Prologue

149 85 18
                                    

Lahat sila may mga magagandang trabaho na, yung iba ay magaganda na ang buhay at nasa ibang bansa na.

Yung mga dati kong kaibigan ay may mga sariling bahay na habang ako ay nakikiupa lang.

Ako? Ito nag titinda sa coffee shop.

Napag iwanan na.

Buong buhay ata akong magdurusa dahil simula bata palang ako ay puno na ng pagdurusa ang naramdaman ko.

Sabi nila hanggat bata ka ay sulitin mo dahil minsan lang maging bata, paano ko masusulit kung bata palang ako ay ako na ang gumagawa ng mga gawain bahay? Hindi sa nag re-reklamo ako pero mashado pa akong bata non.

Walis, plato, baso, pamunas ang hawak ko noong bata ako imbis na laruan.

Nawala pa ang taong tanging pinanghahawakan at pinagkukunan ko ng lakas.

"One iced matcha latte"

Nice taste ate! Sabi ng iba ay lasang damo daw ang matcha. Sus! Bakit dati ba kayong kumakain ng damo? Pangit lang talaga ang taste niyo.

Ako ang ina-sign sa counter kaya kahit kabado tuloy lang ang agos ng buhay!

Naka suot ako ng apron at ang buhok ko ay itinali ko ng pa bun.

Unang araw ko palang dito kaya medyo kinakabahan ako. Ito ang unang araw na mag bibigay ako ng order sa mga customer, ang saya dahil kamay ko mismo ang gumawa non!

Bago ako pinahintulutan pumasok sa unang araw ko ay tinuruan muna ako kung paano gumawa ng mga tinitinda rito. Buti nalang hindi ako nahirapan dahil may experience ako sa ganito dahil may nag turo sakin nito noon.

Sabi pa nga na nagturo sakin dito ay pwede daw mag tayo nalang ako ng sariling coffee shop dahil nalamangan ko daw sa sarap ang iced matcha latte at ang iba. Binola pa ako!

Ilang years akong bakante, laking gulat ko ay natanggap ako rito. Ang tagal ko narin kasing nag hahanap ng trabaho since hindi ako nakapag tapos ng pag aaral ay pinili ko nalang mag trabaho.

Dahil kung hindi ako mag tra-trabaho ay mamamatay ako sa gutom!

Buti nga ay hindi ito malayo sa inuupahan kong bahay dito sa Cavite.

Ilang taon narin akong mag isa sa buhay dahil pinili kong lumayo sa mga taong mahal ko sa buhay dahil sa nangyari.

It's been years since I chose myself.

"Kumusta na kaya ang baby ko sa bahay?" Bulong ko sa sarili.

Buti nalang andyan ang baby ko kaya hindi kona nararamdamang mag isa ako. Mahirap man pero kinakaya at kakayanin.

Okay naman ang unang araw ko sa trabaho, medyo marami ang bumibili dahil sikat ito pero mayron namang ibang staff.

Yung isa pa ngang kagaya kong staff ay ang sungit sungit sakin akala mo naman kanang kamay siya ng may ari kung maka asta.

Siguro naman sa una lang siya ganyan no? Sana naman sa una lang.

Sinabi sakin ng masungit na gaya kong staff ay pinapauwi na ako ng owner nitong "Coffee for you, Victory for me" sinabi daw na saglit lang daw ako dahil baguhan palang naman.

Wow naman, mabait siguro ang owner nito.

Sa totoo lang ay hindi ko pa nakakausap o nakikita ang amo ko, yung tumanggap sakin ay si Jared yung kaibigan ng amo ko. familiar pa nga sakin ang boses ni Jared hindi ko lang alam kung saan ko ito narinig o baka may kilala lang akong kaboses niya.

Tinanong niya daw muna sa owner nito kung pasado ako ang sabi daw ay pasado.

"pasadong pasado, like Victory!" Masigla pa ang pagkakasabi niya mula sa cellphone. Sa cellphone lang kami nag usap dahil sa online ako nag apply. Suwerte dahil natanggap agad!

I only felt from you, What I wasn't looking for (Love Series #1)Where stories live. Discover now