Chapter 20

23 14 5
                                    


"your majesty, permission to leave first."

Nagtatanong na lumingon sa akin ang Hari.

"ah eh..kasii.." hindi ko alam kung anong pwedeng kong isagot.

Pati si Lucius nakasilip na sa akin, habang si Selene ay inirapan lang ako.

"ahmm...tinatawag ako ng kalikasan!" mabilis na sagot ko at pumikit para hindi makita ang reaction nila.

Pagmulat ko ay tulalang nakatingi sa akin ang Hari. Dahan-dahan siyang tumango.

"then I'll give you two soldier to accompany you." Saad ni Lucius.

Napangiwi ako.

"Lucius, mag c-cr ako tapos ipapasama mo sa akin ang dalawang kawal?" nakangiwing saad ko.

Napanganga siya.

"oh." Tanging sagot niya kaya bumaba ako sa kabayo.

Kinuha ng isang kawal yung tali saka ako sa nakisiksik sa mga tao.

Lumingon ulit ako sa kanila at nakitang nagpatuloy sila kaya sinundan ko ang direction kung saan tumakbo kanina ang lalaki.

Kung saan saang eskinita na ako napadpad. Pero sa huli ay naabutan ko ang akto kung saan apat na naglalakihang katawan ng mg alalaki habang binubugbog ang lalaking nakita ko kaninang tumatakbo. Ilang tadyak at sipa ang ginawa nila.

"sa akin mo pa talaga nagawang magnakaw ha!" sigaw ng isa.

Walang siyang nagawa kundi tanggapin ang lahat ng mga sipa ng apat na mga lalaki.

I aimed the arrow in front of them pero wala akong tinamaan. Sapat na yun para mapaatras sila sa impact ng arrow. It's my energy that's why it will dispersed once it hit an object.

Napacover sila sa mata nila at napaatras.

"O-orion?" sambit ko nang makumpirma ang hinala ko.

Siya nga!

Patakbo akong lumapit sa kanya. nang makita ako ay para siyang nakakita ng pag-asa.

How did he become like this? He's great in fighting and he can save himself from these people. but what happened? Pumayat siya at butas butas na ang mga damit niya. nagagalit na lumingon ako sa mga apat na lalaki pero kumaripas na sila ng takbo.

Muli akong humarap kay Orion na mahigpit na hawak-hawak ang isang tinapay.

Hindi ko mapigilang maawa sa kalagayan niya. Anong nangyari? Bakit humantong siya sa ganito?

He looks like a beggar.

Tumalikod ako saglit para magpunas ng luha at kalmahin ang sarili. Pagkalingon ko sa kanya ay halos sugurin niya ako sa mga mahigpit na hawak niya sa mga braso ko.

"O-opheria. T-tulungan mo si Opheria! Si Opheria!" desperadong sambit niya.

Sumama ako sa kanya sa isang sira-sirang kubo. Medyo malayo ito sa mga tao at sa gitna ng kakahuyan. mukhang dito tumutuloy minsan ang mga mangangaso kapag nagagabihan at saktong ito ang nahanap nila na pwede nilang tuluyan.

"A-ano bang nangyari?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

Pagpasok namin sa butas-butas na kubo ay bumungad sa akin ang nakahigang Opheria.

Mabilis na hakbang ang ginawa ko.

Hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit medyo malamig ito.

Napailing iling ako at nagsilabasan ang mga luha. Gusto kong patunayan sa sarili ko na sana dahil lang iyon sa lamig ng panahon pero hindi ko maloloko ang sarili ko. she's dying.

The Queen's Revival And TribulationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon