You Again
"Ah, ang sakit ng ulo ko..." Nakapikit at nakahawak sa ulo na sabi ko.
Paano ako nakauwi? Hindi ko rin alam sa totoo lang. May biglang humintong taxi na lang sa harap ko at sinabihan akong sumakay. Siyempre naisip kong wag sumama, kaya sinabihan ako ng driver na hindi siya masamang tao. Hindi pa rin ako naniwala, of course. Kaya naman pinakitaan niya ako ng proof. Proof na bayad siya ng isang tao para maihatid ako sa tinitirahan ko.
Mabuti na lang at totoo naman ang sinabi nong driver na ihahatid niya lang ako sa apartment namin ni Audrey. Nakarating ako ng ligtas at lasing. Hindi na ko nag-usisa kung sino man nag-utos sa kanya, ang mahalaga lang kagabi ay makauwi ako.
Nasa kama pa ko hanggang ngayon, hindi makatayo dahil sa hangover. At kahit hindi natuloy ang nangyari kagabi, napasok niya pa rin iyon kaya medyo mahapdi ang gitna ko.
Bwiset pa rin ako sa lalaking iyon. Siya lang ang lalaki na tumanggi sa'kin samantalang halos lahat ay hinahabol ako dahil lang sa bagay na iyon. Tapos siya, ayaw niya raw kamo?!
Napailing-iling ako at pinilit ang sarili na tumayo. Tiningnan ko ang oras at nakitang tanghali na pala. Wala lang naman sa'kin dahil araw talaga ng pahinga ngayon.
Nandito na kaya ngayon si Audrey o nasa ibang lugar pa kasama ang lalaking kahalikan niya kagabi? Kung ano man, siguradong ayos lang ang babaeng iyon.
Lumabas ako ng kwarto at napansing wala pa nga si Audrey. Hay, nage-enjoy na naman si gaga kung saan. Samantalang ako naputol agad ang kasiyahan kagabi dahil sa walanghiyang lalaki na iyon.
Kapag nakita ko talaga ulit iyon ay ni isang halik ay wala siya matitikman mula sa akin. Napangisi ako. Buti na lang di na kami magkikita dahil paniguradong di ko rin magagawang di siya halikan. Ewan ko ba pero halatang experienced na ang taong iyon pagdating sa bagay na ito.
Dumiretso na ko sa kusina at agad kumuha ng tubig mula sa ref. Nagluto ako ng agahan ko. Paniguradong busog na busog na si Audrey kaya di ko na siya lulutuan ng makakain niya pagkauwi.
Nang makapagalmusal o tanghalian dahil tanghali na ko nagising, ay nanood muna ako ng tv sa sala. Magpapababa ng kinain. Naenjoy ko ang panonood ng isang variety show. Tawang-tawa ako sa kalokohan ng mga hosts. Kaya habang gumagawa ng mga gawaing bahay ay nanonood ako. Kung wala lang ako trabaho siguro araw-araw tuwing tanghali ako manonood nito.
Matapos ang gawaing bahay ay pinatay ko na rin ang tv saka naglinis na ng katawan. Oras na para magpahinga. Tinatawag na ko ng kama. Wala pa rin si Audrey, di ko naman matawagan dahil naiwan ko sa kanya ang phone ko kagabi. Pagkahiga ay agad akong nakatulog.
Gabi na ng magising ako. Madilim sa kwarto. Bumangon ako at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Pupungas pungas pa. Ah, sarap matulog ng mahimbing. Nasa sofa na nakaupo ang babaita pagkalabas ko mula sa kwarto.
"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko papalapit sa kanya. Naupo rin ako sa sofa.
"Hapon pa. Napasarap, eh kaya ayun at inabot ng hapon." Nakangisi niyang sinabi.
"Landi mo! Tinakasan mo lang yata yung trabaho mo rito sa apartment natin!" Hinampas ko siya ng pabiro sa braso.
Pareho naman kaming napahalakhak sa sinabi ko.
"Gaga, malandi ka rin! At ako kaya ang naglinis kahapon!" Sagot niya.
"Eh di pareho lang tayo!" Tumatawang sambit ko. Nag-apir kami ng malakas ni Audrey. #FriendshipGoals
Init na init agad ang pakiramdam ko pagkababa ng jeep. Naka-corporate attire pa naman ako ngayon dahil may mahalagang event daw na gaganapin ngayon sa company kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ako nagtaxi dahil nagtitipid ako. Sana pala next time na lang ako nagtipid at sumakay na lang muna ngayon sa taxi. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Pag-apak ko sa loob ng building ay dumiretso muna ako sa CR. Magre-retouch. Paniguradong todo ang pag-aayos ng mga katrabaho kong babae ngayon. Hindi ako magpapatalo. Kapag kasi may event ay talaga naman ang pagaayos at paghahanda nila.
"Hi, always pretty, Yvelisse ah!" Agad ang paglapit sa'kin ng workmate kong si Jake. He calls me by my second name.
"Ikaw talaga! Wala iyon!" Tumatawang sambit ko.
Pagkaupo ko sa chair ko ay naglapag don si Jake ng coffee and donuts.
"Para sa iyo yan. Wag kakalimutan kumain, ah?" Nakangiti niyang sabi.
"Thank you, nag-abala ka pa. Kaya ko naman bumili nito para sa sarili ko." Nakatingin ako ng diretso sa kanyang mata. May maliit na ngiti sa aking labi. "I appreciate all of these, but Jake..."
"I know. I just want to do this." Huli niyang sinabi at tumalikod na sa akin.
Magtatrabaho pala muna. Akala ko naman ay ngayon agad mangyayari ang event. Kung alam ko lang ay sana pala ibang damit muna ang isinuot ko. Sobrang init kaya. Hinubad ko na lang ang blazer ko at natira na lamang ang doble kong damit na kulay puti.
"Guys, maghanda na kayo. Paakyat na ang mga poging engineers at architects!" Kinikilig na anunsiyo ng aming babaeng team leader.
Hindi ako tumingin don pero pinakinggan ko. Wala na hindi na ko mage-effort magayos 'no. Magpapatalo na lang ako sa mga katrabaho ko na bongga ang pagme-makeup. Tatapusin ko na lang muna itong ginagawa ko.
"Jastine, maghanda na. Ayusin mo na yang buhok mo! Mukha ka nang aswang!" OA, ah. Hindi naman ganon kalala ang pagkagulo ng aking buhok. Nilapitan ako ng katrabaho kong si Kathy para lang pagsabihan ako.
Tinanggal ko muna ang salamin ko sa mata bago magsalita. "Oo na, magaayos na ko, don ka na!" Pagtataboy ko sa kanya.
"Ayusin mo, ah! At ako ang mapapagalitan pag nalamang hindi presentable ang team ko!" Kahit kailan talaga ay siya ang panalo sa pagiging best oa team leader. Kaya mahal na mahal ko ito, e.
Bakit naman kasi inabot ng gabi? Kala ko ba maaga gaganapin, gabi pala. Nagayos na ko ng sarili, nagpaganda ulit. Di ko naman kailangan ng matinding pagaayos dahil maganda na ko. With or Without makeup.
Simula pagkabata ay natural nang maganda ang buhok ko. Mahaba ang itim kong buhok. Hanggang bewang ito, at talagang inalagaan ng mabuti. I smiled at my reflection on the mirror. Sabay kindat. Ganda mo, Jastine Yvelisse Villamor!
"Ang sabi new engineers at architects daw ang iwe-welcome sa company natin. Para sa bagong project na gagawin."
"Baka isa sa kanila yung nakita ko kanina! Matangkad at gwapo!"
I don't intend to eavesdrop, sobrang lapit lang talaga nila mula sa'kin. Kahit mahina ang kanilang pag-uusap ay naririnig ko pa rin. So, what kung pogi ang mga iyon? Sana lang may ibubuga rin sila sa trabaho.
Nag-uumpisa na ang events. Nagsasalita na sa harap ang mga executives saka pa 'ko naihi. Nakayukong tumayo ako at lumabas ng room kung saan may nagaganap ngayon. Pagkalabas ko ay sobrang tahimik ng lugar lalo na sa hallway papuntang CR.
Bago lumabas ng banyo ay naghugas muna ako ng kamay. Inaayos ko ang damit ko habang papalabas ng banyo. Dahil hindi tumitingin ay nabangga ako sa isang maskuladong tao.
"Aray, ha!" Napaatras ako nang mabunggo siya. Naiiritang tiningala ko ang lalaki.
"Ikaw?!" Nang makilala ang mukha ng lalaki ay lalo pang kumulo ang dugo ko. Akala ko ba hindi ko na makikita ang taong to??
"Hey, it's you again." Nakangisi niyang sabi.
Kailan ba mawawala ang ngisi ng lakaking ito? Lalo lang umiinit ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang pagngisi niya.
At ano'ng ginagawa ng hinayupak na 'to rito?!