Kabanata 3
"What's with that face?" natatawang tanong ng Tito niya habang nakaupo silang pareho sa hagdanan sa harap ng pintuan ng bahay.
Umagang umaga iyon at wala siya sa mood dahil masyadong mahina ang signal, kaya hindi siya makapag-check ng kanyang social media. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait sa sobrang pagkabagot.
"Tito, I need your help." Pinalungkot niya ang kanyang mukha.
He shook his head. " I'm so sorry iha. Hindi kita matutulungan. "
"Tito naman..."
"I think you should stay here. Tumatanda na Daddy mo, and sooner or later ikaw ang papalit sa pwesto niya, you never know, iha. At isa pa, I think it's time for you to get close with your dad's new wife and your little sister as well."
He placed his hand on her shoulder.
"I hope you'll open your heart to them. Matutunan mo rin silang tanggapin."
She pretended not to hear him. Ayaw na ayaw niya talagang pinag-uusapan ang pangalawang pamilya ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito matanggap. It's not that easy.
Mga ilang sandali pa, pareho silang napalingon sa likod nang marinig nilang may tumikhim. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang hindi niya kilala ang mga tito Bagong hired na naman siguro ng Tito niya.
"Sir, may bisita po kayo sa bahay ninyo."
"I'll be back, okay?" Yumakap ito nang mahigpit sa kanya bago umalis.
Nagtagal siya ng mahigit isang oras sa labas. Hanggang sa magsawa siya sa kakanood sa mga nagsisiliparang mga ibon sa kalangitan,nang maisipan niyang puntahan and kanyang ama.
Kaagad na pumukaw sa kanyang atensyon ang larawan ng kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya pagkapasok na pagkapasok niya.
"What do you want?" bungad na tanong ng kanyang ama habang nakapako ang atensyon sa mga papel nitong hawak.
"You may sit down."
Nakapamewang siya at hindi sumunod sa utos ng kanyang ama.
"Let me go straight to the point. How long do I have to stay here?"
"Until I say so. Iyan lang ba ang ipinunta mo rito sa opisina ko?" pagod nitong tanong pabalik.
"Hindi ko gusto dito. Gusto kong bumalik doon, tutal nasanay naman kayong magkalayo tayo di ba? Malaki na ako."
"Ako ang masusunod, at hindi ang katigasan ng ulo mo."
Napantig ang tenga niya.
"Why are you being like this?!"
Napahilot ng sentido angkanyang ama. Palagi nalang ganitong dalawa, walang araw o oras na hindi nag-aaway. Kaya nga mas pinili nitong manirahan sa malayo.
"Inilalayo kita sa maling direksyon ng buhay. I want you to have a good life, and so I'm giving it to you, even if it means being away with your bad influence friends."
"Bad influence?"Nanliit ang mga mata ni Kali sa narinig. Talagang hinusgahan pa talaga nito ang mga kaibigan niya na parati namang nandyan sa kanya kumpara sa kanyang ama na walang ibang ginawa kundi ay magpokus sa babae nito at trabaho.
"You don't have the right to judge them."
"I have the right to do so."Ibinaba ng kanyang ama ang eye glasses na suot nito saka siya mariin na tinignan.
"You think pariwara ako, just because of them?"
"Then who should I blame?"
You.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...
![The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/355184447-64-k893654.jpg)