Chapter 10

95 73 6
                                    


                                ✧˚ ༘ ⋆。˚

Pakiramdam ko naliligo na ako sa pawis.

Pumasok ako ng bahay. "pa andito na po ako, asaan po si mama?"  Nakita ko si papa na nakayuko sa mesa.

Kakauwi ko lang galing school hindi nga ako sinundo ni papa ngayon e kaya umuwi nalang ako mag isa.

Nilapitan ko si papa "pa naman bakit ka natulog dito? Asaan po si mama?" Tinapik ko siya sa balikat.

Nagulat ako dahil bigla siyang humikbi at ang hikbi niya ay palakas nang palakas.

Tumayo si papa at niyakap ako.

Bakit umiiyak ang papa ko?

Imbis na mag tanong ay niyakap ko siya pabalik.

Kumawala siya sa pagkakayakap at humarap sa akin. "Mahal na mahal kita anak, lagi mong tatandaan yan" nakita ko ang pamamaga ng mata ni papa.

Kanina pa ba siya umiiyak?

Kaninang umaga mag isa akong kumilos at nag handa para sa pagpasok ko sa school, ako ang nag luto at isinabay kona rin ang pagkain ni papa at mama para pag gising nila ay kakain nalang sila.

Hindi ko sinilip si mama at papa sa pagkakatulog nila dahil baka pagod.

Bakit ngayong pag uwi ko ay umiiyak si papa? Asaan si mama?

"Bakit ka po umiiyak? May nangyari po ba?" Nagtatakang tanong ko.

Niyakap niya lang ulit ako at umiyak nang umiyak.

Hindi ko alam ang pinag dadaanan ni papa pero ang pakiramdam ko ay nadudurog din ako pa unti-unti.

Buong buhay ko ngayon kolang si papa nakitang umiyak, siya kasi ang laging nagpapasaya samin ni mama lagi siyang nagbibiro at si mama naman ay laging napipikon.

Ang dami kong gusto itanong kay papa pero ang ginawa ko lang ay ang yakapin siya ng mahigpit.

"A-azzelea m-mahal na mahal ka ni p-papa" nahihirapan niyang sabi dahil patuloy parin siya sa pag iyak.

Hindi ko alam kung bakit binabanggit ito sakin ni papa pero bawat pag bigkas ng salitang binitawan niya ay mayroon sa puso ko na nadudurog.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal ni papa na nakatayo at magkayakap dahil hindi parin siya tumitigil sa pag iyak.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko naman alam ang nangyayari, ewan ko ba kung bakit gusto tumulo ng luha ko kahit hindi naman talaga ako iyakin.

Siguro ay dahil nakikita kong umiiyak si papa kaya nasasaktan ako.

Maya maya kumalas na si papa sa pagkakayakap namin. Tumingin siya sa sahig at nandon ang papel.

Wala siyang sinabi na kunin ko pero may kung ano na nag palapit sa akin sa papel.

Nilapitan ko ito at tinignan, kakaunti lang ang sulat dito.

Binasa ko ito... napako ako sa aking kinatatayuan ng mabasa ang naka sulat dito.

Huwag niyo na akong hanapin at hindi na ako babalik.

                                       : Andrea Victoria.

Sulat ni mama. Para saan ito? Huwag na hanapin? Bakit saan siya pupunta? Hindi na babalik? Paano ako at si papa? Hindi niya ba kami isasama?

Humarap ako kay papa "saan po pupunta si mama? At para saan po itong sulat?" Nagtatakang tanong ko.

Nagulat ako sa biglang pag lapit sakin ni papa at umiyak ulit.

I only felt from you, What I wasn't looking for (Love Series #1)Where stories live. Discover now