Chap. 15

2 1 0
                                    

Buhay.

Kapag sa tingin mo ay maayos na ang lahat, ipapa-realize nito sa'yo na hindi pala. Na mali ka nang inaakala.

"Ano pong ibig niyong sabihin na hindi na po ako qualified sa scholarship grant ko?" nagtataka at naguguluhan kong tanong sa registrar sa harapan ko.

Nandito ako ngayon sa registrar office matapos matanggap ang reply nila sa email ko tungkol sa follow-up ng scholarship ko. Hindi pa kasi nababawasan ang bayarin ko sa school portal kaya nag-alala na ako.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili na maiyak.

Kung hindi ko pa sila in-email, hindi ko pa malalaman na ganito na pala ang status ng grant ko.

Tsaka, hindi ko maintindihan.

Wala akong maintindihan.

Nagpasa naman ako ng requirements sa tamang oras. Okay naman ang grades ko, pasok sa gusto nila, pero bakit hindi na ako qualified?

Bumuntong hininga ang kausap ko, halatang naiirita, bago ako sagutin.

"Hindi ka na qualified sa scholarship mo," diretso niyang sabi sabay tingin sa computer na nasa harap niya. "Base rito, may grade kang dos. Bawal ang may grade na 2 and below, kaya ka natanggal."

My brow furrowed, "Po? Ang alam ko po, okay lang may dos. Ang bawal po ay 2.5 and below," pagpapaalam ko sa kanya. 2.5 and below yun, sure ako. Kailan pa naging dos ang pinakamababa?

She looked at me strictly, as if asking who am I to question her.

"Kaka-implement lang ng school nito last semester. Kung hindi mo nakita ang announcement nito sa mga bulletin board, hindi na namin yun kasalanan," she said.

Hindi makapaniwala akong natawa.

Bulletin board? Last semester? Tangina! Wala man lang email sa bawat estudyante na posibleng maapektuhan ng pagbabagong 'yun? Alam kong kaming mga scholar ang may kailangan sa kanila, pero gaguhan naman yata 'to.

"Bulletin board... Sa bulletin board niyo in-announce..."

Mababaliw na yata ako.

"Mawalang-galang po, pero inisip niyo po ba ang bawat estudyante na maaapektuhan ng pagbabagong 'yan? Hindi po lahat tumitingin sa bulletin board kasi madalas mga orgs at club ang naka-paskil doon. Tsaka, may Facebook naman po ang school, diba? Bakit hindi niyo po naisipang mag-post? Alam ko pong hindi kayo nag-post tungkol diyan kasi active po ako roon. May awa pa po ba kayo sa mga estudyante? Gusto niyo po ba talaga kaming bigyan ng pagkakataong mag-aral gamit ang scholarship, o gusto niyo lang makatakas sa tax kaya kayo may CSR na ganyan?"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin ang mga salitang iyon.

Galit akong tinignan ng registrar, sabay ng malakas na paghampas niya sa lamesa.

"Sino ka ba sa tingin mo ha? Huwag mo 'kong kinukwestion ng ganyan! Pwede kitang ipatanggal agad sa university na 'to, tutal wala ka namang ambag dito, kaya hindi ka kawalan at mukhang pabigat ka pa." Natakot ako bigla, paano kung ipapatanggal niya talaga ako?

"Walang pera, umaasa sa scholarship," parang nandiri niyang sabi, sabay tingin sa akin.

Hindi ako makapagsalita salita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, kung anong dapat maging reaksyon, at kung anong dapat sabihin o kung may dapat pa ba akong sabihin.

"Umalis ka na sa harapan ko. Kung hindi ka aalis, tatawag ako ng guard," pagpapatuloy niya, nananakot, na para bang hindi ako estudyante ng university na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Landscape of Freedom (Escape Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon