Woman
Sometimes it's good for us to go outside and feel the peaceful night. It's not always chaos outside, you know.
Nilingon ko siya nang matantong malapit na kong bumaba. Gusto ko sana dito na magpasalamat kaso nahihiya ako.
"Thanks for the ride." Mahinang sabi ko.
I opened the door and got off the car. Engr. Del Fuente was about to do that but I insisted to do it myself. Para rin hindi na siya bumaba pa.
"Take care." aniya.
I nod. "Drive safely, Engineer." I waved to say goodbye.
I was still waving even though he's already far. But that's not enough.
Sinilip ko muna nang maayos kung wala na ba talaga siya. When I saw his car was really gone, I took a deep breath.
I don't know what just happened. It feels like a blur. Parang ang bilis ng mga pangyayari na 'di ko na maalala paano ako nakasakay sa kotse niya. Atsaka, parang hindi siya yung bastos na lalaking kilala ko kanina.
Everyone truly have a good and a bad side.
Sana gano'n na lang siya palagi, para mabawasan naman ang pagmumura ko. Kaso hindi naman pwede laging good side ang naka-on.
Audrey peep through my shoulder.
"Kaninong luxury car iyon?" Kuryoso niyang tanong.Nilingon ko siya. " Bakit? Bet mo? " Pang-aasar kong sabi.
Her eyes gleam, as if she just found a million dollar diamond.
"Mayaman ba?" Umalis siya sa pagkakapatong sa balikat ko. She went in front of me, clasped her hands. "If yes, yes na yes syempre!"
Hinampas ko nga siya sa ulo gamit ang bag ko.
She may be like that, pero mabuting tao naman siya. Kamukha man namin ang pera, but we have so much respect for our dignity as a woman and as a human being. Mukhang pera nga lang talaga at mahilig sa poging mayaman.
"Mayaman. Bagay nga kayo, e. "
"Talaga? Why?" Kinikilig niyang sinabi.
I grinned. "Pareho kayong mukhang palaka."
Nang makita ko ang pagdilim bigla ng itsura ng kaibigan ko ay wala akong sinayang na segundo para makatakbo. Delikado pa naman magalit ang babaeng iyon. Hindi nagpapautang.
"Jastine! Wala kang mauutang sa'kin tignan mo!" Habol-sigaw niyang sabi.
Hindi ko siya pinansin. Tinakbuhan ko lang siya hanggang sa makapasok sa apartment namin.
Kinabukasan maaga akong pumasok dahil sa text ni Kiko. Marami raw trabaho ngayon at kailangan nang magawa. Kaya kahit antok na antok pa ko pinilit kong bumangon. Hindi pa ko mayaman kaya wala akong karapatan magbabad sa higaan.
Nag-trouser na lang ako dahil hindi ko nalabhan pencil skirt ko. Iilan lang kasi iyon. Ayos lang naman, mas prefer ko nga ang trouser. I wore a black blazsr underneath it is a thin white sando.
"Good morning, Jast! Buti naman pumasok ka nang maaga!" Bati ni Kiko pagkadating ko.
Punta agad ako sa cubicle ko at naupo roon.
"Morning! Wala, e hindi pa tayo mayaman kaya kailangan magtrabaho!" Sabi ko.
Natawa siya sa sinabi ko.
"Tama ka!" Nagulat ako nang naglapag siya ng maraming folder sa desk ko. "Kaya, heto at trabahuin mo na."
Windang lang ako na nakatitig sa mga folder na nasa ibabaw ng desk ko. Ano yan? Bakit ang dami?