Chapter 3

63 37 7
                                    

GENEVIEVE ASHBOURNE'S POV

Habang kumakain ako ng baon ko dito sa office ay may kumatok sa pintuan bago sumilip ang isang staff.

"ito po ba yung office ni Doctor Genevieve Ashbourne?" tanong niya.

Nilunok ko muna ang huling subo ko at uminom ng tubig saka tumayo. Nakalimutan ko nga palang lagyan sa labas ng sign at pangalan ko dahil tinanggal ko yung dati.

"ito nga. Bakit?"

"nasaan po siya?" tanong niya.

Napa-ubo ako sa tanong niya. Ba't parang maraming bago ngayon. New face din kasi ito. Malaki ang Hospital pero sa ilang taon na pagt-trabaho rito ay familiar na ako sa lahat ng mga mukha, even sa mga part-timer at mga maintenance worker. Pangalan lang nila ang hindi ko alam.

She maybe not recognize me as a doctor or even nurse here dahil sa suot kong pambahay lang.

"ah! My name is Genevieve Ashbourne." pagpapakilala ko sa sarili ko.

Nanlaki ang mata niya at medyo nagblush.

"ayy! ikaw po pala doc. hehe." binigyan ko siya ng isang genuine na ngiti para mabawasan ang kaba niya.

"anyway, ba't mo pala ako hinahanap?" tanong ko sa kanya.

"pinapatawag ka po ng director sa office niya." saad niya.

Nagtaka man kung bakit tsaka dati naman ay kung may importante siyang sasabihin ay ini-email niya na lang yun ng diretso sa akin.

Pinalabas ko muna siya saglit para mag ayos. Halos tinatlong subo ko ang nasa lunch box na pagkain at nabubulunan na uminom ng tubig. Gutom ako eh. Pagkatapos ay naghugas ng kamay at naglagay ng sanitizer alchol. Saka basta nalang sinuot ang lab gown at binalot sa buo kong katawan para di makita ang pambahay na suot ko. Nagmadali kasi ako kaninang umaga kaya wala rin akong nakuhag extrang damit. Nag-ayos ng buhok and tsaran! Hindi na ako mukhang pasyente. Nagmukhang doctor ulit.

Pagkalabas ko ay sumilip pa sa likod ko ang babae na parang may hinihintay siyang lumabas don.

"let's go." saad ko kaya napatulala siya sa akin. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Humabol naman siya sakin nung mahimasmasan siya.

"i'm Elora Isadora pala. Bagong secretary ng director." pagpapakilala niya. Siya na ang pumindot sa 18th floor ng Hospital.

Nang malapit na kami sa office ng director ay nakarinig kami ng kalabog sa loob. Parang pagalit na pinalo ang table kaya napahinto kami.

"galit na galit ang director sa isang doctor na katulad ko ay bago rin. Kaya inutusan niya akong tagawin ka." paliwang ni secretary Elora.

I think it's the doctor we encountered in the operating room.

Huminga ako ng malalim.

"look what you did! It is circulating in all social media platform that our hospital is malevolent! Ano pa? Is it negatively evaluated because of your malpractice! Negligence, unsafe, notorious...ano pa yung iba? Ha!? you--!" pagalit na sigaw ng director.

Walang katok-katok na pumasok ako kaya napatigil siya. Sumunod sa akin si Sec. Elora at inalalayan ang director na maupo at inabutan ng tubig dahil halos hindi na makahinga. Napatingin ako don sa doctor na walang reaksyon at nakayuko lang habang tinatanggap lahat ng sigaw ni director Ren. He own this hospital and run it for almost 4 decades. He's still in his 18's noong napasa sa kanya ang responsibilidad dahil sa maagang pagpanaw ng parents niya. He is too young to run a large hospital. But he managed it carefully with a good reputation. And now, he almost in his retirement age kaso yung dalawang mga anak niya, walang interest na tulungan siya. And wala rin interest na manahin ang Hospital. One of his child na babae ay nasa isang modeling industry, habang ang lalaking anak niya ay nasa business industry.

The Queen's Revival And TribulationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon