Kabanata 8

287 17 2
                                        


Kabanata 8

Hawak hawak ni Mateo ang kamay nina Kali at Ran habang papalit sa nagkukumpulang mga tao na kasalukuyang naghahanda para sa larong sack race. Tahimik lang ang dalawa at hinayaan na lamang ang bata sa gusto nito. Nang mapalibutan naman sila ng mga bata ay saka naman ipinagyabang ni Mateo na magulang niya sila. Wala na silang nagawa kundi ay sakyan nalang ang trip nito.

Hindi sukat akalain ni Kali na aabot siya sa ganito gayung napilitang lang naman siyang sumama. Mabuti nalang din at wala ang mga kaibigan niya rito paniguradong tutuksuin siya ng mga nun at pipilitin siyang ipakilala ang mga ito kay Ran. 

Sa di naman kalayuan ay nakatingin ang Daddy at Tito ni Kali sa kanilang tatlo.

"Look at those two, Robert. . Bagay na bagay sana ang dalawa kung hindi lang pasaway ang atin." Naiiling na wika ng Ramon  saka binalingan ang kapatid na naiiling na rin.

"Bakit di mo subukang paglapitin ang dalawa?"

"Nakakahiya kay Ran kung irereto ko ang anak ko sakanya. She's a pain in the head. Ni hindi nga magkasundo ang dalawa base na rin sa naririnig ko mula sa ating mga kasambahay. Lagi nalang nang-aaway at pasakit ulo itong si Kali. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa batang iyan."

"Hindi pa niya napagtanto ang mga responsibilidad niya sa ngayon and besides she needs you to be her guide. At isa pa she's starting to change lately natututo na siyang makipaghalubilo sa mga nasa bahay at tumutulong."

"We both know why she is doing all of that. Plano pa rin niyang kumbinsihin ako na bumalik siya sa siyudad at bumalik na naman sa mga kaibigan niyang pariwara at walang ibang inisip kundi ang gastuhin ang mga naipong pera ng mga magulang."

Of course, Kali cannot fool her Dad. Simula nang kausapin at naging mabait ito alam ng ama niya na umaacting lang ito pero hinahayaan nalang niya dahil sa tingin niya magiging daan naman ito para muli silang magkalapit na mag-ama.

"Ano naman ang plano mo? Alam mo din naman na hindi tumitigil ang batang iyan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. You can't just lock her in the house forever."

"That's a good question. I think a marriage is a solution for her to mature."

Takang takang si Robert sa sinasabi ng kuya niya. Hindi niya mawari kung bakit pagpapakasal ang naisip na solusyon. Nag-aalala siya baka mas lalo lamang lumayo ang loob ng pamangkin niya sa pamilya nila.

"Ramon,what do you mean?"

"Nakausap ko kahapon si Mr. Santos, the one who owns the Santos Garden Resort. Napagsunduan namin na ikasal si Kali sa panganay niya."

"Wait—what? Are you serious? Ni hindi nga kilala ni Kali ang lalaking ipapakasal mo sakanya. I don't think she'll agree to this. Mas lalong lalala ang galit ng batang iyan sa iyo...sa atin."

"Buo na ang desisyon ko Robert and besides pina-imbestigahan ko panganay ni Santos and found out that he owns a famous club in the city and graduated from a very prestigious university. Balita ko nga ay kakilala ito ni Ran nung college and he also has a huge crush on my daughter. I'm telling you the boy is as intelligent as Ran kaya alam kong magkakasundo rin kami sa usapang negosyo. Huwag ka nang makialam pa dahil hindi na mababago ang desisyon ko."

Walang ibang nagawa si Robert kundi ay mapatahimik nalang. Alam niya na kahit tutol na tutol pa rin siya sa desisyon nito.



Gabi na nang matapos sila sa pakikifiesta. Kakapasok lang ni Kali sa backseat pagod na pagod siya kanina simula nung sa sack race. Kamuntikan pa siyang matumba dahil pilit nilang ipinagkakasyang tatlo ang sarili nila sa isang malaking sako at saka nagtatalon talon. Hindi sila nanalo sa lahat ng larong sinalihan nila pero kahit na ganun ay laking pasasalamat niya na masaya si Mateo.

The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon