Kabanata 1

279 13 4
                                    

LUNA

"Argh!" Hinampas ko ang ulo ko sa lamesa habang sobrang sakit na mg sentido ko kababasa sa mga papeles na dinaya ni Engineer.

Bwisit! Dapat pala hindi ko na siya binigyan ng initial plan kung alam ko lang na iyon ang gagamitin niya.

"Hoy, okay ka lang?" tanong ni Avy.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Umupo si Avy sa may tabi ko habang nakahawak pa sa balikat ko. Simangot ang mukha kong nakatitig sa kaniya at itinuro ang sariling mukha.

"Mukha ba akong okay? Letseng lalaki 'yun, tatlo kami dito sa department ang dinudugas niya. Kaya pala lagi siyang nanghihingi ng draft, ginagamit niya pala iyon para mag release ng pera sa accounting. Bwisit!" pikon kong kwento kay Avy.

"Nabalitaan ko nga." patango-tangong kumento ni Avy, "So, anong plano mo?" tanong niya ulit.

Plano? Wala pa talaga akong plano.

"Wala. Gusto ko na lang maging hotdog para kahit na sa ref hot pa rin. Huhuhu!" pag-iinarte ko pero itong si Avy hindi man lang ako damayan.

"Tss!"

"Wow, thank you sa support." inirapan ko si Avy.

Bakit ba parang hindi sila problemado? O parang hindi man lang sila concern sa akin? Hello! Maloloka na kaya ako. Hindi naman sa pagsusumbat pero kapag sila kaya may problema kahit nakaapak lang sila ng tae ay inaalayan ko sila pero sa akin? Ni isang comforting words wala man lang?

Inis naman, oh! Mukha pa rin ba akong nagjo-joke?

"Ano pala ginagawa mo dito? Na saan si Ynara?" tanong ko kay Avy. Inayos ko na ang sarili ko at no choice ako kundi maging strong independent woman.

Wala man lang bume-baby sa akin.

Wala man lang taga sabi na eat well.

Wala man lang nag-aalala sa akin.

Grabe na 'tong single era ko, mukhang kasing tibay ng buhay ni Enrile.

"First, wala si Ynara. Nakilag-date. Second, nandito ako kasi kailangan ko na ng list ng mga kailangan nating man power. Need ko na mag recruit at nagbaba na ng order sa itaas to proceed." paliwanag ni Avy.

Kita mo 'yun si Ynara nagawa pang makipag-date at this situation? Natapos na kaya niya 'yung rough sketch?

"Wait, send ko sa email iyong final plan." sagot ko.

"Approve na ba 'yan sa taas?" usisa ni Avy.

"Yeah,"

"I see." patango-tangong sagot ni Avy hanggang sa dumikit na siya sa akin ng sobra. Malapit na kami magkapalit ng mukha.

"Teh, ano balita? Ano itsura ni Big Boss?" bulong ni Avy, "Panget ba talaga? O mabaho?" tanong muli niya.

"Ayan! Ayan! Kapag chismis ang bilis mo." sabay tulak ko kay Avy. Kita mo kapag chismis talaga ang energetic nila.

"Sige na, Teh. Hindi ako nakainom ng vitamins kanina kaya ambunan mo ako ng vitamin chismis. Hihi." hagikgik pa ni Avy n siyang lumapit muli sa akin.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Paano ko ba sasabihin kay Avy iyong nangyari sa opisina ng Big Boss.

"A-Ano kasi, eh."

"Ano?"

"Ahm... a-ah, ano."

"Gwapo?" ngiting malapad ni Avy na halatang naghihintay ng mga sasabihin ko.

Pansin ko na rin iyong mga iba naming kasama na nakaabang sa magiging buka ng bibig ko. Mas inuna pa talaga nila ang chismis bago magtrabho.

"Si Big Boss kasi..."

Tainted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon