Kabanata 7

1 0 0
                                    

Mad

Tapos na. Nasabi ko na sa kanya ang naging desisyon ko. Wala na akong magagawa pa roon, hindi ko na iyon matatakasan. Ang tanging magagawa ko na lang sa ngayon ay magpadala sa agos ng buhay.

Basta tandaan ko lang ang tunay na dahilan ng pagpayag ko sa kanya; ang fifty million.

"My friends will stay in the Philippines for only three months. Meaning, this will only last three months. After that, you can get the 50 million."

Nakikinig lang ako sa kanya. Wala pa naman ako maitanong dahil pinoproseso ko pa ang mga pinagsasabi niya.

"You will act as my girlfriend everytime they're near, everytime they can see us, everytime we're with them."

Huminto siya sandali para tingnan lang ang itsura ko. He chuckled.

"You don't have to exaggerate your acting. Act as normal as possible. Yung mukhang totoo, pero hindi mukhang hindi totoo. Get it?"

Tumango lang ako.

Madali lang naman pala ang gagawin ko. Magaling naman akong umarte, kayang kaya ko yan. Magagamit ko pala dito ang mga natutunan ko sa mga nabasa kong libro at napanood na romantic movies. Hindi pa ko kailanman nagkaroon ng boyfriend kaya yung mga nabasa, napanood, at nakita ko na lang ang gagamitin ko. Marami naman iyon.

"Kaya ko yan. Aarte lang naman pala." Proud kong sinabi sa kanya.

Tumango-tango siya. "Good. Now let's talk about our friendship in bed."

Uminit ang pisngi ko. Bigla nailang ako'ng tignan siya.

Muntik ko nang makalimutan iyon! Hindi ba pwedeng fake girlfriend niya na lang? Bawal ba na sa ganoong paraang ko lang makuha ang 50 million? Grabe naman.

Kailangan talaga paghirapan muna ang mga bagay na gusto natin, ano? Hay, naku.

"We will do it whenever someone between us feels horny. And wants to do it?" Nakataas na kilay na tanong niya.

Aba, hindi ako papayag diyan. Mas magandang naka-schedule na lang ito.

" I disagree. Hindi pwedeng kung kailan mo gusto, gagawin na natin. Paano kung busy ako? May trabaho ako? May kailangan ako gawin? Hindi pwede." May diing sabi ko.

" Then how do you want it. "

Nagpalinga-linga ako ng tingin. Grabe kasi kung titigan niya ako. Nakaka-conscious ba. Binalik ko ang tingin sa kanya.

"Schedule na lang—" hindi pa ko tapos pinutol niya na ako!

"MWF including Sunday. Done." Pagtatapos niya.

Ano? Bakit apat na araw yan? Ano siya swerte! Napakagago talaga!

" Teka! Bakit apat na araw? Hindi pwede!" Tutol ko.

" Ang daming hindi pwede. Kung gano'n, 20 million na lang." Sabi niya sabay tayo na. Tutungo sa kanyang swivel chair.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ang laki naman ng bawas! Bakit naman gano'n?! Sabi ko na nga ba, iyon lang talaga ang gusto niya! Wala talaga siyang paki sa mga kaibigan niya!

Tumayo rin ako at lumapit sa kanya. Hinablot ko ang braso niya paharap sa akin. Nagtagumpay naman ako sa pagpapaharap sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

Naiinis na bumuntong hininga ako tumitig sa kanya.

"Sige na. Payag na ako. Basta 50 million."

Agad lumawak ang ngisi niya. Ang sarap sapakin! Naku talaga kung hindi lang dahil sa pera!

A Kiss Goodbye Where stories live. Discover now