Kabanata 3

169 9 3
                                    

LUNA

Naninigas ako mula sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw ng maayos pero mabigat ang paghinga ko sa bawat segundo na lumilipas.

Daig ko pa ang nakasalang sa witness stand na akala mo eh nakapatay ako ng ipis sa mga natatanggap kong mga tanong.

"And that's all? Nawalan ang kompanya ko ng malaking pera ng dahil lang sa kapabayaan mo?!" sigaw muli ni Mr. Tancuengco sa akin.

Hindi niya nga ako sinigawan at pinahiya sa may coffee shop kanina pero this time, grabe iyong sermon na inabot ko. Dinaig pa niya ang misa sa simbahan at mala-armalite na bunganga ng mga nanay.

"P-Pasensya na po talaga, Sir—"

"Pasensya?! Kung nakukuha lang ang lahat sa salitang pasensya e 'di sana wala ng batas. Come on, are you sorry? Then tell that in front of our client. Tell them na you are sorry kasi nawawala ang pera kaya hindi na magpapatuloy pa ang Crystal project!" sigaw muli niya sa akin.

Napapikit ako sa nakakabingi niyang boses at literal na naiihi na ako sa kaba at takot. Feeling ko hindi niya lang ako pinapagalitan dahil sa insidente na nangyari sa kompanya sa halip ay dahil din sa nangyari kanina.

"Fuck! Sabagay, hindi na ako dapat magtaka. It's obvious na you are to careless. What a clumsy disaster are you?! Tss!" Mr. Tancuengco groaned again in disdain.

Pasimple ko siyang nilingon at napasandal na lamang niya sa upuan. Napahilot sa sentido at halata mo ang sobrang inis.

Hindi ko naman siya masisisi kung galit siya o mainit ang ulo niya. Sino ba namang matutuwa kung nawalan ka ng malaking pera. Piso o bente nga lang minsan ay nakakahinayang mawala.

"Don't worry, Sir. We are working naman po sa Crystal project project. Nakapag-file na rin legal action against Engr. Flores." kalmado kong paliwanag pero deep inside ay gusto ko na lang kainin ng building na 'to pababa sa may parking area.

"Kape po?" pilit akong ngumiti ng ialok ko sa kaniya ang pinabili sa aking kape at sansrival.

He opened his eyes again at matalim na naman iyong dumako sa akin. Wala sa loob akong lumunok at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Mukha bang kulang pa ako sa kape pagkatapos mo ko paliguan ng kape?" banas niyang sagot.

"Buti nga malamig 'yung order ko. Kawawa 'yang abs mo kung kasing init ng ulo mo 'yung binili ko." bulong ko sa sarili.

"May sinasabi ka?"

"Ah, wala po. Ang sabi ko po. Kape na lang kayo, malamig ito para lumamig iyong ulo ninyo. Hehe." I fake a smile and he just rolled his eyes.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at wala rin siyang naging pake sa kape at pastries. Medyo maarte yata itong boss namin? Ano na nga pangalan niya? Dumako ang tingin sa may lamesa niya at pabulong na binasa ang buong pangalan ni Big Boss.

"Where's the plan?" he asked while resting his elbows on the table.

"Here po," inabot ko agad iyong dalawang folder containing the plan and the list of teams given by Avy.

"Engr. Seven Galvez?"

"Ah, yes po Sir. He's a new engineer at magiging lead engineer para sa project na 'to." paliwanag ko.

Pansin kong kumunot ang noo niya at mukhang nararamdaman ko na baka iniisip niya ring baguhan si Seven.

"Huwag po kayo mag-worry kay Engr. Seven, kahit bago lang siya okay naman po si Engineer." pagtatanggol ko agad kay Seven kahit wala pa naman sinasabi si Mr. Tancuengco.

"Tss!" tanging tugon niya lang. Ilang segundo kaming natahimik habang patuloy niyang binabasa ang report ko.

"Tap me in this project."

Tainted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon