Chap. 14

10 1 0
                                    

"Your graduation is coming up soon. Do you already know which program you'll be taking?"

Nahinto sa pagkukulitan si Zo at Abi at napatingin kay Gen dahil sa kanyang tanong.

Nandito kami ngayon kina Mama Dave, nakatambay, walang magawa sa buhay. Well, may mga schoolworks pa dapat akong gawin pero hindi 'yun counted—gusto kong magpahinga. Second semester has been exhausting, and being with my friends is one way to chill. Hence, why we're here. Kaso, kaming apat lang kasi yung tatlo, may kanya-kanyang ganap.

Tumango silang dalawa.

"Fashion Design akin," Abi answered with a shrug.

"Computer Engineering," awtomatikong sagot naman ni Zo, walang pag-aalinlangan.

Napabangon ako sa pagkakahiga,"Bakit?" curious kong tanong.

She looked at me, tilting her head sideways, "Magaling kasi ako sa History," siraulo niyang sagot, walang bahid ng emosyon sa mukha.

Ang curious kong ekspresyon ay unti-unting naglaho. Napabuntong-hininga ako.

Puchams talaga 'tong batang 'to.

"Si Abi naman, fashion design kasi magaling siyang magluto," she continued, now with a slight smirk on her face upon seeing my reaction.

Dahil doon, pabirong hinatak ni Abi ang buhok niya.

"Ang talino mo naman, pwede ka nang manahimik." We all laughed at that.

Nagpatuloy ang kwentuhan at kulitan namin, kulang na lang ay hindi na ako makahinga sa kakatawa. It's always like this when I'm with them—nalilimutan ko ang mga bagay na nagpapasakit ng ulo ko. With them, all the worries of the world seem to melt away, replaced by the pure joy of the moment.

Dati, sa kanila lang ako nakakaramdam ng ganito—yung saya na nakakalimutan ang problema. Pero ngayon, may dumagdag sa buhay ko na nagpaparamdam sa akin ng ganun, maliban sa kanila.

"Maka-asar ka sakin, wagas ah, pag ikaw inasar ko kay ano..." ang nakasimangot na mukha ni Zo ay napalitan ng pang-aasar na ngiti.

Abi glared at her and Gen gasped.

"You have someone?" tanong ni Gen kay Abi, gulat na gulat.

Magugulat din sana ako, pero naunahan na akong magulat ni Gen, kaya nonchalant na lang.

"Ako?" Abi scoffed. "Wala noh! Mukha bang may makakatagal sa ugali ko? Tsaka pass, lovelife na lang ni Nel pag-usapan natin."

Agad na kumunot ang noo ko.

"Ano 'to? Double it and give it to the next person?" reklamo ko, kinakabahan.

Hindi ako prepared! Lalo na't katabi ko si Gen ngayon.

Kita ko ang pagtingin ni Zo sa akin ng matagal bago niya hinampas ng pabiro si Abi.

"Ang insensitive mo naman, kita mong hindi pa nakakamove on sa ex, tapos 'yan ang tanong mo. Grabe ka na Abigail," kunwaring disappointed niyang sabi habang umiling pa. Nakahinga ako ng maluwag.

Hindi ako umimik kaya naman tinanggap nilang tama ang sinabi ni Zo.

The other two looked at me disappointedly.

"Really, Nel? Still him? Do you want me to find someone for you so you can finally move on?" Gen offered, frowning.

Yung someone ba na 'yan, Kuya mo?

Magsasalita sana ako nang naunang magsalita si Abi, "Ginawa ko na 'yan pero hindi effective. Mahal na mahal niya lang ang ex niyang mukhang ipis," pagtukoy niya sa date na sinet-up niya kay Dean at sa akin.

The Landscape of Freedom (Escape Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon