Kabanata 40

253 5 0
                                        

Kabanata 40

"Gising!"

"Gumising kang babae ka!"

Napangiwi si Kali sa sakit nang maramdaman niya ang pagdapo ng palad sa magkabilang pisngi niya at hindi pa man niya naididilat ang kanyang mga mata nang maramdaman naman niyang sinipa siya bandang tiyan.

Mas lalo siyang napahiyaw sa sakit, at natumba siya sa sahig habang nakatali sa isang upuang gawa sa kahoy. Nauntog ang ulo niya.

"Hindi pa tayo tapos babae ka!" rinig niyang sigaw ng babae.

Nang tignan niya ito ay bahagya siyang nagulat nang makita si Stacy at Alexander, sa mga likuran naman ng mga ito ay mga taong hindi kailanman pamilyar sa kanya.

Pumukaw ng kanyang pansin ang dalawang lalaking nasa harap niya na nasisiyahan na makita siyang nahihirapan.

Agad siyang tinulungan ng mga armadong lalaki mula sa pagkakahiga sa sahig.

"Hindi ka namin sasaktan, Kali."

She gritted her teeth. "Hayup ka Alexander! Kasabwat mo pala sila! At ikaw Stacy sa tingin mo ba gugustuhin ka pa ni Ran kapag nalaman niya ang pinaggagawa mo?!"

Natawa si Stacy sa itinuran niya at akmang sasaktan na naman siya ulit nang pigilan ito nang lalaking may tattoo sa leeg.

Kung hindi siya nakakamali ay isa ito sa mga Alcatraz na sinasabi ng pamilya niya na kalaban nila.

"Stop Stacy, why don't we introduce ourselves first? Ayokong hindi tayo nakikilala ng bisita natin rito."

"Sa amin ni Alexander ako lang naman ang hindi niya kilalang tunay." Tinaasan siya nito nang kilay at naglakad papalapit sakanay saka naman ipinalandas ang isang maliit na kutsilyo sa mukha niya.

"It's time for you to know that my name is Stacy Arceta Alcatraz. An adopted daughter of your father's dear friend na walang ibang ginawa kundi ang maging sunod-sunuran sa iyong ama."

"Hindi na ako magtataka pa kung bakit ubod ka ng kasamaan."

"Tama ka,ubod talaga ako ng kasamaan. You what happened to my father? I killed him. He was too hard-headed like you, at alam mo na ang mangyayari sa mga katulad mo ngayon. Kayang kaya kitang patayin at kapag nangyari iyon wala nang makakapigil sa amin ni Ran."

"At sa tingin mo papatulan ka niya?"

Isang malakas na sampal na naman ang natanggap niya mula dito at hindi pa ito nakuntento ibinaon nito ang hawak na kutsilyo sa hita niya.

Napasigaw siya sa sakit. Pinigilan naman agad ni Alexander si Stacy at inilayo ito sa kanya.

"Don't fucking stop me, Alexander! I'm gonna kill that bitch!"

"Stacy, calm down. If your going to kill her now, where's the thrill?" Natawa ang lalaki at binalingan si Kali na namimilipit na sa sakit.

"I'm sorry for what she did, Miss Kali. Hayaan mo at pagsasabihin ko yan siya mamaya. Anyway, I'm Brandon Alcatraz, nice meeting you."

Dinuruan lang ni Kali ang kamay nito nang ilahad ito sa harapan niya. Natawa ang lalaki at pinahiran ng panyo ang kamay. Bumaling naman ito sa lalaki na tahimik lang sa gilid na nanood sa kanila.

"Why don't you introduce yourself to her brother?"

"You..."gigil niyang tawag sa mga ito. "You almost killed my father. Mga hayup kayo! Ano bang nagawa ng pamilya ko at ginanito niyo kami?!"

Natawa ang isang lalaking kapatid umano ni Brandon, na nakasuot naman ng polo at naglakad papalapit sa kanya. Nilakasan ni Kali ang kanyang loob nang hawakan nito ang kanyang mukha.

The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon