Chapter 6

52 27 6
                                    



Genevieve Ashbourne's Pov

Naramdaman kong may bumubuhat sa akin at dahan-dahan akong inihiga sa isang magaspang na higaan. Mabigat parin ang buong pakiramdam ko maging ang mga talukap ng aking mga mata kaya hindi ko iyon mabuksan para makita kung sino ang ang bumubuhat sa akin.

Nasaan ako? Gusto kong tanungin pero hindi kaya ng katawan ko. Sinubukan kong alalahanin kung sino ako pero maging ang aking pangalan ay hindi ko alam.

Naramdaman kong may nilagay siya sa palad ko. Isang malamig at manipis na matigas na bagay. Parang may nakaukit doon pero hindi ko masyadong maramdam.

"You'll carry your own name in every tribulation you have. That's the least identity you must have to continue. I hope this time, you can change your fate. You must control your own destiny in this life. There is no longer Queen Gnevieve Ashbourne. You're are a nobody, a slave in a common family." Rinig kong saad niya hanggang sa unti-unti akong hinila ng antok.

I woke up in a shabby house. Ang hinihigaan ko ay mga tuyong cogon grass kaya medyo makati ang buong katawan ko. Pagtingin ko sa sirang bintana ay napagtantong tanghali na. Ang suot kong damit ay parang ilang taon nang hindi napapalitan sa sobrang luma.

"Genevieve! Hindi ka pa talaga gigising diyaaan!" kalampag ng isang babae sa labas na halos magiba na ang malapit ng masira na pinto.

Napahawak ako sa aking ulo. Wala akong maalala.

Napansin kong may nahulog mula sa aking kamay. Pinulot ko iyon. Kulay ginto. Parang name plate at nakasulat dito ang pangalan na tawag sa akin ng sumisigaw sa labas.

"Genevieve Ashbourne? Ito ba ang pangalan ko? It looks like a name of a noble person. Parang hindi bagay sa katulad ko."

Gulat na napatingin ako sa may bandang pinto nang pabalibag na nabuksan ng babae ang pintuan. Isang matabang babae na may hawak na fried chicken sa kanang kamay. Kinagatan niya yun ng malaki at sabay tapon sa akin ng buto pagkaubos. Sa kabilang kamay niya ay may hawak siyang walis at inabot sa akin.

"Oh!"

Nagtaka naman ako.

"A-anong gagawin ko?" tanong ko.

"Aba't nagtatanong ka pa!? siyempre magwalis ka na! Hindi libre ang pagkain mo dito! Labas! Huwag kang magmala-prinsesa diyan! Hindi bagay sayo!"

Kinalakadkad niya ako palabas at halos sumubsob ako sa lupa ng patulak niya akong binitawan.

"Pagkatapos mong magwalis samahan mo si Nina na bumili ng mga pagkain sa palengke para sa handaan mamayang gabi." sabi niya saka umalis.

Tumayo ako at pinulot ang walis. Ang daming mga tuyong dahon na nalalaglag.

Ang ganda ng tanawin. Napapaligiran kami ng mga puno at sa tabi ng tinulugan kong lumang kubo ay isang concrete na bahay pero hindi naman ganon kaganda. Sakto lang. Doon siguro sila natutulog. Winalisan ko lahat ng mga pwedeng walisan. Nang natapos ay nakaramdam ako ng uhaw kaya sumilong una ako sa may puno. Dito ay may kahoy na table. Mabuti na lang may tubig na nakalagay sa pitchel.

"Tara na?"

Napalingon ako sa likod ko pagkatapos kong uminom.

Siya siguro si Nina. Nakasuot siya ng straw hat at may hawak na dalawang basket. Binigay niya sa akin yung isa.

Hinila niya na ako. Medyo malayo pa at magubat ang nilakad namin. Pagkarating namin sa palengke ay bumungad sa akin ang sobrang busy at maingay na mga nagtitinda at ilang mga nandito rin para bumili. Napansin ko ang kanina pang malaking ngiti at saya sa mukha ni Nina.

The Queen's Revival And TribulationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon