LUNA
"OMG! We are going to Casiguran!" tili ni Ynara habang isinasakay namin ang mga gamit sa van.
Halatang masayang-masaya siya na aalis kami papuntang Casiguran for some ocular inspection. Isa kasi ang Casiguran sa target place ng Crystal Project.
Na-ocular visit na ito dati ni Engr. Flores noong siya ang assigned sa project na ito or maybe not? At tinangay niya lang din ang pera na ipinondo ng company para sa ocular visit.
"Trabaho ang pinunta natin dito. Hindi gala at bakasyon." paalala ni Avy kay Ynara.
"So? Pwede naman sabay." ganado pa rin si Ynara na todo kuha ng litrato at selfie with matching pagba-vlog pa
"Feeling ta—"
"Hayaan mo na. Diyan naman siya masaya." awat ko kay Avy nang takain pa niyang kontrahin si Ynara.
Sumang-ayon naman sa akin si Avy at itinuon niya na lang ang atensyon sa paglalagay ng gamit din sa van.
Pero dahil may Ed na siya, si Ed ang bumuhat ng nga dala ni Avy. Pinagmasdan ko pa nga sila at mukhang maalaga talaga si Ed na inabutan pa ng gamot si kay Avy na siyang mahiluhin sa byahe. Kusa na lang akong napapangiti habang pinapanood ko sila.
"Sweet talaga." Sa love life na lang talaga ako ng iba kinikilig.
Hay nako! Makapagbuhat na nga lang din para makaalis na kami. Kinuha ko na iyong isang pink na maleta na sa tingin ko kay Ynara.
"Ynara, sa 'yo ba 'to?!" sigaw ko kay Ynara na todo picture doon at kinuha pa niyang photographer si Lotlot.
"Yeah, please. Pakisakay na lang sa van." sagot ni Ynara, "Lotlot, ayusin mo 'yan, ah. Kailangan maganda ako diyan." bilin pa niya kay Lotlot at nagpatuloy lang siya sa pag-pose.
Hindi na ako nag-inarte at hinila ko iyong maleta ni Ynara kaso medyo may kabigatan nga lang dahil may nakapatong pa rito g isang bag.
"Ako na." biglang singit ni Seven na siyang kinuha agad sa kamay ko ang maleta para isakay sa van.
Hindi na ako nagreklamo. Maleta naman iyon ni Ynara kaya sigurado ako na gusto niyang ingatan iyon. Bumalik na ako sa kabilang side para naman kuhanin ang backpack at hand carry bag ko but I accidentally tripped from a Ynara's tumbler.
"Luna!" sigaw agad ni Seven pero una akong napatili nang akala ko ay susubsob ako sa sahig.
Luckily, may bigla na lang humila sa suot kong backpack and my face didn't fall from the ground. Nag-angat ako ng tingin at nahagilap ko ang iritableng pagmumukha ni Jumburat.
"S-Sir?"
"Tss! Careless." reklamo niya sabay hila nang malakas sa bag ko para tuluyan akong makatayo.
"T-Thank you." bulong ko pero sapat na iyon para marinig niya. He simply raised his hands and I'm not sure if it is a form of saying welcome.
Well, at least. Tinulungan pa rin niya ako.
"Ako na magbubuhat kasi." humahangos na tumakbo si Seven papunta sa akin para salubungin at kuhanin angga bitbit kong gamit.
"Hindi, kaya ko naman." pagtanggi ko sa offer niya. Nahihiya naman kasi ako magpatulong sa kaniya.
"Ako na. I insist." pagpupumilit ni Seven at tuluyan na niyang kinuha ang mga dala ko.
"Thanks," tanging naging sagot ko at pinulot ko na lamang iyong tumbler ni Ynara.
Iyon nga lang pag-angat ko ng tingin ay pansin ko agad ang mga titig sa akin ni Ynara. Halatang nawala ang sigla at kulit sa mga mata niya.
"Naisakay na lahat. Kumpleto na rin ba tayo?" tanong ni Ed habang binibilang kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Tainted Hearts
RomanceLuna Sanchez, a rising star at A&E firm, is captivated by the charm of Mr. Lucas Tancuengco, the enigmatic CEO of their company. Unbeknownst to Luna, Lucas's secret romance is on the brink of collapse, setting the stage for a rollercoaster of emotio...