"Nel, nakikinig ka ba?" Huh?
Ang kanina kong malayong tingin ay napunta kay Abi. I looked at her with furrowed eyebrows. "May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya.
She sighed, "Sabi ko, samahan mo ko ngayon papunta sa Mall, bibili lang ako ng tela kasi kinulang sila Mama Dave doon sa shop."
Iiling na sana ako, senyales na ayoko siyang samahan, ng bigla niya akong hatakin patayo, "Against my rights 'tong ginagawa mo sakin ngayon ha! Ipapakulong kita sa lawyer ko!" banta ko sa kanya ng patuloy niya akong hinatak palabas sa condo ni Gen para pumunta sa Mall.
"Tanga, wala kang lawyer," she said while rolling her eyes.
Napasimangot ako sa narinig, "Oo na! Tanga na! Alam ko na yun! Di mo na 'ko kailangan iremind! Alarm clock ka ba?"
Hinayaan ko lang siyang hatakin ako sa kung saang lupalop niya gusto hanggang sa makarating kami sa bilihan ng magagandang tela sa Mall, "Bakit ka dito bibili? Mahal dito diba?" pagtanong ko kay Abi habang pinagmamasdan ang magagandang tela sa paligid ko.
Hindi siya lumingon sa'kin pero sinagot niya ang tanong ko, "Yes, mahal dito," hinawak hawakan niya ang mga tela, pinapakiramdaman ang mga texture nito, "Ate, ito po, 1 and a half meters, tapos isa nun, mga 3 meters po," pagkausap niya sa babaeng nagtatrabaho rito, "Ay, gawin niyo nalang pong 2 meters yung una para sakto! Salamat po!"
Lumingon siya sa 'kin, "May importanteng client si Mama Dave kaya ganito. Inutusan niya kong bumili dito kasi ito lang ang lugar na maraming magaganda at imported na tela na hindi ganun kasakit sa bulsa."
I nodded at her, not having the energy to talk anymore. Kahit pilitin ko man ang sarili na maging masaya at energetic ay hindi ko magawa, sariwa pa rin kasi sa akin ang mga nangyari noong nakaraan. Sumisikip pa rin dibdib ko kapag naaalala ko siya, mahirap din kalimutan lahat, 2 years yun eh, 2 years yung nasayang.
Gusto kong magalit. Gusto kong magalit kay Jason kasi niloko niya ako, sa babae niya kasi pinatulan niya si Jason kahit alam niyang kami pa, tsaka sa mga kaibigan niya na hinayaan lang siyang gaguhin ako ng ganoon.
Gusto kong magwala, kasi alam kong ako lang ang apektado sa mga nangyari. Na masaya pa siguro silang wala na ako, wala ng hadlang sa mga gagawin nila, wala ng hadlang sa relasyong nabuo nila.
Gusto kong manakit. Gusto ko silang saktan kung paano nila ako sinaktan, gusto kong ibalik lahat ng sakit.
Pero...hindi ako ganun eh. Hindi ko yun kayang gawin, hindi ko kayang manakit ng ibang tao dahil lang nasaktan nila ako. I'm not that kind of person...and that makes me better than them. I don't hurt people just because. I don't hurt them for my selfish reasons.
Naramdaman kong hindi maganda ang patutunguhan ng aking mga iniisip, buti nalang lumapit na sa amin ang babaeng gumupit ng tela na bibilhin ni Abi para ibigay ito sa kasama ko.
Pagkabigay niya ng tela sa kaibigan ko ay mariin siyang napatutok dito, "May kamukha ka po, artista. Kilala niyo po ba si—"
"Hindi." Mabilis at malamig na sabi ni Abi kaya hindi na natuloy ang tanong ni ate.
Naglakad na papunta sa cashier si Abi pagkatapos nun at awkward naman akong ngumiti kay ate bago sumunod sa kaibigan ko, sana hindi siya naoffend sa inasta ng kasama ko.
Pagkatapos niyang bayaran ang mga binili ay lumabas na kami sa lugar na iyon. Naglalakad na kami palabas sa Mall ng bigla akong may nakita, nanigas ako. Tinignan ako ni Abi nang mapansing hindi na 'ko naglalakad.
"Ano? Gusto mo ng piggy bank ride? Nel naman, wag dito, nakakahiya," kung sa ibang pagkakataon ay matatawa ako sa sinabi niya pero ngayon, wala akong reaksyong naibigay.
BINABASA MO ANG
The Landscape of Freedom (Escape Series #1)
RomansaLienel Shawn Garcia is a kind, bubbly, environmentalist girlie who is always there for her friends and family, especially her siblings. However, behind that exterior lies a different persona; one who has been hurt and chained by responsibilities. Wh...