DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Thank you!Simula
"Woohoo!"
Malakas na sigaw ko habang sumasayaw at may hawak na baso ng liquor sa kanang kamay. Ang aking sigaw ay pumailalim lamang dahil sa lakas ng music sa loob ng bar.
Iginiling-giling ko ang aking katawan sa gitna ng dagat ng tao sa dance floor. Hinawakan ko ang aking buhok at inikot-ikot ang dulo nito. Sabay pinadausdos ko ang aking kamay sa suot na mini-red spaghetti dress mula sa leeg hanggang tiyan.
Itinaas ko ang aking kamay at nakapikit na sumigaw. Ayos lang kahit ilang beses akong sumigaw dito dahil halos wala rin naman makakarinig. Sa lakas ba naman ng music ay ewan ko na lang kung may makarinig pa sa pagsigaw ko.
Ngayon na lang ulit ako makakapagsaya nang ganito dahil walang trabaho bukas. Gabi ng sabado ngayon kaya walang pasok sa trabaho bukas. Ayos lang kahit hapon na ko magising.
May lumapit na lalaki sa'kin at hinawakan agad ang aking bewang. Inilapit niya ang kanyang mukha sa'kin. Alam ko na ang gusto nito. Isa lang naman ang gusto ng mga lalaki. Halik. Hinila ko ang kwelyo ng suot niyang button down shirt at hinalikan siya ng mariin.
"Hmm..." Hindi na nga siya masarap humalik, hindi pa maganda ang pag-ungol niya. Binitawan ko siya agad at lumayo. Hindi ko gusto.
Nagtatakang tumingin siya sa'kin. Ang mga mata ay namumungay. I gave him a seductive smile. Hinawakan ko ang dibdib niya.
"I'm sorry, boy, I don't like you." Bulong ko sa kanyang tainga.
Umawang ang labi niya. I gave him a peck on his lips and a sweet smile. Pagkatapos ay umalis na ko sa kanyang harapan.
Niyaya ako rito ng kaibigan kong si Audrey. Kaso ang babaitang iyon ay hindi ko na mahagilap. Pagewang-gewang pa rin akong naglakad upang hanapin siya. Siguro sumama na naman iyon sa lalaking nakilala niya ngayong gabi.
Masakit na ang ulo ko, at nahihilo na rin talaga ko dahil sa alak na ininom tapos ang ilaw sa loob ng bar ay dumagdag pa. Ang sakit sa mata at nakakahilo talaga.
Inilibot ko ang aking paningin at bumalik sa kung saan kami nakaupo kanina kaso wala na siya roon. Kahit nahihilo na ay hahanapin ko pa rin ang babaeng iyon dahil nasa kanya ang bag ko. Akala ko naman kasi mananatili siya sa upuan namin pero wala na ang gaga. Pati ang bag ko.
"Hmm.. hmm.."
Agad ang pagsunod ko sa pinagmulan ng ingay. At doon, nakita ko si Audrey na nakapatong sa maskuladong lalaki. Sa ilalim ng lamesa. Napangiwi ako. Wala talagang pinipiling lugar ang kahalayan niya. Muntik ko pa sila matapakan. Sayang.
Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik ulit sa dance floor. Dinama ko ang music at isinabay rito ang paggalaw ng aking katawan. Ah, ang sarap magsayaw.
"Want some drinks, Miss Sexy?" Nakangising tanong sa akin ng isang lalaki.
Kinuha ko agad iyon at tinungga saka ibinalik sa kanya. Natawa siya sa ginawa ko. Ako naman ay iginiling na muli ang katawan.
May bumangga sa akin at sabay kaming nagkatinginan bago naghalikan ng mariin. Ah, hindi na naman masarap. Binitiwan ko siya at nagsayaw na muli.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may naramdaman akong malaking kamay na humawak sa aking bewang. Ipinalibot nito ang isang braso sa aking tiyan.