Kabanata 4

379 14 1
                                        

Kabanata 4

Natigil ang dalawa nang balisang balisa na lumapit si Fin, mapapansin ang kaba nito. Kumunot ang noo ni Ran nang makita ang ilang mga customer na nandoon ay nagkumpulan at nakatingin sa labas. Maging si Kali rin ay hindi maintindihan ang pangyayari, tinawag at pinalapit niya si Melissa.

"What is happening?" takang tanong ni Ran sa kaibigan.

"May iilang mga armadong lalaki ang nasa labas at nakapalibot sila sa buong lugar maliban nalang sa likuran."

Kali gasped.

"Are you for real?! Bakit naman? Wag mo sabihin sa akin na may nakapasok na criminal dito--"

"No. It's not like that." Fin replied.

"Then why are they here?!" mapapansin sa boses ni Kali ang pagkatakot lalo na nung makarinig siya ng putok ng baril sa labas at nagsigawan na ang mga tao at nagtago sa ilalim ng kani-kanilang mesa.

"They are probably after you."

"W-what? Hindi ito ang tamang panahon para magbiro ka ng ganyan, Aronzado. This is a serious situation."

"I'm not even joking, Rosales."

"Ran is not joking. Those guys outside is definitely after you."

"Pero bakit?"

Why would they be after her? Sa pagkakaalam niya ay wala siyang kahit na sinong nakaaway dito sa lugar. Wala siyang ginawang masama at wala rin siyang tinakbuhan na utang. Di niya magagawa yun. 

Dali dali niyang kinalkal ang cellphone sa kanyang bag nang maalala ang Daddy niya pero sa kasamaang palad ay nalowbatt na pala ito . Hiniram niya ang cellphone ni Melissa pero out of coverage naman. Napatampal nalang siya ng noo. Mababaliw na ata siya.

Bumaling siya sa pwesto ni Ran na may hawak na isang baril ganun din si Fin. Seryosong seryoso ang dalawang binata habang nag-uusap. Nanginginig ang tuhod niya nang tignan ang baril. It was her first time seeing a real gun.

"G-guns...what are you going to do?"

"Follow me and Fin. Pwede tayong dumaan sa likuran itatakas kita rito. My car is there." He calmly told her and grabbed her arm.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina." She took a deep breath to calm herself.

Binalewala siya ni Ran sa halip ay inabutan siya nito ng bulletproof vest at pinasuot. Tinanggap niya ito at sinuot. Isang malakas na naman na putok ang narinig nila at muling nagsigawan ang lahat sa takot.

"Why would they be after me? Did someone send those people to kill me? Tama ba ako?" tarantang tanong niya habang tumatakbo silang apat papunta sa may likuran.

Ganun pa rin. Hindi siya sinagot nito na mas nakapag-init ng ulo niya lalo at nagpakaba. What if she was right?

Nang makasakay sila sa kotse ni Ran doon na mas lalong nagkagulo. Nasa may backseat sila pareho ni Melissa at kitang kita nila sa gilid na mayroong mga armadong lalaki ang nakatutok ng malalaking baril sa kotse nila. Napasigaw at naghysterical sa takot, panay ang utos niya kay Ran na simulan na ang pag-aandar ng kotse habang naglalagay pa ito ng bala sa kaniyang baril.

"Come on! They're going to shoot us!"

Umandar na ang kotse nila papalayo. Sinundan at hinabol naman sila ng apat na kotse.

"Kumalma ka, Rosales. Walang magagawa ang pagsisigaw mo riyan. Mas makakabuting itikom mo ang bibig mo."

Napantig naman ang tenga niya dahil sa sinabi ni Fin. Kalma? Paano siya kakalma sa lagay nila? Maaaring mapatay pa sila ng mga armadong lalaki. 

The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon