Kabanata 35
Sumapit ang gabi ay hindi pa rin kumakain si Kali. Naroon siya sa pinag-stayan ni Melissa nakatingin lang sa labas lalong lalo na sa bahay ni Ran. Masamang masama ang pakiramdam niya nung mga oras na yun. Humiga siya sa kama nang hindi na makayanan ng katawan niya. Kahit ano namang pilit ni Melissa na pakainin at painumin siya ng gamot ay hindi niya ito pinapansin.
Patuloy lang ang pag-iyak niya kahit na halos wala nang mailabas na luha ang mga mata niya. Paulit ulit na sumagi sa kanyang utak ang galit na tingin na ipinukol ni Ran sa kanya. She wanted to explain herself. She wanted them to know that she truly felt sorry for what happened. Kung maibabalik lang niya ang oras ay hinding hindi niya hahayaan na mangyari sa kapatid niya iyon. Mahal na mahal niya ang kapatid niya kahit na palagi niya itong sinusungitan.
Samantala, walang ibang nagawa si Melissa nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Kali. Pinabayaan na lamang niya ito at pinuntahan si Ran para ibalita na patuloy pa rin ang pagmamatigas ng alaga niya
Napagbuntong hininga si Ran nang makausap si Melissa. Hindi na niya alam ang gagawin niya kay Kali. Mabuti nalang at nakita niya yung pangyayari kanina kundi ay baka patay na ang bata.
"I don't think Kali wants this to happen, iho. She was just so scared that she wasn't able to rescue Lily immediately at isa pa, hindi siya gaano marunong lumangoy," malungkot na saad ni Faith.
"I'm sorry, Tita pero kasi sinaktan ako ni Kali at gumanti lang ako. I could've saved your daughter kung hindi lang siya nakaibabaw sa akin nung mga oras na nasa peligro ang buhay ng anak niyo," sabat naman ni Stacy na nasa gilid at nagdadrama.
"Where's ate Kali?"
Kapwa naman napalingon ang lahat nang magising ang batang si Lily na nanghihina pa rin.
"Don't worry, princess. She's not here. She won't be able to hurt you again," ani naman ni Stacy at nilapitan ang bata.
"I want to see her, kuya," pambabalewala ng bata kay Stacy.
"You need to rest, Lily. Huwag ka na munang bumangon," ani ni Ran at binuhat ang bata at ipinasok sa kwarto nila ni Kali.
Maingat niya itong inilapag sa higaan at sinuklay ang buhok nito saka naman ito ginawaran ng halik sa noo.
"Pasensya ka na sa mga nangyari."
"I'm fine now because you save me."
Tipid siyang ngumiti. "I think I should teach you how to swim. Basta't ipangako mo sa akin na sa susunod dapat kasama mo ako sa tuwing maglalaro ka sa dagat, okay?"
Tumango ang bata at nagpaalam naman si Ran na maiiwan na muna niya ito dahil may mahalaga pa silang pag-uusapan ng nanay nito nang pigilan naman siya ng bata.
Naguguluhang napatingin siya dito na nakahawak na sa kanyang kamay.
"Can you do me a favor?"
"What is it?"
"Please tell her that I wasn't mad at her for not saving me. Tell her also that she shouldn't blame herself and that she's the best sister in the world."
"Is that all?"
"I just also want you to know that it wasn't ate Kali's fault. You should believe her, she's telling the truth." Ani nito.
Natahimik nama siya sandali sa narinig. Biglang sumagi sa isipan niya ang pagmumukha ni Kali na umiiyak at takot na takot.
That night, Ran made sure to confront Stacy and forced her to tell truth. Umiiyak naman itong nagsumbong sakanya na hindi nito sinasadya ang nangyari at pinagsisihan nito ang ginawa. He was fuming mad when he finally heard the truth from her. May kung ano pa itong sinasabi at nagmamakaawa sa kanya subalit hindi na niya ito pinakinggan pa.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...
![The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/355184447-64-k893654.jpg)