Gorgeous
"Ba't ganyan itsura mo? Nahulog ka ba sa kanal?"
Oo! Sana nga nahulog na lang ako sa kanal kaysa ang makilala ang lalaking iyon!
Biro lang. Ayaw ko both.
Pagbukas ka ng pinto ay si Audrey agad ang bumungad sa'kin. Nakacrop top at leggings, barefooted, naka-bun, at may hawak na walis tambo. Obviously, she's cleaning our apartment. Very good. Bawas iyon sa stress ko.
Nakaka-stress kasi diba kapag pagod na pagod ka na nga galing sa trabaho man yan o school tapos pag-uwi mo, napakakalat pa sa bahay. Like feeling mo nadagdagan pagod mo makakita lang ng isang kalat.
Hindi ako sumagot sumalampak lang ako sa sofa. Ah, sarap talaga ng malambot na sofa lalo na kung mahaba 'to. Kaso yung paa ko lampas na, e.
"Hoy, ante! Jastine! Sumagot ka o hahampasin kita ng walis tambo!"
I looked at Audrey. Bitch. Pagod ako, umayos ka.
"I'm exhausted so please maglinis ka na lang dyan."
" Hays, o sige na nga. Tomorrow ko na lang i-tell ang story." She smiled. " Go, sleep ka na, Ms. Bonny!"
Napangiwi ako sa ngiti niya. Creepy.
" Shunga, maglilinis pa ko ng katawan."
" Ok—"
" Hep! No more words! Iidlip na ko. Pakigising na lang ako pagtunog ng alarm, thanks."
Agad akong bumaliktad ng higa. Nakasubsob ang mukha sa unan. Ang liit ng sofa kaya nahihirapan ako, pero go pa rin! Walang mahirap sa pagod at antok na.
" OA."
After a tiresome day, a good and long sleep is what someone really needs. As for me, I want it. So as long as I can have it, I will have it whatever it takes.
Kaso 3 am pa lang gising na 'ko.
I know I don't have the rights to complain because I want money, I need money, nevertheless, I wanna sleep more! Pwede bang magkapera na lang ako nang hindi gumigising ng maaga at pumapasok sa trabaho?
"Mag-asawa ka na. Make sure yung matandang malapit nang mamatay, ha." Audrey said.
" Gagu. "
Sabay kaming nag-aalmusal ngayon. Maaga rin ang pasok niya.
" Ano pala nangyari sa inyo ng lalaki sa bar? " Tanong ko.
She looked at me with a little smile. Sad?! Impossible. Ico-comfort ko na sana siya ng mga cursing words buti at tumawa siya agad. Mabuti, dahil baka di na ko mabiyayaan ng pagkain ni Lord kung nakapagmura ako sa harap ng hapag kainan.
"Gaga, ano pa ba? Edi tapos na! Wala na! Panget naman no'n. Di ko na bet."
I laughed at her. " Gago ka talaga, Audrey!"
She glared.
"I mean the best!"
No wonder she's my one and only friend. Wala talagang nagtatagal sa kaibigan ko. I know her better than anyone else does. I love her so much!
"Not late, huh." Kathy, when I passed on her table.
I mouthed "sorry" and gave her a flying kiss.
Akala ko tapos na iyon don, kaso pinalapit niya pa'ko.
"Why?"
"Go to Engr. Del Fuente's office."
Huh? Engr. Del Fuente? Who's that?
"Uh, sino iyon?"
Apat na mata ni Kathy ang tumingin sa'kin ng masama.
"Uy, joke lang! Kilala ko na pala. Alis na po 'ko."
Ano naman problema no'n? Kebago-bago lakas magpatawag kala mo kung sino. 'Di porket Engineer siya. Kapal ng mukha talaga.
Dumiretso na ko papunta sa opisina ng lalaking iyon. Hindi naman malayo, same floor lang kung saan ako nagwo-work. Kasi kung malayo, siya mag-adjust.
Kung pwede nga lang talaga, e. Pero ako pala ang mas mababa sa'min. Literally and not literally. Fortunately, he's tall. Kawawa naman siya kung pangit na nga ugali, pandak pa diba? Unlike me na hindi man gano'n katangkad, mala-dyosa naman ang ganda.
I don't have money but at least I'm beautiful.
"Why did you ask for me?"
Nasa table niya siya, reading something inside a folder, wearing a reading glass—and oh shit, infairness pogi siya ro'n. He lifted his head and eyed me from toe to head to my eyes.
He licked his lips.
I'm wearing a black fitted skirt just above my knees, white sando inside my black coat.
"What? Don't tell me gusto mo na ituloy yung naudlot no'ng isang gabi? Sorry, I'm not available anymore."
He chuckled. " Gorgeous. "
Sus, you mean sexy. Nahiya pa.
There was no emotion on my face. Professional mode on. Nasa office ako kaya dapat work and money ang nasa isip ko.
" Thank you for your compliment, Engineer." I faked a smile, as if accepting his compliment.
Motherfucker.
He removed his reading glass. Sayang, laki tuloy ng nabawas sa kapogian niya. Umayos siya ng upo sa kanyang swivel chair.
"You must be cursing me now on your little head."
Ano ba yan? Bakit parang naririnig ng mga tao ang sinasabi ng isip ko? Should I be scared now? I should.
"Ano ba kasing kailangan mo?" I said with an annoyed tone.
Lumingon siya sa bandang pinto kaya napasunod ang tingin ko ro'n. His secretary was on the door holding a cup of coffee for her boss. Nakanganga siya at diretsong nakatingin sa'kin. Parang gulat?
Hala, bakit? Don't tell me gusto niya rin ako kainin tulad ng boss niya? No, please. Baka naman sobrang nabighani lang sa ganda ko. I understand her.
I heard the devil made a chuckle so I turned my head back to him.
"It's the first time someone talk to me the way you did. She heard it, that's her reaction." He simply said.
Tumango na lang ako. I don't really care. Gusto ko lang makaalis na rito sa opisina mo nang sa ganon ay makapagtrabaho na ko baka mamaya may bawas na to sa sweldo ko.
I hope I can say all those out loud.
Jesse put her boss's coffee on the table in between two gray sofas. Pagkatapos mailapag ay umalis na.
Mabuti di niya ako inalok, tatanggi ako, e.
"Have a seat." He fixed his coat and stand-up, nearing to the one-seater sofa.
Nang maupo siya ay don lang din ako umupo. Sa mahabang sofa. Baka mamaya may bomba pagkaupo ko kaya siya muna dapat.
He offered his hands.
Nakatingin lang ako sa kamay niya sa harap. Ano'ng gagawin ko diyan? Kakainin ko? Mabubusog ba ko? At ang puti ng kamay, ah. Kahit medyo maugat at malaki, halatang di nagawa ng gawaing bahay. Hays, no to this guy. Panget na ng ugali, di pa nagawa ng gawaing bahay.
"Let me introduce myself."
I looked up to him.
"Engr. Liam Luther Del Fuente is the name." He smiled. " May I know yours?"
Kanina pa nasa ere ang kamay niya. Deserve mangalay.
Para saan pa ba kasi 'to? Para malaman pangalan ng isa't isa? Eh, kilala ko na siya. Bwiset siya diba?
I sighed. Fine, sige na nga. Dami niyang pautot.
" Jastine." I accepted his hand. "Jastine Yvelisse Villamor." pagkukumpleto ko.
He bit his lower lip. " Undeniably gorgeous."