Kabanata 6

2 0 0
                                    

Deal or No Deal

Sa lakas ng sampal na binigay ko sa kanya, napabaling sa ibang direksyon ang mukha niya. Maputi siya kaya kitang-kita na namula ang pisngi niya dahil sa sampal ko.

Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha niya.

Kung nagalit siya, kasalanan naman niya. Ang bastos niya! Hinalikan ako tapos gawin daw ba akong fuck buddy niya. Ano tingin niya sa akin? Uhaw sa sex?

"Aalis na ko." Hindi ko na dapat sinabi iyon at umalis na lang sana.

Tatalikod pa lang ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at inikot ako paharap sa kanya. Nakatayo na rin siya ngayon.

"You don't understand. I need you."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Tumingala ako sa kanya. Matangkad ako para sa isang babae, pero mas matangkad siya.

"No, I understand. Tigang ka."

He licked his lips.

Naiinis na siguro sa akin. Wala akong paki. Ako kaya dapat ang mainis pagkatapos niya kong nakawan ng halik!

"I need you to act as my woman."

Act? Acting? So, hindi totoo?

"My cousins are coming back. Matatalo ako sa pustahan namin kapag wala akong napakilalang girlfriend." seryoso ang mukha niya.

At ako ang gagamitin niya para hindi siya matalo sa pustahan nilang magpipinsan, gano'n?

Naupo muli siya sa kanyang swivel chair. Pero hindi inalis ang tingin sa akin. Ako naman nakatayo lang sa harap niya, sa gilid ng kanyang upuan.

"I can pay you whatever amount you want. We can make a contract If you want." business-like na sinabi niya." Just be my woman and my fuck buddy at the same time." Nginisihan niya ako sa huling sinabi niya.

" Akala ko ba I'm not qualified to be your fuck buddy? " Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

He chuckled.

" Kung magiging girlfriend kita, dapat may pakinabang ka. "

Bakit ko ba pinapakinggan pa ang lalaking ito? Umalis na kaya ako.

" You can benefit from it, too. Hindi lang pera ang makukuha mo, makakaranas ka pa ng langit. " He said teasingly.

Kahit pera lang, okay na ko roon. Kaso tatanggapin ko ba ito? Magpapagamit ba ko sa lalaking ito? Kaya ko naman gawin pero nagdadalawang isip ako.

Matanda na naman ako, hindi rin ako gano'n kainosente sa mga sekswal na bagay. Pareho kaming magbebenefit dito kung tatanggapin ko ang alok niya.

Hindi siya matatalo sa pustahan nilang magkaibigan, mayroon pa siyang lalabasan kapag nangailangan siya physically. Sa akin naman, baka yumaman pa ko sa perang ibibigay niya, at baka makalasap pa ko ng langit.

"How much?" Tanong ko pagkatapos ng sandaling pag-iisip.

He smirked. Para bang alam niya na papayag ako sa offer niya.

"Fifty million."

Laglag ang panga kong tumitig sa kanya. Seryoso? Handa siyang magbigay ng ganyan kalaking pera para sa lang sa babae niya? Gaano ba siya kayaman? Akala ko Engineer lang siya dito sa kompanya?

Kumikita ba ng ganyan kalaki ang Engineer?

He chuckled at my reaction.

"I will give you time to think about it. " He smiled at me. "Go back here tomorrow so I can hear your decision."

A Kiss Goodbye Where stories live. Discover now