LUNA
As consciousness slowly crept back into my world, I found myself in an unfamiliar landscape of sterile scents and harsh fluorescent lights, my head spinning with disorientation and my body aching with every movement, each scratch and headache amplifying the confusion enveloping me.
Pinilit kong idinilat ang mga mata at literal akong nasisilaw sa puting ilaw. Unti-unti ring nagiging malinaw sa pandinig ko ang samo't samong boses.
"Grabe talaga itong Crystal Project parang may sumpa."
"Kaya nga, gusto ko na lang lumipat sa ibang project kesa madamay pa ako sa kamalasan na 'to." Kwentuhan ni Lotlot at Popoy.
Sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko maiwasang haplusin iyon. Naaninag ko rin si Ynara na siyang katabi ko at todo cellphone pa siya-mali, nagse-selfie pa siya.
"Paano nila sasabihin na may sakit ako kung ang ganda ko pa rin sa picture? Kainis naman, oh." ngiting-ngiting sabi ni Ynara sa sarili na todo higa pa sa tabi ko para makapag-picture siya.
Hindi niya ba alam na gising na ako? Kasi ako ramdam kong nakatitig ako sa kaniya.
"Oh, Seven. Ano raw? Kumusta?" tanong pa ni Lotlot nang bigla na lang bumukas ang pinto.
Natanaw ko rin si Seven pero hindi ko siya gaano makita dahil nahaharangan siya ni Popoy.
"Kausap pa ni-"
"OMG! Luna, gising ka na! Finally. Akala ko iiwan mo na kami. I'm sorry, Teh. Hindi ko sinasadyang magalit sa 'yo. Thank you naman at may malay ka na." hagulgol nu Ynara at nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin.
Hindi ako agad nakakilos sa sobrang higpit ng yakap ni Ynara. T-Teka, hindi na siya galit?
"H-Hindi ka na galit?" bulalas ko at agad niya akong binitawan.
"Siyempre hindi na, noh. Kinabahan ako n'ong malaman kong sinugod ka dito sa hospital. Nag-worry talaga ako at na-realize ko na mali pala ako. Sorry na, Teh." hagulgol muli ni Ynara sabay yakap ulit sa akin.
Napangiti ako sa sinabi niya at kung anuman ang nangyari ay mukhang blessing in disguise iyon para magkaayos agad kami ni Ynara.
"Luna, okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo o ano." nag-aalalang lumapit sa akin si Seven.
Bumitaw na rin sa akin si Ynara. Pansin ko sa mga mata nila ang pag-aalala sa akin kaya hindi ko maiwasang ngumiti.
Kahit pala ganito lang na kung minsan nobody ay may mag-aalala pa rin pala sa akin kapag nasasaktan ako.
"O-Oo naman, okay lang ako. Mukhang gasgas lang naman 'to." sabay lingon ko sa braso at siko ko na puro galos.
Ang huli kong naaalala ay iyong na sa construction area kami kung saan ay kamuntikan na akong bagsakan ng mga bakal.
At ang huling boses na narinig ko ay si-
"Si Sir?" tanong ko agad sabay linga sa paligid para hanapin si Sir pero bigo ako nang hindi ko siya makita.
Ang alam ko ay boses niya talaga iyong pinakahuli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
"S-Si Lucas ba-"
"Nandito ako." bumukas ang pinto at agad akong napaupo nang marinig ko ang boses ni Jumburat.
"Sir," bulalas ko at sinuri ko ng tingin ang bawat parte ng katawan niya. Mukhang okay naman siya maliban doon sa napansin kong galos sa pisngi at braso niya.
"M-May sugat ka." sabay turo ko sa kaniya at bumaba rin doon ang tingin niya.
"Tss! Bago mo ituro ang sugat ko sana nakita mo muna iyang sa 'yo." walang gana niyang sagot sabay titig niya sa hita ko.
BINABASA MO ANG
Tainted Hearts
RomanceLuna Sanchez, a rising star at A&E firm, is captivated by the charm of Mr. Lucas Tancuengco, the enigmatic CEO of their company. Unbeknownst to Luna, Lucas's secret romance is on the brink of collapse, setting the stage for a rollercoaster of emotio...