Chapter 9

27 3 1
                                    

"Bakit ka nagpakilala?" tanong pa ni Aoki na tila naiinis kung bakit nagpakilala si Tyrese kay Patrick.

Mabilis ang paglalakad ni Tyrese kaya naman panay ang habol ni Aoki sa dalaga. Ayaw sagutin ni Tyrese ang tanong ng binata dahil sa bukod sa hindi niya maunawaan bakit naiinis ito ay dahil gusto niya na rin makapunta sa volleyball court dahil sigurado siyang magdedecide kung sino ang unang isasalang na maglaro.

"Ty-ty. Huy!" pangungulit pa rin ni Aoki.

Tumigil naman bigla si Tyrese dahil naririndi na siya sa pangungulit ni Aoki. Hinarap niya ang lalaki na ngayon ay napaatras dahil sa tinapon niyang tingin. Sa loob-loob ni Aoki ay kahit sino mapapaatras kung ganon ang tingin na makikita niya. Naningkit ang mata ni Tyrese.

"Manahimik ka ha. Tsaka ano ba pinuputok ng butse mo na nagcongratulate lang naman yung tao at nagpakilala. Anong masama doon? Wala diba?" mataman na nakatingin si Tyrese kay Aoki

"Meron!" medyo may kalakasan na sagot ni Aoki

Nagitla naman si Tyrese sa agaran nitong pagsagot. Hindi niya talaga maunawaan kung bakit galit ito sa kanya. Sinipat niya ang kanyang relo sa kanyang braso. Humalukipkip siya pagkatapos.

"Tutal late na lang naman din tayo, sige sabihin mo sa akin saan doon ang mali? Ipaunawa mo sa akin Aoki ha? Bilis!" utos ni Tyrese para matahimik na ito

"O bakit ka natahimik diyan? Kasi walang mali noh?' nakataas na kilay na sabi ni Tyrese.

Napapatingin pa nga ang ibang mga estudyante sa kanila kapag may dumadaan. Ibinababa niya ang kanyang mga braso at kinuha ang kamay ni Aoki sabay hila papunta sa volleyball court kung saan nandodoon ang kanilang mga ka teammates.

"I know what you mean Ki, but believe me wala akong balak e entertain ang lalaking iyon" sabi ni Tyrese na hindi tinitingnan ang binata

Hindi mawari ni Aoki ang mararamdaman sa narinig. Tila ba lumuwag ang kanyang loob sa mga katagang binitawan ng dalaga. Nagpatangay na lamang siya sa pagkakahila nito sa kanya hanggang makarating sila ng court.

"Saan kayo galing captain" tanong agad ni Luke ng makitang magkasama sila

"Diyan lang sa tabi. May pinakalma lang akong parrot dahil maingay" sagot pa ni Tyrese na hindi man lang tumingin

Nagtataka naman si Luke sa narinig pero kibit balikat na lamang siya at muling ibinalik ang tingin sa nagiinstruct sa unahan.

"Okay everyone, All the Team Captain come here infront we will draw on what number kayo isasalang. Inside this box bubunot kayo dito so please come forward captains" sabi ng announcer na nasa harap habang taas-taas nito ang box

Isa-isang pumunta sa harapan ang mga captains kasali na doon si Aoki at Tyrese pati na rin si...

"Uy! Destiny yata tayo Miss Aguelo" saad nito na nagwave ng kamay

"Patrick" naibulong ni Tyrese

May umakbay naman bigla kay Tyrese. Paglingon niya si Aoki pala ito. Nakatingin ito kay Patrick na nakangisi.

"Yo! I guess tama ka nga. Destiny talaga tayo" naging seryoso bigla ang mukha ni Aoki "Destiny na talunin namin kayo" dugtong ng binata at ibinalik ang ngisi sa mukha

Patrick just smirk.

Maya-maya pa ay may babaeng inilingkis ang kamay nito sa braso ni Patrick

"Kanina pa kita hinahanap nandidito ka lang pala" medyo may kaartehan na sabi ng babae kay Patrick

Aalisin sana ni Patrick ang kamay niya ng mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa braso niya kaya naman ay pinabayaan niya na lamang. Napadako na lamang ang tingin niya kay Aoki at Tyrese na ngayon ay nakatingin lang sa kanila.

Napatingin naman kila Aoki at Tyrese ang babaeng nakalingkis sa braso ni Patrick. Umismid naman ito. Nakita iyon ni Tyrese. Pero wala siyang pake as long as wala itong ginagawang masama ay wala siyang pake

Pansin niya ang suot nitong jersey and the girl is from Northwest Academy too. To be exact ay ito ay from volleyball team

"I think kasali yang babae sa volleyball team" bulong ni Aoki kay Tyrese

Tumango-tango naman ang dalaga at palihim na inalis ang pagkaka-akbay ng binata sa kanya. Nagsalita naman ang announcer

"Open your paper and tingnan ang numerong nabunot niyo" sabi pa nito

Isa-isang binuksan ng mga captain ang papel na hawak nila. Number 1 ang nabunot ni Tyrese samantalang si Aoki naman ay number 4.

"Okay sino ang nakabunot ng 1 and 2? For Volleyball Girls?" tanong pa ng Emcee

Itinaas ni Tyrese ang kanyang kamay kasunod non ay ang babaeng kaninang nakaharap nila. Ito pala ang nakabunot ng number 2.

"Okay we have Southville High versus Northwest Academy sa first round!" announce pa ng emcee

Napuno ng tunog ng mga tambol at mga hiyawan ng mga manlalaro ang parteng iyon.

"So, ikaw pala ang makakaharap namin, Tyrese Angelo Aguelo" mataray na sabi nito

"You know me?" nagtatakang tanong ng dalaga

"Hindi mo na ako naaalala?" mataray pa rin ang pagkakatanong ng dalaga

"Hindi, itatanong ko ba kung kilala kita?" mabilis na sagot ni Tyrese

Namula naman ang mukha ng dalaga magiging katunggali ni Tyrese sa unang round ng laro. Hindi matanggap nito na binabara lamang siya ni Tyrese

"I'm Clarissa Gin Monteclaros of Immaculate Academy, the one you defeat 2 years ago" sagot pa rin nito

Napaisip naman si Tyrese alam niya na natalo nila ang Immaculate Academy pero hindi niya maalala ang mukha ng babae. Nag-isip siyang mabuti pero wala talaga. Napatingin siya muli sa mukha ng babae

"Ahm sorry ha pero hindi kita maalala don" nahihiya niyang sabi

"Nevermind, Anyways I am here to defeat you" confident na sabi ng babae

But Tyrese just smirk. Pagdating sa larong volleyball hindi siya nagpapatalo. Iba ang Tyrese kapag tumapak na ito sa loob ng korte para maglaro.

"Wag kang papakasiguro my dear. Bilog ang bola" sabi niya pa at binigyan ng matamis na ngiti ang babae

"Okay everyone tumabi na kayo"

Nagsitabihan na ang lahat ng team naghanap ng mapagpupwestuhan.

"Team of Southville and Northwest come forward let's have toss coin kung sino ang mauunang mag warm-up and later let's have another toss coin kung sino ang unang magserve at magreceive. Head for the Southville and Tail for Northwest" sabi ng babaeng Referee sabay na pinitik ang isang barya. Gumulong ito at tumihaya ang tail.

"Northwest mauuna kayong gumamit ng court you have 10 minutes for serving, spiking and more. Kayo ang susunod after 10 minutes. After the 20 minutes magsisimula na ang game natin" sabi ng referee

Tumabi naman si Tyrese at ang kanyang team. Sa isang tabi ay ginawa nila ang kanilang body warm-up. They stretch their hands, feet, and do a jumping jacks to warm-up their bodies after the 10 minutes sila naman ang pumalit sa court. They do spike, serve, jump-serve and showcase some of their skills in the game.

After the 20 minutes pinapwesto na sila sa korte nila. Like the usual the first six ni Tyrese ay ang kanyang original team. Nag-toss coin sila ulit and this time head ang lumabas

"We receive first" sabi ni Tyrese

"Then we serve first" sabi pa ni Clarissa

Nagkamayan silang dalawa

"Let's have a nice game" sabi pa ni Tyrese

Nginisihan lang siya ni Clarissa at bumalik na sila sa kanilang mga pwesto.Tiningnan ng referee ang bawat team kung handa na ang mga ito. Kaya naman ay umakyat ito sa gilid ng net. Doon nakapwesto ang referee.

When the whistle blow, hudyat na ito na nagsimula na ang game. Napuno ng kanya-kanyang pagchi-cheer ang bawat paaralan.

To be continue....

Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)Where stories live. Discover now