LUNA
"Sir, gising na. Nandito na po tayo." marahan kong tinapik ang braso ni Sir para gisingin siya. Buong biyahe siyang tulog at sa tingin ko ay bumaba na ang lagnat niya. Hindi na rin siya pinagpapawisan.
Marahan siyang kumislot at hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat galaw niyang pinong-pino. Parang smooth pa sa smooth ang mga kilos niya ngayon, o sadyang mabagal lang ang patak ng oras?
Huwag lang talaga siya magsasalita at madalas kong napapansin na maikli lang ang pasensya niya.
"Nandito na tayo?" walang muwang niyang tanong at agad siyang napasilip sa may bintana.
"Ay wala pa po, drawing lang ang dagat na 'yan." pambabara ko sa kaniya pero agad ko rin kinagat ang ibabang labi.
Matalim ang mga tingin niya sa akin at kusa ko rin tinakpan ang sariling bibig sabay peace sign sa kaniya.
"Nakakalimutan mo yata na boss mo pa rin ako." paalala niya sa akin.
"H-Hindi po, Sir. Ahehe." bulalas ko at nagmamadali akong bumaba ng sasakyan para umikot sa pwesto niya at pagbuksan siya ng pinto.
"See? Dahil boss amo ko kayo, ipagbubukas pa kita ng pinto." Lumapad ang ngiti ko kay Sir pero mukhang imbis na matuwa ay lalo siyang napikon.
"Hindi mo ako kailangan pagbuksan ng pinto."
"Baka kasi mahilo ka ulit o kaya mag-collapse ka. Hindi pa naman kita kayang buhatin. Wheel chair, gusto mo?"
"Gusto mo ikaw ang isakay ko sa wheel chair?"
"Ay, Sir nakakalakad pa naman ako, oh." labas ang mga ngipin kong ngumiti sa kaniya at pinakita ang matatag kong mga tuhod at paa.
Ayaw ba niya na pinagbukas ko siya ng pinto? Daming arte, siya na nga pinagsisilbihan at siya itong may sakit.
"Ayaw mo ba n'on, boss na kita, prinsesa ka pa." ganado kong sagot sa kaniya sabay hagikgik ko pa sa napaka-bright kong idea.
Swerte niya nag-e-effort pa ako. Bihira ang ganitong empleyado.
"Tss! Lalaki ako at hindi prinsesa." aniya at bumaba na siya ng sasakyan.
"Arte, ah." bulalas ko at sinara ko na ang pintuan ng sasakyan niya.
"Daldal." tugon niya rin sa akin.
Napatitig kami sa isa't isa at sabay na umismid . Umay sa magsawa niyang pagmumukha.
Talaga naman, bakit ba biglang nawawala iyong pagiging professional ko sa harap niya? Hindi naman kami close para maging comfortable ako sa kaniya pero it seems like I can freely express myself in fromt of him o sadyang ganito lang ako sa kaniya dahil puro kapalpakan na ang napakita ko? Hala! Huwag naman sana ako masesante.
Mariin kong nginuya ang ibabang labi at bumalik ako sa driver seat para kuhanin ang dala kong bag.
"Pakidala iyong mga gamit ko." utos niya habang nag-stretching pa siya ng mga kamay.
"B-Bakit ako? Dalawa ang kamay ko, ang dami mong bag." kontra ko sa kaniya.
"Prinsesa mo ko 'di ba? So do it." ngisi niyang sagot sabay talikod sa akin.
W-What did he say? Siya prinsess ko? Ay shuta! Nalintikan na!
Nauna na siyang maglakad at naiwan akong tulala at timang sa sinabi niya. Hanep! Imbis na makatulong, napasama pa iyong nauusong disney princess na 'yan.
Hindi na nga makahanap ng taong tatrato sa akin ng tama, ako pa inaalipin ngayon. Letse!
Asar kong pinagkukuha ang mga gamit ni Sir na sa tingin ko ay mas mabigat pa sa akin ang lahat ng mga dala ko. Halos wala na rin akong makita sa dinadaanan ko.
BINABASA MO ANG
Tainted Hearts
RomanceLuna Sanchez, a rising star at A&E firm, is captivated by the charm of Mr. Lucas Tancuengco, the enigmatic CEO of their company. Unbeknownst to Luna, Lucas's secret romance is on the brink of collapse, setting the stage for a rollercoaster of emotio...