naman mapigilang mapaluha ni Kali habang pinapakinggan ang sigawan ng lahat na may halong pagkatakot. Parang minasacrre na ang bahay nila at pinaulanan ng bala. Tinakpang maigi ni Ran ang bibig niya nang sumigaw siya para hindi sila marinig ng mga kalaban.
Nagpupumiglas siya sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya nung balak niya sanang bumalik sa loob para iligtas ang buong pamilya pero hindi siya nito hinayaan. Sa huli ay pinanood niya ang kahindik hindik na pangyayari sa buhay niya nang wala man lang magawa. Hindi niya nakayanan ito at bigla bigla nalang siyang nawalan ng malay sa bisig ni Ran. Narinig pa niya ang pagmura at nakita ang pagkabalisa nito bago siya tuluyang nahimatay.
"DAD!" napabalikwas sa kinahihigaan si Kali at inilibot ang tingin sa hindi pamilyar na bahay na gawa naman sa kawayan. Napasiksik siya sa isang sulok ng kwarto nang marinig niyang may mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya. Napalunok siya at hinintay kung sino ito, maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa iyon ng isang pamilyar na babae.
Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang nakababatang kapatid ni Ran. Ngumiti ito sa kanya ng tipid at inilapag sa gilid ng higaan ang pagkain saka naman siya sinenyasan na lumapit.
"Ako nga pala si Cara. Ipinagluto kita ng pagkain dahil batid kong nagugutom ka na. Pasensya ka na at hindi ito ang nakasanayan mong kainin pero ipinapangako ko naman sayo na masarap ito" ani nito at hinintay siyang lumapit.
Malumanay ito magsalita, mahinhin, at mabait tignan. Mukha itong sinasabi nilang Maria-Clara na babae dahil bukod sa mahinhin ito ay maayos rin ang pananamit at lumilitaw ang ganda sa kabila ng mahabang palda nitong suot.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...
![The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/355184447-64-k893654.jpg)