Chapter 10

43 29 6
                                    


"ano pang ginagawa niyong dalawa diyan!? Magpalit na kayo!" sigaw ni Malecia.

Abala din ang lahat sa pagpapalit. Lumabas muna saglit si Malecia ng kwarto.

Hinila naman ako ni Mariff sa isang sulok.

"isang oras na lang ay lalabas na kami para sa seremonya. Kunin mo 'to, kakailanganin mo ito pagkalabas mo dito sa Pirouette Hall."

"paano ako makakalabas? Mahigpit ang mga bantay." Nagbubulungan kami dito sa sulok.

"bago ako nagdesisyon na sumali dito ay binigyan muna ako ni Nanay ng mga paalala kung paano makalabas dito kung kakailanganin. Dati rin siyang mananayaw dito sa palasyo kaya kabisado niya itong Pirouette Hall. At base sa mga description niya ay tama siya at hindi pa pinapalitan ang mga istilo. Halika."

Hinila niya at may mga pinasukan kaming masisikip na passage, medyo madilim pa. May hawak si Mariff na drawing, parang isang map na sinusundan niya.

"iginuhit ito ni nanay at kabisado niya lahat ng pasikot-sikot dito, kaya huwag kang mag-alala sa akin. Kaya kong tumakas kapag may masamang mangyari."

Nakalabas kami sa passage na dinaanan namin. Pagkalabas namin ay isang grupo ng mga kawal ang nagroronda kaya mabilis aming nagtago sa isang poste.

Hinarap niya ako.

"ito na lang ang kaya kong maitulong sayo. Alam kong mabuti kang tao kaya hindi ko hahayang makulong ka sa ganoong lugar. Kunin mo ito. Magagamit mo ito kapag."

Binigay niya sa akin ang tinatago niyang isang dagger.

Umiling-iling ako. "sapat na sa akin itong mapa ng Palasyo na binigay mo. Mas kakailanganin mo iyan para sa ikakaligtas mo."

Nakipagpilitan pa siya sa akin ngunit hindi ko iyon tinanggap. Nagmadali rin siyang bumalik dahil magpapalit pa siya.

Nang makaalis siya ay napabuntong hininga ako.

Mukhang wala nang makakatulong sa akin ngayon sa situation ko.

And all I can rely now is myself. I closed my eyes and clear my mind. I used the power of astral projection to travel my consciousness using my astral form. I succeeded.

Nakita ko kung saan nakapwesto ang mga kawal at kung saan walang tao na pwede kong puntahan. Sa tapat mismo ng main palace ay nakita ko ang mga tao na nandon para subaybayan ang seremonya ng Hari. Nang sinubukan kong mas lumapit ay hindi ko na nagawa dahil hinila ako ng sarili kong pwersa sa aking physical form. Oh! I remember na may distance limit pala.

Pero ayos na yun. At least alam ko kung saan lugar na safe ako pupunta.

Malapit na ako sa main palace, rinig ko na rin ang mga ingay at kasiyahan ng mga tao. Habang nagtatago sa mga poste, I saw the king went inside a hall or a fortress. i just guess that he is the king base on his posture. I only saw his back. His broad shoulders were squared, conveying strenght and authority. He walk as he heald his high, adorned with a gleaming crown, symbolizing his sovereignty. His every movement exuded grace and poise, as if he effortlessly held the weight of his realm upon his shoulders.

Napapanganga ako.

He's wearing a majestic cloak. It is predominantly black, its dark hue embodying the depth of his power and authority. The edges of the cloak were adorned with intricate golden embroidery, adding a touch of opulence and regality. Beneath the cloak is a tailored tunic deep crimson red, a striking contrast against the darkness of his cloak. The tunic was adorned with intricate black trimmings, symbolizing the balance between power and passion that defined his reign.

The Queen's Revival And TribulationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon