Dedication: Yoshidaa_18
LUNA
Everything seems like a disaster. Hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari at lalong hindi maalis sa isip ko i-iyong itsura ng– arghhhhh! Bakit kasi kailangan ko pa makita ang tinatagong kayamanan ni Sir? Literal na mayaman at malaman siya.
Geez! Ang tanga-tanga talaga, Luna. Sa dami naman kasi ng pwedeng hilahin ay bakit iyong tuwalya pa?
"Asar!" nababaliw kong daing habang hinahampas ang ulo sa may lamesa.
Ilang gabi na akong puyat at dinadalaw ng rumaragasang likas na yaman ni Sir sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bangungot ba ang tawag doon o blessing sa la—
"Luna."
"Ay ang laki! Engineer naman, eh! Ginugulat mo ako." tili ko sabay hampas kay Seven.
Tumawa siya at hinila ang upuan palapit sa akin para makaupo sa tabi ko.
"Magugulatin ka pala. Haha! Saka, ano ba iyong malaki?" usisa niya.
Alangan sabihin ko iyong etits ng boss namin ay parang pwede na gawing ruler sa building.
"W-Wala. T-Teka, bakit ba nandito ka?"
"Manghihingi lang sana ako ng baon mo." biro pa niya.
Nilinga ko ang orasan at hindi pa naman break time, "Hindi pa po, break time, Engineer." paalala ko sa kaniya at umayos naman ako ng upo.
"Seven na lang. Masyadong formal ang engineer." paalala niya.
"Eh, engineer ka naman talaga."
"But I prefer Seven." he insisted. Hindi na ako nakipagtalo at tumango sa kaniya.
"Nga pala, saan ka nga pala galing noong nakaraan? Hindi ka pumasok at nakakalimutan ko rin itanong sa sobrang busy natin sa Crystal project." usisa ni Seven habang idinukdok na niya ang baba sa may lamesa ko.
Sinimulan na rin niyang pakialaman iyong computer ko na para bang nilalaro niya lang naman at wala naman siyang interes na basahin ang ginagawa kong report.
"A-Ah, iyon ba... ano kasi..." hindi ko malaman ang isasagot sa kaniya o kung paano ko ipapaliwanag gayong ang bilin sa akin ni Big Boss ay wala na akong ibang pagsasabihan ng mga nangyari noong araw na iyon lalo na iyong nangyari sa may hotel.
Napalunok ako at nag-isip ng ibang topic, "Ah, siya nga pala Engi–este Seven. Nakapag-usap na ba kayo ni Ynara para sa may lay out ng building?"
"Oo, araw-araw nga siya na sa table ko. Paulit-ulit lang din iyong topic namin." sagot ni Seven na parang hindi siya interesado sa trabaho.
"Edi tapos n'yo na?" paninigurado ko pa.
Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin at umiling, "Hindi pa."
"Huh? Bakit naman? Naibigay ko na sa kaniya iyong concept na gusto ng client. Gusto mo send ko rin sa 'yo or we can set another meeting sa client." usisa ko.
I mean, no doubt naman kung matagalan sila at baka may pagka-complicated iyong gagawin nila and besides, ilang blue print ang kailangan nilang gawin.
"Hmmm. I think it's better if we can set another meeting sa may client." ganadong sagot ni Seven na bigla pang bumangon sa pagkakadukdok.
"Sure, I'll make a call na lang. Ano bang prefer mong oras at araw?"
"Iyong bakante ka." sagot agad ni Seven.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Huh?"
"I-I mean kasi hindi ba dapat kasama ka sa meeting."
"Pero kayo ni Ynara ang in charg—"
BINABASA MO ANG
Tainted Hearts
Storie d'amoreLuna Sanchez, a rising star at A&E firm, is captivated by the charm of Mr. Lucas Tancuengco, the enigmatic CEO of their company. Unbeknownst to Luna, Lucas's secret romance is on the brink of collapse, setting the stage for a rollercoaster of emotio...