Kabanata 25

249 5 0
                                        


Kabanata 25


"Siguro lagi mong pinapahirapan ang kaibigan namin ano? Para kang nagwawalang aso kapag nagagalit ka eh," reklamo ni Fin habang nakahawak sa balikat na namamaga bago kumagat sa pinaypay na hawak.

"Ewan ko sayo."

"Kanina pa kayo dyan ah! Baka may namumuo nang pagmamahal sa pagitan ninyong dalawa. Naku naman Fin di ba't nasabi mo nuon na type mo itong si Kali?"

Umikot na naman ang mata ni Kali nang dahil sa sinabi ni George. Alam niyang tinutukso lang nito ang kaibigang si Ran na abala naman sa ibang bagay. As usual para itong may sariling mundo.

"Huwag mo na sabihin at baka mainlab to sa akin."

"Kapal mo. Sing kapal mo yung kalyo sa paa ni Chance."

"Oy! Babygirl wag mo idamay ang kalyo ko sa paa. Hindi na kita inaano."

Malakas na nagtawanan ang lahat maliban nalang kay Ran na patuloy pa rin ang pagtitipa sa kanyang cellphone. Nakakagalit nga eh kanina pa ni Kali napapansin na para itong walang pakialam sa kanila at mas pinili pa ata ang makausap ang kaibigan nitong may malaking hinaharap. Si Stacy ba yun? Nakalimutan na sana niya yung babae pero nang bumaling siya kay Ran naaalala niya naman.

Hayst. Wala ba talaga siyang maalala?Ganun ganun nalang?

'Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na if you two would kiss, it doesn't mean anything, right? So, why would you care if remembers what he did that night? Again,Kali it doesn't mean anything. You're just hoping like some stupid high school girl. That was just a kiss,' wika ng isang boses sa isipan ni Kali.

"Saan ba kasi si Cara? Kanina ko pa yun napapansin ah hindi kumain. Ano na naman kaya ang nangyari dun?"

"She's sleeping. Mamaya na yun kakain dahil medyo masama ang pakiramdam niya kayo nalang muna ang kumain sa mga hinanda ko." Sa wakas ay nagsalita rin si Ran at inayos ang salamin na suot suot.

"Ah ganun ba?"

"OH-teka saan ka naman pupunta Kali? Huwag mong sabihin masama rin ang pakiramdam mo?" takang wika ni Eleven sa kanya nang bigla siyang tumayo at aalis na sana.

"Mag-iigib lang ako ng tubig nang may maipang half bath ako mamayang gabi."

Hindi naman naniwala si Eleven sa kanya kung kaya't umiling iling ito sabay ekis ng mga braso at tinuro siya gamit ang maugat nitong kamay. Ganun rin naman ang iba hindi makapaniwala sa narinig para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi niya. Napahilot ng sentido si Kali nang hindi umalis si Eleven sa harapan niya takang taka nitong tinignan si Ran na again ay wala talagang pake sa kanila.

Alam na alam niya ang tumatakbo sa mga utak nito ngayon. Malamang iniisip ng mga ito na hindi siya gumagawa ng ganoong bagay well totoo naman but that was in the past. Wala naman siyang magagawa ano kasi ayaw naman siyang tulungan ng magaling niyang asawa. Mas gugustuhin pa ata nitong makita siyang nahihirapan sa paggawa ng mga bagay na hindi niya minsan kaya at kahit pa mag-inarte pa siya at magsisigaw patuloy pa rin ito sa pagbingi bingihan.

"Wag mo sabihing naglalaba ka rin? Nagluluto? Naglilinis?"

Pagod siyang tumango kay George. Ganyan na ba talaga siya ka pampered at kaseñorita sa paningin nila? Hindi ba pwedeng magbago dahil wala naman siyang choice? Kung hindi niya gagawin ang mga bagay na iyon ay hindi siya makakasurvive, wala din siyang susuotin at magkakasakit pa nang dahil sa makakapal na alikabok sa kwarto niya. She's doing it for herself and not for anyone.

"Tapos ka na? Maaari niyo na ba akong lubayan?"

Pinigilan siya ni Fin nang akmang lalagpasan na niya si Eleven. Tinuro nito ang sugat niya sa paa na nakuha niya nung nakaraang araw na aksidente niyang matapakan iyong basag sa buhangin. Hindi pa kasi ito naghihilom at hirap pa rin siya maglakad.

The Mayor's Daughter [UNDER REVISION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon