"Who is she?"
"Her dress looks cheap."
"It's not just her dress. She also looks cheap."
Napatingin ako sa suot ko, nalulungkot.
Pangit ba? Ito na yung pinakamagandang nakita ko kanina, eh. Tsaka, konti lang dress ko kaya limited lang yung pagpipilian. Di bale, mag-uukay na lang ako sa susunod ng maraming dress. Yung mukhang sosyal!
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Klan sa bewang ko kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. "You look beautiful. Heavenly even." He was assuring me. Naririnig niya rin siguro yung mga pinagsasabi ng iba.
Hindi ko alam kung anong meron kay Klan, pero nawala bigla ang mga pagdududa ko sa isip. He just has this thing in him that makes my doubts and insecurities disappear.
"Thank you!" Hinawakan ko ang mukha niya kaya napayuko siya sa level ko. "Heavenly ka rin! Ang gwapo-gwapo mo!" I giggled as I pinched his cheeks.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.
"Apo! Apo!"
Mabilis ko siyang binitawan ng may ginang na lumapit sa amin, lola yata ni Klan sa mother's side. Nakita ko na lola nila sa father's side, eh, at hindi siya 'yon.
Babati sana ako ng bigla siyang pumagitna sa amin ni Klan. Sa gulat, napaatras ako. "Apo, you're here! I didn't expect that you'd be here," masaya niyang sambit. "Come with me, may ipapakilala ako, anak ng business partners ng Dad at Lolo mo."
Hihilahin niya sana palayo si Klan, pero hindi ito pumayag.
"La, I have a date," natigilan ang ginang ng hilahin ako ni Klan para ipakilala sa kanya. "La, meet Lienel. Lienel, meet my grandmother from my mother's side." Tama nga ako na Lola niya, hawig din kasi sila ng slight.
"Hello po..." nahihiya kong bati sabay bow.
"Ow...she's your date?" tanong niya, habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, na nagpaparamdam sa akin ng pagkahiya sa ilalim ng kanyang tingin. There was a noticeable pause as she finished her assessment, and a look of distaste flickered across her face. "I thought she was a maid," dagdag pa niya, na may halong pagkamuhi sa kanyang tono.
I stiffened, the embarrassment creeping up my cheeks as the word "maid" hung in the air. Wala namang nakakahiya sa pagiging katulong pero iba ang paggamit niya sa salitang iyon kaya nahihiya ako, nahihiya ako sa sarili ko.
May mali ba sa suot ko? Pangit ba talaga? Pangit ba ang suot ko? O ako mismo yung pangit?
Napayuko ako.
"La!" Klan exclaimed, his face flushed with anger as he stepped in front of me, positioning himself as a protective barrier. "Don't you dare talk to her like that," maawtoridad niyang sabi. He fixed his gaze on her, his jaw set and his eyes blazing with intensity. "Do you understand me?"
Nagulat ang kanyang Lola sa pagtaas ng tono ni Klan. Natahimik bigla ang paligid. Kitang-kita ko na pinapanood kami ng iba.
"Klan," tawag ko sa kanya sa mahinang boses. Hinawakan ko pa siya sa braso para makuha ang kanyang atensyon. Lumingon siya sa akin, "Maraming tao..." I pursed my lips and looked around.
Tumingin siya sa paligid at napansing marami ngang nakikinig. Then, he grabbed my hands and led me somewhere else.
Malaki ang mansyon kung saan kami naroroon kaya hindi kami nahirapang maghanap ng lugar na tahimik. Huminto kami sa isang terasa na may magandang tanawin ng hardin sa ilalim ng mga bituin.
"Are you okay?" tanong niya, hawak pa rin ang kamay ko.
Tumango ako kahit sa totoo ay kabaligtaran ang nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Landscape of Freedom (Escape Series #1)
Storie d'amoreLienel Shawn Garcia is a kind, bubbly, environmentalist girlie who is always there for her friends and family, especially her siblings. However, behind that exterior lies a different persona; one who has been hurt and chained by responsibilities. Wh...