Chap. 13

8 1 1
                                    

Katulad ng napag-usapan namin ni Lolo, nagprotesta ulit kami, pero hindi lang kaming dalawa ang magkasama—kasama na rin namin si Klan.

Pagkagising ko, nadatnan kong seryoso silang nag-uusap tungkol sa mga nangyayari dito. Hindi nakakagulat, maalam si Klan sa balita. Ikaw ba naman ang maging anak ng may-ari ng television network, ewan ko na lang kung wala kang alam ni isang balita.

The day went unexpectedly great. Mas maraming sumama sa amin ngayon kaysa kahapon. Yung iba, galing pa ng ibang lugar at dumayo lang dito para suportahan ang mga ipinaglalaban namin. They knew about the protest because I uploaded our videos yesterday.

Maganda talagang desisyon na inupload ko 'yon sa social media ko. It reached a wider audience, and we gained a lot of support. Pero syempre, may iba ring kung ano-ano lang ang mga kinocomment. Katulad na lang ng tanong na bakit pa raw kailangan ng ganito, pinapahirapan lang daw namin ang sarili namin. Atsaka meron pang mga nagsabing dapat hindi na kami nagproprotesta at hayaan na lang ang mga nangyayari kasi wala rin daw naman kaming magagawa.

May mga comment din na minamaliit ang mga magsasaka, pero hindi na namin 'yon pinansin ni Lolo. Inisip na lang namin na dahil sa mga comment nila, mas lumalawak pa ang nararating ng video ko.

"Nel," rinig kong tawag sa akin ni Klan, kaya tumingin ako sa kanya.

Naglabas siya ng panyo sa bulsa niya at marahan na pinunasan ang mukha ko, lihim akong napangiti.

"Water?" he asked, and I nodded.

Binuksan niya ang dala-dala niyang bag at inilabas ang baon naming tubig. Binuksan niya ito at pina-inom sa akin. Pagkatapos niya akong painumin, siya naman ang uminom bago niya ito ibinalik sa loob ng bag.

"Si Lolo?" tanong ko sa kanya. Baka uhaw na 'yon.

"Kausap ang iba. Also, don't worry, I gave him water first before us," sagot niya.

My heart was touched by his action. Wala na, nasayo na talaga lahat, wala ka ng tinira sa iba.

Pabiro ko siyang sinuntok sa dibdib.

"Ikaw ha, nagpapalakas," I teased. "Akala mo ba madadala mo si Lolo sa mga ganyan? Nako, kulang pa yang mga ginagawa mo, kailangan mo pa siyang bilhan ng house and lot para ma-impress," biro ko.

Tumingin siya sa akin at inihilig ang ulo.

"How many hectares?" he asked, curiosity written in his face.

Natawa ako at itinulak siya palayo. Kita ko ang pag-ngisi niya sa ginawa ko.

Klan helped with the video recording of everything that was happening. Nag-offer din siyang tulungan akong i-feature ang mga nangyayari sa network nila. Hindi ako pumayag noong una, pero nakumbinsi niya ako sa huli kasi sabi niya na "it would raise awareness in other areas as well," kaya laking pasasalamat ko sa kanya.

As we spent the day doing everything we could to improve the situation in our place, the words of other people came crashing down on me.

'Bakit pa magproprotesta? Hindi naman 'yan makakatulong.'

What people fail to understand is that protests are done to be heard. Kasi kung pinapakinggan naman tayo, bakit pa ito kailangan?

Tumingin ako sa mga tao sa paligid habang sinisigaw nila ang mga gusto nilang sabihin. Their emotions are evident in every word, ready to fight for what's right and for their own, knowing they only have themselves, that speaking up was their only choice because privilege is not on their side but with others.

Habang tumitingin ako sa paligid, nahagip ng mata ko si Klan.

He is holding his phone, taking a video of the moment, with eagerness on his face. Napaisip ako habang nakatingin sa kanya. Privilege is on his side, and will always be on his side. Pero heto siya ngayon, tinutulungan kami, kahit pwede namang humilata na lang siya sa bahay at walang gawin.

The Landscape of Freedom (Escape Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon