Chapter 2

65 38 7
                                    

GENEVIEVE ASHBOURNE'S POV


Pagkagising ko ay tunog ng machine agad ang narinig ko. Nang maka-adjust ako sa paligid ay alam kong isa na akong pasyente dito sa hospital. Ang tahimik ng paligid, wala man lang nurse na nagbabantay or any relative o kilala ko ang nandito. May kanyang buhay naman si Aurora dahil busy iyon sa trabaho niya. Anyway, I'm an orphan kaya wala akong parents or distant relatives man lang. Nagawa ko lang buhayin ang sarili ko dahil kay mother Visca na nag-alaga sa akin nung bata ako sa bahay ampunan hanggang sa napagdesisyunan kong umalis doon para buhayin ang sarili ko.

Ang lamig ng paligid at sobrang tahimik. I feel empty and loss. Inabot ko ang tubig na nasa side table para uminom dahil feeling ko ilang araw akong nakahilata rito kaya sobra akong nauhaw. I remember what happened in the accident, ang taas ng bangin na pinagbasakan ko. Buti buhay pa ako. Natawa na lang ako sa naisip ko. Pagkababa ko ng baso ay siyang pagpasok ng nurse.

"doc, gising ka na pala." casual na saad ng nurse.

"ilang araw akong na admit dito?" tanong ko.

"tatlong araw kang nahospital sa public hospital doon sa pinuntahan mo. Kulang sa mga kagamitan ang hospital kaya mabuti at nalaman nila agad ang identity mo na isa kang doctor na nagt-trabaho dito kaya kinontak agad nila ang director ng hospital para ipaalam ang nangyari sayo. Agad naman kumilos ang director para itransfer ka rito. Pang tatlong araw mo na rin dito." paliwanag niya.

The director of this hospital have his favor on me. Dahil laging ako ang nagdadala ng pangalan ng hospital niya.

"doc, ang strange lang kasi aside sa injury niyo sa ulo na agad naman naagapan agad nung natransfer ka rito, bigla na lang naging flat line ang EGC monitor. Even Doc. Crester who's incharge of you ay nataranta rin. Ilang ulit niyang chineck ang heartbeat niyo in different ways kasi ayaw niyang maniwala sa monitor baka nagkaproblema lang. Alam mo ba doc..."

Lumapit siya sa akin para maituloy niya ang sasabihin niya sa mahinang boses na parang nakikichismis lang. Na intriga naman ako kaya kinuha ko ang isang apple sa side table at kumagat.

"ituloy mo.." pang e-encourage ko sa kanya.

"nung nalaman ni Doc. Manuel ang nangyari na nagstop na ang heartbeat niyo, pumasok siya agad at chineck din kung totoo ba. Tapos nung naprove niya hindi na kayo humihinga, siya na mismo ang nagdeclare ng time of death niyo. Parang gusto pa niya ang nangyayari. Pero nagalit si Doc. Crester! Sinugod niya si Doc. Manuel at sinuntok sa panga! Kung nakita mo lang ang nangyari, halos maihiwalay na ang pang ibabang panga ng matandang doctor na yun sa ginawa ni Doc. Crester." Kwento niya na may halong action pa at exaggerated.

Nabulunan ako sa huling sinabi kaya inabutan ako ng tubig at nagpatuloy sa kwento niya.

"tapos nung medyo nahismasmasan si Doc. Crester ay bumalik siya sayo. Tantiya ko mga 15 minutes ka nang hindi humihinga pero ayaw parin mag give up ni Doc. na iligtas ka. Tanging nagbibigay sa kanya ng pag-asa ay mainit pa ang buong katawan mo. Kaya nung bumalik siya ay walang pagdadalawang isip na hinalikan ka sa labi para bigyan ka ng hangin!" halos may halong action pa ang ginawa niya gamit ang dalan daliri niya sa magkabilang kamay.

Nabuga ko ang iniinom ko dahil don.

"doc! Ayos ka lang?" tumango-tango ako at tinuro ang pintuan para palabasin siya. Lumabas siya habang ako ay minamasahe ang dibdib ko habang nauubo parin.

Ilang beses ko lang makita at makasalubong ang Doctor na yun dito dahil siguro hindi kami pareho ng shift. Pero hindi nakakaligtas minsan sa tenga ko ang mga usapan at admiration sa kanya ng mga nurse at maging mga dalagang pasyente rito dahil katulad ko, achiever din siya. Wala nga kaming interaction don eh.

The Queen's Revival And TribulationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon