Chap. 3

11 2 0
                                    

Deklan Vance Piroja, Gen's older brother and Zo's cousin.

Matagal na kaming magkakilala nila Gen at Zo pero ngayon ko lang nakita ang kuya nila, si Klan. Alam kong may kapatid si Gen pero sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa ito.

"You know each other? How?" Nagtatakang tanong ni Gen sa akin, nagulat kasi alam ng kuya niya ang full name ko.

Napakamot ako sa pisngi, "Siya yung sinabi kong nagpahiram sa akin ng pera noong enrollment." Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin na babayaran!

Gen's mouth formed an 'o', understanding everything.

"Teka lang, akala ko ba nasa ibang bansa kuya mo, bakit ngayon nandito na?" I curiously asked.

Gen's face changed. Suddenly, she seemed to lose her mood. Because of that, I immediately knew the reason why his brother came home, so I changed our topic.

"Zo, uwi na kami ha? Congrats again," rinig kong sabi ni Lana bago niya ako tinawag, "Sabay ka kay Gen?" I nodded, "Sige, ingat kayo. Uuwi na kaming apat," referring to herself, Aya, Abi, and Ari, may gagawin pa kasi sila.

"Ingat! Wag tanga!! Walang lugar ang mga tanga sa mundo!!" sigaw ko sa papalayong pigura nila.

As a response, I got a double middle finger from Ari, a head shake from Lana, and a playful glare from Abi. Si Aya lang ang dedma sa 'kin, si nonchalant kasi siya.

"Chat kayo kapag nakarating na kayo sa mga dapat niyong puntahan ha! Bye!"

"Kuya, gutom nako, libre mo naman ako," napalingon ako kay Zo nang magsalita siya.

Klan responded immediately, "Sure, where do you want to eat? Gen, I'm sure you're hungry too, what do you want?" Sinagot ng dalawa ang kanyang tanong, "How about you?"

He looked at me, waiting for an answer. Nagulat naman ako dahil dito, "Kasama ako? Hala! Nakakahiya! Pero...sige." Sayang ang libre! "Kung ano gusto niyo, yun na akin, hindi naman ako choosy."

"Luh, di man lang nagpapilit oh! Ulit ulit! Hindi yan yung nasa script!" birong sabi ni Zo kaya napailing ako.

Ang sabi sa 'kin ng mama ko, kapag may blessings - dapat tanggapin ito agad ng bukas ang palad. Kaya ito ako ngayon, nasa mamahaling restaurant kasama ang tatlong mayaman na nilalang.

"Table 5 po kayo, this way please." Awkward akong naglakad papunta sa table namin, hindi sanay sa mga ganitong mga bagay.

Dinala kami ng guide namin sa table na malapit sa bintana, four seats, ang naging arrangement namin ay nasa tapat ko si Klan tas katabi ko si Gen, ayaw niyang malapit sa upuang malapit sa bintana kaya ako ngayon ang nasa upuang ito. Tapos, ang natitirang upuan ay kay Zo.

Nang makaupo na ako nang maayos ay kinuha ko ang menu na nakapatong sa lamesa at binuksan ito, planong orderin ang pinaka murang pagkain. Ngunit, nagbago ang ekspresyon ko nang makita ang nasa loob, "Ang mahal! May gold bang halo 'tong mga pagkain na 'to?!"

Sa sarili ko lang dapat iyon sasabihin, ngunit napalakas ko pala ito ng konti. Hindi nga ako narinig ni Zo at Gen kasi malakas silang nag-uusap, ngunit, narinig naman ako ng nasa harap ko, "Don't look at the price, it's my treat, and yes, ilan sa mga pagkain dyan ay may halong gold, 24 Karat edible gold to be specific."

I looked at the man in front of me, "Paano mo nalaman? Nakain mo na ba halos lahat ng nasa menu?" curious kong tanong.

"No, but I know the owner of this restaurant and he told me that information."

I nodded before a sudden sound came from his phone, a message. Bigla kong naalala ang utang ko sa kanya. Tinignan niya lang ang kanyang phone bago ito binaba, hindi man lang nagreply.

The Landscape of Freedom (Escape Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon