Kabanata 1

957 22 0
                                        


Kabanata 1

"Are you sure that he wants me to be there?" nakataas na kilay na tanong ni Kali sa utusan niya. Mariin namang tumango ito sakanya sabay ngisi at upo sa upuan na nasa harap lang din niya.

"Opo, ma'am. Nung malaman kasi ni sir na gabi-gabi kayong nasa bar---"

Napahilamos siya ng mukha at natawa nang may pagkasarkatisko.

"Sinusumbong mo ako?" pagputol nito sa sasabihin. Napapahiyang napayuko nalang ang babae sa naging tanong nito sakanya.

Napahilot na lamang ng sentido si Kali nang wala siyang makuhang sagot mula dito. Hindi niya alam na may mata at tenga pala ang Daddy niya kahit malayong malayo siya dito. Pakiramdam niya tuloy ay parang bata pa siya sa paningin nito. She hates it.

Gustuhin man niya itong pagalitan pero alam niyang wala naman itong choice at alam niya na trabaho lang ang ginagawa nito. Tiyak na ito pa nga ang mapapagalitan kapag pinagtakpan siya sa mga pinanggagawa niya rito sa siyudad. Kasalanan toh ng Daddy niya. 

"Melissa get my purse and my phone on the couch, I'll call dad. I have to explain my side he can't just order me to be in that place. That's so scary...." She paused for a bit before continuing. "I don't like the people there." Makahulugang wika niya.

"Naku ma'am, hindi na po kailangan naroon na nga po ang sundo niyo sa ibaba kanina pa. Wala ka na pong kawala."

"W-what?"

Sumilip siya sa baba at napagtanto niyang tama nga ang sinabi nito. Napaikot siya ng mga mata at napabuntong hininga. May punto nga naman ito hinding hindi at wala na siyang oras pa para tumakas. Ano ba naman kasing laban niya gayung marami sila at malalaki pa ang pangangatawan?

"I hate him."

Mabilis niyang hinablot ang bag at cellphone mula kay Melissa at dire-diretsong naglakad palabas sa sariling opisina sa kanyang bahay habang nakasunod naman ito sa kanya.

Bumungad agad sakanya ang alipores ng kanyang ama na nakasuot pa ng formal suit animo'y nagmumukhang galing siya sa isang sosyal siya na party at sinusundo siya ng mga ito. 

Itinaas niya ang kamay nang akmang magsasalita na sana ito para ipaintindi sakanya kung bakit sila naroon sa bahay. Napapahiyang itinikom ng lalaki ang bibig at inalalayan siya na makasakay na sa passenger seat ng kotseng paborito niya na pagmamay-ari ng ama. Matagal na niya itong hinihingi sa ama ngunit hindi siya nito pinapayagan dahil wala itong tiwala sakanya at takot na baka mabangga niya lang ito kung saan saan.

Well, hindi naman niya ito masisisi lalo na't maraming beses na niyang naibangga ang pinaka-una at pinakaluma niyang sasakyan. At ngayon umaasa pa rin siya na mapapapayag niya ang kanyang ama kahit alam niyang malabong mangyari.



Nakatulog siya sa byahe habang si Melissa naman ay nasa likuran nakaupo at panay ang kwento sakanya kung gaano na kaganda ang lugar. Wala naman kasi siyang pake sa mga bagay na patungkol doon ang gusto niya lang ay makapagpahinga at nang magkaroon siya ng lakas na awayin na naman ang Daddy niya.

Ilang oras ang lumipas ay naramdaman nalang niya na tumigil na ang sasakyan. Pagtingin niya sa labas medyo umiitim na ang langit hindi niya malaman kung malapit na ba gumabi o marahil ay malapit lang na umulan kung kaya't napatingin siya sa relong nasa kanang kamay ni Melissa at doon niya lang napagtanto na mag-aalas siyete na pala. Ang tagal ng byahe nila kaya nakaramdam na siya ng gutom at pananakit ng tiyan.

Inalalayan siya ng mga lalaki sa paglabas ng kotse maging si Melissa ay hindi rin nagpakabog at nagpatulong na rin. Hindi na lamang niya ito binigyan ng pansin at sa halip ay pinagtuunan ang malaking bahay na nasa kanilang harapan. Sa loob ay kapansin pansin ang malalaki at maliliwanag na ilaw sa loob tila ba may iba itong bisita. 

The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon