Chapter 13

124 69 21
                                    


                                ‧₊˚❀༉‧₊˚.

"Ang ganda" namamangha kong sabi pagka pasok ng room.

Tumingin ako kay Andrei. "Right, maganda" while he was staring at me, there was a sparkle in his eyes.

Nandito kami ngayon ni Andrei sa room namin.

Ang shala naman dito dahil welcome na welcome kami, sumama pa nga samin ang dalawang babae papuntang room yung nag bigay samin ng bulaklak kanina, kahit alam naman talaga namin kung nasaan ito.

Syempre as visitor obligasyon nila kami. Wow as visitor.

Ang shala pa dahil yung panyo sa ibabaw ng kama ay pa heart ang shape.

Ang bango rin ng room ang sarap sa ilong, hindi siya masakit sa ilong.

"San tayo unang pupunta?" I asked and put my bag on the table.

Umupo ako sa kama at ginala ang tingin sa buong kwarto, siguro kung ganito ang kwarto ko ay hindi na ako lalabas buong mag hapon.

White and brown lang ang makikita mo sa room, classy room. Rooms at Hidden Valley still reflect how Filipinos used to live in the old days.

Magkano kaya ang ibinayad dito ni Andrei? Sabi niya kasi siya na ang nag bayad at nag book thru-online.

Pinipilit kong tanungin kung magkano dahil ibabalik ko ang binayad niya dahil ako naman talaga dapat ang taya ngayon.

Kaso kahit anong pilit ko ayaw talaga. Sabi niya baka raw kasi hindi na kami magkita after sembreak, napaka arte naman nitong lalakeng 'to! Eh mag kaklase naman kami!

"Let's eat first?" Nawala ang iniisip ko ng magsalita siya. Umupo siya sa tabi ko pero may pagitan na space sa'ming dalawa.

Tumango ako sakaniya. Ang sarap naman mag munimuni dito napaka relaxing. Dito palang ang relaxing na ng air paano pa kaya kapag sa ibang place.

Nag palit muna si Andrei ng suot niya bago kami lumabas. Naka coconut tree shirt at black short siya. May pa shades pa siya! Wow naman bigatin ang atake ng kuya mo, hindi niyo kinaya.

Ang daya naman, siya lang may pang palit!

Pumunta na agad kami sa Dinning Hall or ang Buffet Area. Wala dapat kaming sayangin na oras dito dahil hindi naman kami dito mag papalipas ng gabi.

Maging sa buffet area napaka ganda!

"Ako na ang pipila, ano ba ang gusto mong pagkain?" Tanong niya pagka pasok namin ng entrance ng Buffet Area.

Uhm... yung ano po gentleman, family oriented, maalam sa acads, matangkad, ma-muscles, may pake sakin, ita-trato ako ng tama, may pangarap, okay sakin kahit ano ang kulay ng balat, may respeto, pogi-

Hahahaha char, malandutay!

"Sama ako" ngumiti ako ng tipid. Syempre para makapili ako ng maayos. I mean mas alam ko kasi ang gusto ko.

Lumakad na kami, medyo matao ngayon dahil siguro ay december na, mas dadami siguro 'to mamaya dahil mashado pang maaga ngayon.

May mga naka hilerang pagkain kaya kami na ang pipili kung ano ang gusto namin. Syempre buffet nga diba? Malawak din ang Buffet Area. Ang ganda ng mga design.

WI-FI and Mobile phone service aren't the strong points of Hidden Valley, nor should it be. It's a paradise tucked in between two mountains, and is a place for you to relax and get away from all problems, work, study, etc.

Buti nalang dinala ako dito ni Andrei, may mapupuntahan na ako kapag gusto kong mapag isa.

Kumuha si Andrei ng pansit, tortang talong, gulay, puto, at kanin.

I only felt from you, What I wasn't looking for (Love Series #1)Where stories live. Discover now