Tranquil
"So, bakit nga ako nandito?"
Umayos siya ng upo, pade-quatro, bago nagsalita.
"Uh... meeting?" Di niya sure na sabi.
Natawa 'ko. Of course, annoyed laugh.
Walang totoo sa lalaking 'to dapat. Kung wala naman palang kwenta ang sasabihin niya, bakit pa ko pinapunta rito. Nasayang lang ang oras ko imbes na gumagawa ako ng trabaho para magkapera."Nilalandi mo ba 'ko?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko.
He laughed. "Excuse me, what?" Indenial.
"Nilalandi mo ba 'ko?" Pag-uulit ko.
He stopped laughing. He rolled his tongue inside his mouth.
" I know you're too confident, but oh please, I have my taste of women." Explain niya.
Ngumiti lang ako.
" You're not even qualified to be my fuck buddy."
Okay?
" I don't like virgins. Unless, you've done it with someone we can—"
" Engineer." I cut him off. " I should go. Kung wala ka naman nang sasabihin pa, aalis na po ako." Tumayo na ko.
Tumango siya, and that annoying smile of his, was present again.
Bago tuluyang umalis sa opisina niya ay nagsalita ako.
" I hope we can be professionals, Engineer Del Fuente."
Ano'ng trip nung lalaking iyon? Baliw ba siya? Ipapatawag ako para ano? Sabihin na I'm not qualified to be his fuck buddy? Like duh, fyi, hindi naman rin ako naghahanap, 'no! Ang kapal ng mukha. He thinks so highly of himself. Akala mo kung sino porket maganda at malaki ang katawan niya, at pogi siya, lakas na ng loob magsalita ng ganon. Oo maganda ako, pero may utak naman ako.
What does he think of me? I'm an easy girl? Iyong tipo ng babae na bubuka basta pogi? Huh, then I'm not!
I will not fucking open my legs wide for a man with no respect for a woman.
I am a woman who requires respect and, of course, most importantly, money. Money my love so sweet.
Buti sana kung piloto siya hahabulin ko talaga siya. Eh, wala sa Top 3 Highest Paying Jobs in the Philippines siya. Kaya walang habulan.
" OT ka na naman, Jast?" Tanong ng kaworkmate kong si Kiko.
Sinilip ko agad ang oras sa wristwatch kong suot. Shit! Ano'ng oras na naman! Ayaw ko nga mag-OT wala naman bayad. Pwede ko naman ipagpabukas ang trabaho. Health comes first dapat.
"Hindi. O-off na rin ako. Thank you sa pag-ask, Kiks."
He patted my back. " Welcome. Sige, una na ko, ha. See yah tom!"
" Yep. Ingat ka."
In-off ko na ang computer ko sabay inunat ang mga braso. Nangalay pala 'ko. Ni hindi ko na naramdaman dahil sanay na. I smiled. Today's work is over, I need to go home.
May iilan akong katrabaho na nag-OT. Kaunti na lang tao sa floor namin, medyo madilim na rin. Tanging mga ilaw na nagmumula sa kanila-kanilang computer na lang ang bukas. Pagkatapos magpaalam sa mga kaworkmate ko ay sumakay na ko ng elevator. Katakot, mag-isa lang ako.
Buti na lang wala akong nakasabay na multo at ligtas pa 'kong nakalabas ng company. Thanks, G! Ngayon, gabayan niyo naman po ako sa pag-uwi.
Ilang minuto na lang mag-iisang oras na ko kakahintay ng jeep dito. Nilalamok na ko pero no choice kung 'di maghintay. Ayoko magtaxi, nagtitipid talaga ako.