Annoyed
Naiinis na tinalikuran ko siya. Kung magsasalita pa'ko paniguradong hahaba lang iyon, kaya it's better to just leave.
Narinig ko ang mapang-asar niyang tawa. That asshole!
"You should chill, Miss."
"Fuck you!" Nanggigigil at pabulong kong sabi nang walang lingon-lingon.
Bwiset na lalaking iyon! May araw din siya sa'kin!
Makita ko lang ang panget niyang mukha, naiinis na ko. Okay, he's not ugly, I'm just pissed. Pero nakakainis talaga ang ginawa niya kaya deserve niya ang inis ko. At teka nga? Ano naman kayang ginagawa non dito? Baka may interview? Sana hindi siya matanggap.
Grabe'ng torture sa'kin iyon kapag naging katrabaho ko siya for sure. I can't even stand just a glimpse of him. He's annoying.
"Anyare sayo teh? Gigil na gigil ang feslak?"
Hinila ko ang upuan sa tabi ni Kiko, my gay workmate. Nandito kami ngayon sa meeting room.
"Ikaw ba naman makakita ng kamukha ni Chucky sinong 'di manggigigil."
Kiko laughed at what I said. "The last time you said you saw a Chucky-like face he's a model. So, now, I don't know if I will believe you."
Pabiro kong hinampas ang braso niya. 'Di pa rin nawawala inis ko kaya 'wag na siyang dumagdag.
"Just believe me, Kiko."
We both laughed, not loud of course.
"Sige, sabi mo, e."
Bakit naman kasi ang tagal magsimula ng meeting na 'to? Ano'ng oras na kaya. Gusto ko nang umuwi.
Ilang minuto rin ay nagsidatingan na yung iba. I'm not sure kung ito na lahat dahil may dalawang upuan pa ang bakante. Kung meron pang padating, sana di na makarating. Kahit madapa lang man sana.
"Okay everyone, let's start."
Meron daw bagong project. It's a collaboration with another company, sister company yata ng pinagtatrabahuan ko. It's a big project for both companies because it will benefit them well. They are certain with this project, they will earn huge.
"With this hotel, we could earn a lot." Said our team leader, Kathy, with a wide grin on her lips.
Akala niyo board meeting 'to? Hindi. It's a departmental meeting.
"Masuwerte tayo dahil ang mga engineer mismo ang mage-explain pa sa'tin ng tungkol dito!" Kinikilig niyang sabi. Ito ang mahirap kapag team leader niyo babae, e.
As if I care.
Wala na bang itatagal pa 'tong meeting na ito? At hindi ba pwedeng sa susunod na lang pag-usapan ang ibang bagay tungkol dito?
Hindi naman sa tamad akong employee, pero kasi overtime na ang meeting. Aba, e wala naman dagdag na bayad 'to. Buti sana kung meron magvolunteer pa'ko mag-stay dito.
"So, are you guys excited to meet them? Ahhh!"
Huh? Ano 'to? Show? Kung makapagtanong akala mo artista ang mga papasok.
Dapat na talaga kong pumalit bilang team leader, e. Ako na lang yata ang professional sa team namin. Ang hindi naaapektuhan ng kapogian. Kahit ano pang itsura mo, kung wala kang pera, ay no na no.
Walang gana na akong nakatingin sa team leader namin na nagsasalita sa harap. Habang ang mga kaworkmate ko naman ay masayang masaya—kinikilig pa.
Lumapit si Kathy sa pinto. "Uh, Engineers, pwede na po kayong pumasok." Finally, naging propesyunal ngayon ang tono niya.
Nakasunod ang tingin ko kay Kathy kaya nakita ko agad ang pumasok. Isang matangkad na lalaki, nakasalamin, at naka-coat and tie na black.
Eh? Akala ko naman pogi at nagmake-up pa ng bongga ang mga katrabaho ko. Halatang may asawa at edad na 'to, e. Lolo na nga siguro. Inilipat ko na lang ang tingin ko sa folder na naglalaman about our newest project na nasa lamesa. Kunwari babasahin, pero babasahin ko talaga. Pag-uwi.
"This is Engr. Mikolo Blanco and Engr. Liam Luther Del Fuente."
Sabi ko pag-uwi ko pa babasahin pero hindi ko na nasundan pa ang mga nangyayari dahil sobrang focused na ko rito sa pagbabasa. Hindi ko napansin na naupo na pala ang lahat.
"Aherm!"
Parang may plema pa yun, ah.
Umayos ako ng upo at tumingin ulit sa harap habang dahan-dahan tinitiklop ang folder na hawak ko.
What the fuck? What the fuck.
Hindi na umabot sa harap ang tingin ko dahil nasalo na ng lalaking nakaupo sa aking harap.
"I am looking forward to work with all of you." He said directly staring to my eyes, a wide smile—no obviously it's a grin, was plastered on his lips.
Smile for others, but I'm certain, he's grinning to me.
Fuck you, asshole.
Pagminamalas ka nga naman, oh. Well, fuck it, because I don't give a damn. If I have to work with him to earn money then... why am I so unfortunate?! Seriously?! Oh god, what a life!
"Meeting adjourned."
Para akong tinanggalan ng mga buto sa sobrang lupaypay kong maglakad. Well?! Sino'ng gaganahan kung ganito ang mga latest na nangyayari sa buhay ko? No one! Literally, no one!
Naglalakad ako ngayon sa disyertong hallway. Nagsiuwian na ang iba. Kanina pa sana ko nakauwi kung hindi lang ako mabagal, e.
"Are you a dog?"
A man standing tall, with slightly disheveled jet black hair, spoke.
I gave him an annoyed look.
He's wearing a button down white polo shirt with tie still on. His black coat was hanging on his arms. Sa paahan naman, black shoes.
" Seems like you need a bone so you could walk faster, yes?"
Ngumiti ako sa kanya. Plastic.
" Thank you po for your concern, Engineer, but no thanks na lang po." Magalang kong sabi. " Mauna na po ako." I bowed a little to show 'some' respect.
"Okay. If you say so."
Ginantihan niya ang ngiti ko kaya mas pinilit ko pang ngumiti. Kahit halata naman na mas peke ang ngiti niya.
Tuluyan na kong naglakad palampas sa kanya. Saka dahan-dahan naglaho ang pilit kong ngiti.
"Okay if you say so." Panggagaya ko. "Hindi bagay sayo magbait-baitan. Halatang demonyo kang bwiset ka!"
May nakita akong malaking bato sa kalsada kaya malakas kong sinipa iyon. Inis lang.
"Nakakasipa ka na—"
"Ay palakang nakabukaka!" Dahil sa gulat ay naapakan ko yung malaking bato na mahina kong nasipa kanina. Naka-heels pa naman ako!
"—Ibig sabihin may buto ka na?"
Nakahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Inis simula pa kanina, pagod dahil sa OT, at dahil sa posibleng sugat sa paa ko, para kong isang bulkan na sumabog.
"Gago ka ba, huh?! Bakit ka nanggugulat?! Paano kung may butas na kanal at hindi ko nakita dahil sa sobrang gulat, ililigtas mo ba 'ko kapag nahulog ako, huh?! Hindi di'ba?!"
He was shocked to see me outburst.
"Ano?! Hindi di'ba?! Kaya 'wag na 'wag kang nanggugulat!" Hinihingal kong sabi. Halos hampasin ko na siya ng bag ko sa sobrang inis.
Halatang nag-isip siya kung ano'ng sasabihin. "Hindi." He bit his lower lip suppressing a smile.
"I will let you fall."