Chapter 6

107 77 12
                                    


                              𐙚˙✧˖° ༘ ⋆。

I heard a noise from outside my room, I looked at the clock and saw that it was 10 am in the morning.

Mukhang napa sarap ang tulog ko ah, ganito ba talaga kapag nakatanggap ng goodnight mula sakanya.

I got up from lying down to see what that noise was.

When I left the room, I saw my friends fighting and my dorm looked like it had been through twenty typhoons and ten earthquakes.

I wish we didn't give a key to each of our dorms.

Nagkatititigan kami ni Axeilo mula sa kitchen, nagluluto siya "goodmorning madam" bati niya sakin.

Nagsi-tinginan sakin ang iba kong kaibigan.

Nakita ko ang dilim sa mukha ni Kc "hoy gaga anong oras ka umuwi kagabi ha!" Pagbubunganga niya sakin at ako naman ay pumasok ulit sa loob ng kwarto at ini-lock ang pinto.

Kumakatok siya ng malakas "buksan mo to Azzelea! May utang ka pa saming chika" sigaw ni Kc.

Patay andito ang si Axeilo at Nivier, naunahan ba nila akong mag kwento sa dalawang yun? Hindi ko pa na kwe-kwento dahil wala naman sila lagi! Kasalanan nila 'yan.

Maya-maya ay nawala na ang katok sa pinto nawala na rin ang ingay sa labas.

At biglang may mahinang kumatok "Azzelea labas na diyan kakain na" mahinhin na sabi ni Nivier.

Yes! Hindi galit at malamig ang boses  niya hindi siya galit! Uunahan konang mag kwento ang tatlong bruha.

Siguro kaya nawala ang malakas na katok ni Kc at sigaw niya dahil pinagalitan siya ni Nivier o kaya Axeilo.

Sa aming anim kasi ay ang dalawang lalake ang pinaka matanda sammin kaya wala kaming kawala sa dalawa. Kung baga ay sila na ang tumatayo bilang kuya namin sa circle of friends.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong naka upo na sila sa mesa.

Wow ang hi-hinhin ng mga bruha ah mukhang napagalitan nga, buti nalang ako ang pangalawang bunso dito at malakas ang kapit ko! Nyee.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang dahan dahang umupo sa tabi ni Kc dahil sigurado akong pinagalitan sila.

"Complete na, pwede na kumain?" Naiinip na tanong ni Kei.

"Let's pray muna" malapit na sa bunganga ni Kc at Kei ang pagkain ng magsalita si Rhiv.

Hindi ko napigilang matawa "Azzelea" tawag sakin ni Nivier nakatitig na pala ng masama sila ni Axeilo sakin at ang tatlo ay nagdadasal na.

Ang babait ng tatlo pag andito yung dalawa naming kuya, ang pa-plastic!

Religious na tao si kuya Nivier siya ang nagturo sami ng ganyan dapat daw kahit gaano ka kalakas man trip dapat marunong kang magdasal at hindi dapat maingay kapag kuma-kain dahil nakakabastos daw ito pwede namang mag-usap pero hindi yung may pagkain ka sa bunganga ay ang lakas ng boses mo. Tsaka nalang daw mag chismisan kapag tapos na kumain.

Ako na ang nag hugas ng pinggan para makaiwas na rin sa tatlo, alam kong pipigain at pipigain ako nyang tatlo.

May inilapag na baso si Axeilo sa gilid ko "kumusta?" Bigla niyang tanong.

Nginitian ko siya "okay lang, ikaw ba? Naka move on naba?"

Umiling lang siya sakin at umalis na.

Ang lakas ng karisma ni Rhiv ilang years na ang nakakalipas siya parin ang nilalaman ng puso ni kuya Xei.

I only felt from you, What I wasn't looking for (Love Series #1)Where stories live. Discover now