LUNA
"Hmmmm!"
"Tss! Come on, get up! We're here."
"Natutulog 'yung tao, eh. Istorbo—" Bigla akong natigilan nang mapagtanto ko kung kaninong boses ang gumigising sa akin.
Agad akong napabalikwas sa pagkakasandal at napatingin kay Mr. Tancuengco.
"S-Sir, good morning!" bati ko sa kaniya sabay punas sa bibig ko na may kaunti pang laway. Ngumiti ako kay Sir habang inaayos ang buhok ko pero iyong reaskyon niya ay parang diring-diri sa akin.
"Get ready, in just an hour ay magsisimula na ang meeting ko. You have to write down every single detail na pag-uusapan. Bring that black bag dahil nandiyan lahat ng mga kailangan ko. Also, get me a hot coffee with extra shot of espresso and—"
"T-Teka! Teka lang po, Sir. Yes, alam kong boss ka namin pero hindi part ito ng job description ko." paliwanag ko sa kaniya.
Hindi lang ako nakapag-react sa byahe dahil medyo tulog na ang utak ko but now na nakaidlip naman ako ay gets ko na sinama niya ako rito para maging secretary.
"And so? I saved you from those holdapers. At least, you can pay me this way. Or do you want me to deduct the missing—"
"Ikaw naman, Sir! Hindi kana mabiro. Asan ba iyong mga gamit mo? Akina, kahit palitan pa kita ng brief, gagawin ko." Pabiro ko pang tinapik ang braso ni Sir para hindi niya ako masingil sa perang nawawala sa kompanya.
Hindi naman ako nagnanakaw noon kaya bakit ako ang magbabayad. Damoho naman!
"Great. Madali ka naman pala kausap." seryosong sagot ni Sir. Agad siyang bumaba ng sasakyan.
Agad kong kinuha ang sinasabi niyang bag at sumunod sa kaniya.
"Buy me a pastries, a slice of sansrival and a piece of oatmeal cookie along with my coffee. Also, don't forget na hindi ka uupo sa tabi ko but you must sit behind with enough distance."
"Iyon lang po ba?" tanong ko kay Sir habang dina-digest ng utak ko lahat ng bilin niya.
Pakamot-kamot pa ako sa tagiliran ko na medyo nangangati na ako sa mga duming na sagap ko sa magdamag.
"Yeah, I'll inform you once na may kailangan pa ako kaya dapat lagi kang available." sagot ni Sir.
"Ah, Sir. Another question po." singit ko ulit mula sa pagiging busy niya habang nakatutok pa rin sa cellphone niya.
"Whats that?"
"AH, wala po ba kayong balak maligo? You know, baka itlog na maalat na 'yung na sa brief n'yo? Hehe." parinig ko kay Sir kasi naman ako nga ngangati na.
Baka naman maympwede kaming liguan o pag-stay-an?
Hindi kumibo si Sir pero unti-unting naging itim ang mga mata niyang humagod sa direksyon ko. Bigla akong napaatras at nag-peace sign sa kaniya.
"Char lang! Baka gusto mo mag-toothbrush man lang? Hehe."
"Damn! Why of all people ay ikaw pa itong kasama ko ngayon." bulong niya pero hindi ko naman naintindihan maliban sa pagmumura niya, "You are too demanding."
"Nagde-demand ako pero hindi lang naman para sa akin. Ikaw din, gusto mo bang humarap sa mga kausap mo na medyo dugyot? O sanay kang dugyot?" usisa ko kay Sir at nanlisik ang tingin niya sa akin.
Hala! Nagalit na yata. Mukhang na-offend ko rin siya sa mga pinagsasabi ko pero kasi— iyong totoo? Wala man lang ba siyang balak maligo man lang or mag refresh?
Ang init-init ng panahon tapos haler! Hindi ba siya nagpapalit ng brief?
"S-Sir! Wait!" sigaw ko nang bigla na lang maglakad si Sir at iwan ako mag-isa. Hinabol ko naman siya kahit pa ang lalaki ng hakbang niya. Porket kahahaba ng legs niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Hearts
RomanceLuna Sanchez, a rising star at A&E firm, is captivated by the charm of Mr. Lucas Tancuengco, the enigmatic CEO of their company. Unbeknownst to Luna, Lucas's secret romance is on the brink of collapse, setting the stage for a rollercoaster of emotio...