Apologize
Nagalit talaga si Engineer Del Fuente sa nagawa ko. Naisip ko tuloy kung cellphone ko iyong hinawakan ng iba. Ganoon din kaya ang magiging reaksyon ko? As in gano'n kagalit dahil hinawakan? Naiintindihan ko naman dahil nga gamit niya iyon. Kaso nakikita kong matindi ang galit niya.
I should really apologize for what I did.
Lagot na. Mukhang delikado ang 50 million ko, ah. Hindi pwede! Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong solusyunan ang nagawa ko. I can't risk my 50 million. Pera na, naging bato pa? Hindi maaari!
Hindi niya pinansin ang mga empleyado na bumati sa kanya. Naglakad na siya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Susundan ko siya. Hinintay kong makalayo-layo siya. Nang makasigurado ay nagmadali akong sundan siya. Papasok na siya sa elevator nang maabutan ko. Tumakbo ako ng mabilis para makaabot. Thankfully, makaabot naman.
Nakita kong medyo nagulat siya sa pagpigil ko sa elevator na magsara. Hindi ko siya pinansin, pumasok ako sa loob. Walang nagsalita sa amin. Sobrang tahimik. Ayaw ko pa magsalita. Pakiramdam ko hindi pa dito ang right time. Pero alam kong alam niya na kanina pa ko lingon nang lingon sa kanya.
Bumukas ang elevator at mabilis siyang lumabas. Agad ko naman siyang hinabol. Alam niya na sumusunod ako sa kanya. Pinapaalam ko talaga dahil ang bilis niya maglakad, hindi ko maabutan. Pero sa iba, hindi ko pinapahalata. Baka mamaya o bukas ako na ang topic sa buong kompanya.
Nasa parking lot kami. May kaunting mga tao sa di kalayuan. Kaya maingat pa rin akong sumusunod kay Engineer Del Fuente. Ayaw kong machismis, ano.
Tumigil siya sa harap ng kanyang kotse. It was a Lambo! Halos malaglag ang panga ko! Fully paid ba 'to? Kaya niya bumili ng Lamborghini? Engineer Del Fuente must really be wealthy.
Nilingon ko siya nang naramdaman ang intensidad ng titig niya sa akin. Napakaseryoso ng mukha. Ganyan ba siya magalit? Ang hot naman pala. Galitin ko kaya ito aaraw-araw?
I bit my lower lip to suppress a giggle. Nakita niya iyon dahil tinaasan niya ako ng Isang kilay.
Umiling ako sa kanya. Nagtatanong kasi ang mga mata niya. Tumalikod na siya sa'kin at dumiretso sa driver's seat. Nakatayo lang ako roon. Aalis na ba siya? Hindi pa ko nakakahingi ng sorry!
Lumapit ako sa kotse niya. Kinatok ko ang tinted na salamin. Bumaba naman iyon kalaunan. Magsasalita pa lang ako nauna na siya.
"What? Pagbubuksan pa ba kita?" Walang emosyon na sinabi niya.
Taka ko siyang tiningnan. Huh? Pinapasakay niya ba ako? Tiningnan ko siya. Inirapan ako ni Engineer!
Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin. Binuksan ko ang pinto ng passenger door at naupo roon. Wala siyang sinabi nang makasakay ako basta nang makapagseatbelt ako ay nagdrive na siya.
I should speak right now! Baka mamaya hindi na naman ako makapagsalita.
"Uh, Engineer. Pasensiya na nga pala sa ginawa ko kanina. Wala naman akong intensyon na tingnan ang cellphone mo. Date lang talaga. Iyon lang, promise. Huwag ka na sana magalit, Engineer." Mahaba kong paliwanag sa kanya.
Sa kanya ang tingin ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Nilingon niya ako sandali at binalik din agad ang tingin sa kalsada.
"It's fine. Just don't do it again."
Mabilis akong tumango sa sinabi niya. Mabuti na lang mapagpatawad siya. Hindi na delikado ang 50 million ko. Nailigtas ko na siya.
Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi na ito ang daan patungo sa apartment namin ni Audrey. Saan kami pupunta? Nakalimutan niya ba ang daan? Maling way na kasi ang tinatahak niya kung pauwi sa apartment.