Chapter 9

97 73 9
                                    


                              ✧୧ ׅ𖥔 ۫ ⋄ 𓍯

People come and go.

Ano pang silbi kung babalik sila ulit? Para ano? Manakit ulit? Para saan pa ang mga pangakong binuo kung sisirain din naman? Para saan pa ang mga binuong magagandang ala-ala kung ang idudulot ng mga ito pagtapos tayo iwan ay sakit.

Hindi naman kailangan lumisan pero bakit mas piniling umalis?

Wala namang pagkukulang pero bakit iba parin ang hangad?

Ibinigay naman ang lahat pero bakit kulang parin?

Ibinuhos naman lahat ng pagmamahal pero bakit hindi parin kontento?

"Umusad kana tapos na yun" naka usad na pero nandito parin yung sakit.     
                

Bakit kapa bumalik? Bakit kung kailan nakalimut na ako tsaka ka nag paramdam.

Akala ko ba hindi mo gagawin yon? Akala ko ba hindi mo hahayaan na maranasan ko ulit yon?

Oh, I've loved you for so long and now I don't want to feel that love again.

Akala ko kaya kong mag panggap na hindi kita kilala, na burado kana sa isip ko at wala nakong pag nanasang makita ka.

Akala ko kaya kong lokohin yung sarili ko na kaya kitang makasama sa isang lugar na hindi naaalala ang nakaraan natin.

Pero habang pinaparamdam mo ulit sakin yung una mong ginawa. Yung una kung saan nahulog ako sayo, una kung paano mo ako nabitag sa mga kasinungalingan.

Hindi ko pala talaga kayang lokohin yung sarili kong wala kana sa isip ko dahil nung gabing nakita ka ng mata ko at nawala ka hinahanap hanap ka parin.

Akala ko nung una kaibigan lang ang tingin ko sakanya pero hindi e, sana pala pinigilan ko nalang ang sarili kong mahulog sa tulad niya.

Hindi na mauulit yun dahil natuto na ako.

Natuto na sa mga nagawang mali, sana pala hindi ko nalang ipinipilit sa sarili ko na baka kapag sinubukan ko ulit hindi na mangyayari yon.

Ang hirap sumugal, makakaranas ka muna ng maraming talo bago manalo.

Ako, kailan kaya ako mananalo?

                                   **


"Hoy Azzelea! Nakikinig ka ba?" Nakaramdam ako ng hapdi sa balat ko.

Takte to kanina pa ako nito hinahampas.

Tinignan ko si Kc at nginitian "ang creepy mo, kanina kapa nakatulala tapos haharap ka sakin ng ganyan ang mukha mo!" Naiiritang sabi niya.

"Gurl, hindi bagay sayo maging nonchalant" dugtong ni Kei.

Ang hirap mag emote kapag kasama mo mga kaibigan mo

Pagkatapos ng nangyari nung monday hindi niya na ako pinilit tungkol sa libro.

Friday na at pagkatapos nito ay sembreak na.

At syempre christmas party namin ngayon, ewan koba bored na bored ako ngayon at walang gana makipag kapwa tao.

8 am ang simula at 12 pm naman ang tapos.

I was wearing a lavender square neck puff dress and heels. Naka waterfall braid ako. Hindi naman kailangan bongga kaya okay na yan.

Puro chismisan at kulitan ang ganap sa room ako naman ay kain lang nang kain dahil masarap ang dala nila. Ang mga kaibigan ko ay iniwan ako dahil mga kumekerengkeng.

I only felt from you, What I wasn't looking for (Love Series #1)Where stories live. Discover now