Chap. 6

6 1 0
                                    

"Tanginang ulo 'to, ulo pa ba 'to?" napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit.

"Oh, gising ka na pala," napatingin ako kay Mama ng bigla siyang pumasok sa kwarto ko habang may dala-dalang tray na puno ng pagkain.

Pinagmasdan ko siya ng may kunot sa noo hanggang sa makalapit siya. Binaba naman niya ang tray sa lamesa na nasa gilid ng higaan ko.

"Wala kang trabaho, Ma?" tumingin siya sa akin at inayos ang magulo kong buhok.

Napangiti ako sa ginawa niya, "Ganda-ganda naman ng anak ko na 'to, manang-mana sa akin," pambobola niya, "Lasinggera nga lang."

Umakto naman akong na-offend sa sinabi niya, "Di ako laging umiinom Ma ha! Sometimes lang!" Ano ba naman 'to si Mama, fake news! 'Di kaya ako laging umiinom!

Natawa siya sa inakto ko, "Oh siya, sige na, hindi na! Kain ka na lang muna dyan para mawala na sakit ng ulo mo kasi siguradong may hangover ka. Tsaka, oo, wala akong trabaho, pahinga muna raw kami sabi ng amo namin."

Kinuha ko na ang pagkain na nasa tray at sinimulan na ang pagkain. Si Mama naman ay palabas na siya ng kwarto ng huminto siya sa may pintuan at tumingin sa akin, tinignan ko siya pabalik ng may pagkain sa loob ng bibig.

"Pagkatapos mo dyan, kwentuhan mo 'ko sa bago mong boyfriend, si Klan ba 'yon?" nabilaukan ako sa narinig at tatawa-tawang umalis si Mama.

Bakit nabanggit ni Mama si Klan? Siya ba naghatid sa akin kagabi?

Pinilit kong maalala ang lahat kahit masakit ulo ko at napatakip ako sa bibig ng may naalala ako.

"Klan, date tayo. Gusto mo?" I asked.

I saw and felt him freeze in shock, eyes wide and his mouth opened a little. Dahil sa reaksyon niya, lumabas na ang tawa na kanina ko pa pinipigilan.

I laughed and pinched his cheeks, his eyes darkened, "Joke lang, ano ka ba," tawa pa rin ako ng tawa.

Napatigil lang ako sa pagtawa nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, magkadikit na ang ilong namin. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong hindi makahinga.

"I'm not playing with you, so stop playing with me," he said with his low voice, "You won't like it when I play."

Tangina! Ano yun?

Bakit may pa ganun? Jusko naman!

Sinampal sampal ko ang sarili, nagbabakasakaling pinaglalaruan lang ako ng utak ko at hindi totoo ang memoryang naalala, ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

From: Deklan Piroja (Kuya ni Gen, Pinsan ni Zo)

Good morning.

I have your wallet. You left it in my car last night.

Hindi pa rin nawawala ang kahihiyan sa utak ko kaya hindi ako nagreply kaagad.

From: Deklan Piroja (Kuya ni Gen, Pinsan ni Zo)

Let me know when you're free and I'll return this to you.

Hindi pa rin ako nagreply.

From: Deklan Piroja (Kuya ni Gen, Pinsan ni Zo)

Lienel?

I'm guessing you're still not awake. Sleep tight, Nel :)

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagdesisyong magreply na.

To: Deklan Piroja (Kuya ni Gen, Pinsan ni Zo)

Yow! Good morning din sayo!!

The Landscape of Freedom (Escape Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon