Chap. 5

3 2 0
                                    

"Good evening, Mama Dave!" bati ko pagpasok ko sa shop niya at nakipagbeso sa kanya. "Si Abi po?" tanong ko bago ko nilibot ang mata sa paligid.

Mama Dave sighed, "Nasa likod, parking lot."

Nagpaalam ako sa kanya at pumunta sa likod para puntahan si Abi.

Pagdating ko sa likod ay nakita ko si Abi na nakatayo sa harap ng bintana ng sasakyan. I squinted my eyes to see who was in the driver's seat of the car but I couldn't see properly because it's already night time.

Lalapit na sana ako pero nakita ko ang naiinis na mukha ni Abi kaya hindi ko na tinuloy. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag instagram na lang para hindi ako maiinip. I was scrolling through my feed and Jason's pic popped up, instinctively, I clicked his profile to check what he's up to.

"Kahit ayoko sayo, ayoko pa rin dumalo sa burol mo kaya wag kang tanga, ingat ka." rinig kong sabi ni Abi bago umalis ang sasakyan kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

I shook my head and wondered silently, saan kaya pinaglihi si Abi? Parang lahat ng katarayan sa mundo, nakuha!

Nakita ako ni Abi na naghihintay kaya lumapit siya akin. I expected her to greet me but instead of doing that she just stood still, brows furrowed and eyes focused on my cell phone.

"Bakit?" tanong ko bago tumingin sa phone na hawak ko. My eyes widened when I realized Jason's profile was shown. Agad kong pinatay ang cellphone ko. I shook my head repeatedly, "Kung ano man ang nasa isip mo, hindi iyon yun."

Tinaas ni Abi ang isa niyang kilay, "Sige nga, anong nasa isip ko?" challenging me.

"Thoughts? Dreams? Memories?"

Babatukan na sana niya ako nang makailag ako. I pointed my index finger at her as if I was going to scold her, "Mas matanda ako sayo, pag binatukan mo ko, ibig sabihin wala kang respeto sa mga nakakatanda sayo." I jokingly said.

She rolled her eyes, "Hindi ba pwedeng sayo lang walang respeto?"

I held my chest and acted like I was hurt because of her words. "Sobra ka na ha! Isusumbong kita kay Gen!" banta ko.

"Pinaka mature pa sa mature," she uttered before snatching my phone.

"Uy! Ano yan? Anong gagawin mo?"

Pinagmasdan ko ang mga kilos niya. Nang makuha niya ang phone mula sa akin ay binuksan niya ito at pinindot ang follow button, in-unfollow niya si Jason sa instagram gamit ang account ko.

"You're welcome," sabi niya sabay abot sa akin ng phone.

Tinignan ko lang ang phone na inabot niya, hindi makapagsalita.

I...I don't know what to feel. Dapat masaya ako kasi ginawa ni Abi ang matagal ko ng gustong gawin pero...hindi ko alam. Parang bumalik ulit ang sakit. Parang sumakit pa lalo. Parang hindi ko pa rin tanggap na nagawa niya yun.

Maraming tao ang tatawagin akong tanga pag nalaman nilang apektado pa rin ako sa ex kong nangloko sa 'kin. Pero...hindi kasi 'yon ganun kadaling kalimutan. Hindi yun parang switch lang na pwede mong i-on at i-off pag ayaw mo na, pag pagod ka na, pag masakit na. Hindi 'yon ganun kadali at hindi 'yon kailanman magiging madali. Ang hindi alam ng maraming tao, kahit gaano pa ka laki ang kasalanan ng taong minsa'y minahal mo, may parte pa rin sa puso mo na naghahangad na sana ay may makatwiran silang rason para sa mga ginawa nilang pananakit sayo. Na sana, hindi ka nila sinaktan kasi alam nilang may kakayahan silang gawin iyon sayo.

Sometimes, even if the relationship ended badly, there is still a part in your heart that wishes it hadn't ended at all. There is still a part of you that wished they were better.

The Landscape of Freedom (Escape Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon