Chapter 1

176 91 6
                                    


"Shot naman tayo, ganito nalang ba tayo?" Yaya sa amin ni Kc habang naka tingin sa aming dalawa ni Rhiv.

"Alak talaga ang topic nyo kapag friday no?" saad ni Rhiv at dahil sa sinabi nya ay natawa ako si Kc naman ay napangisi.

Alam kasi naming hindi ito madalas nag iinom kagaya namin, kapag na iinom kami ay para syang nanay na nagbabantay sa amin dahil sya lang ang hindi umiinom.

3 hours vacant kami ngayon dahil may ginagawa ang mga teacher's dahil may paparating na event sa buong school, at dahil wala namang pasok bukas nagka ayayaan nangang uminom ang buong groupo.

Habang kumakain kaming anim sa canteen biglang nagkupol-kupulan ang mga tao sa hallway.

"Panigurado si jamier na naman iyon" saad ni Rhiv.

Tuloy tuloy lang ang kain ko dahil wala naman akong pakielam sa pinag-uusapan nila at hindi ko kilala.

"San tayo shot? Sasama ba si Rhiv?...." Tanong sa amin ni Axeilo at biglang tingin sa paligid mukhang nahihiya.

"Bakit mo tinatanong kung sasama si Rhiv? Kapag ba sumama sasama kana rin?" Sunod sunod na tanong ni nivier at tunog na ng aasar.

Hanggang ngayon inlove parin kasi siya kay Rhiveca pero si Rhiveca ay may iba ng ine-entertain. Sayang lang dahil may iba na si Rhiv team rhixei pa naman ako. Saksi kaming apat sa kaharutan nyang dalawa noon at pati nung teacher namin nung highschool ay kinikilig sa kaharutan nilang dalawa. #teamRhixeiparin

"Sasama ako" biglang singit ni Rhiv.

Buti nalang talaga ay napilit namin tong si Rhiv ay nako minsan nalang namin yan makasama sa sobrang daming kaibigan sa buong campus kada daraanan namin ay kumakaway sya na animoy kasali sa miss univers o baka tatakbo tong mayora.

"Bro, alam kong kinikilig kana dyan tumingin kana dito" pang aasar sakanya ni Kc.

"Tumahimik nanga kayo" saad naman nito at humarap samin na ikinatawa naming lima dahil halata sakanya na kinikilig dahil ay namumula na ang buong mukha nya.

Pagkatapos namin kumain sa canteen ay naglibang libang kami at itong si Kc ay may sinisilayan sa kabilang building, kaming girls nalang ang natira na nag lalakad dahil ang dalawang lalake ay humiwalay sa amin.

"Ang pogi talaga ni Jared" naghuhumaling na saad ni Kc.

"Pogi nga hindi ka naman kilala" pang aasar ko sakanya at bigla akong inirapan na ikinatawa ko naman.

"Tapos kana ba sumilay pagod na paa ko sa kaharutan mo" reklamo bigla ni kei.

"Pinagod mo kami Kc sa kaharutan mo, dahil dyan ay ililibre mo kami ng tusok tusok" saad ni Rhiv at kumindat pa ito kay Kc, tumingin kaming tatlo sakanya at kinindatan sya. Kinalaunan ay napapayag naman namin siya.

Aba! Dapat lang no, kabilang building pa ito at fourth floor ang sinisilayan nya dapat lang na ilibre nya kami.

Pag balik namin ni Kc at Rhiv sa room ay wala pa si ma'am Jessa, sya ang adviser namin. Nahiwalay samin si Kei dahil sa aming apat na babae ay sya lang ang nahiwalay sa amin third floor pa sya at kami namang tatlo ay nasa second floor. Si Nivier at Axeilo magkatabi lang ng room sa unang building.

"Guys sit down na andito na si ma'am" sigaw ko sa aking mga kaklase dahil halos lahat sila ay nakatayo.

Pagdating ni ma'am Jessa ay mga nakaupo na kaming lahat na animoy walang tawanan na naganap bago sya pumasok.

"May pasok sa sunday, 6am to 2pm..." paninimula ni ma'am na ikinalungkot ng aming mukha.

"Mag aayos at magde-decorate tayo para sa paparating na event sa ating paaralan. Kailangan nyong pumasok sa sunday. Si Zamora ang mag che-check ng attendance dahil alam kong wala kayong takas sa president niyo. That's all class, we can go home now."

I only felt from you, What I wasn't looking for (Love Series #1)Where stories live. Discover now