Chapter 19

4 0 0
                                    

It was near on their semestral break kaya naman hindi magkanda ugaga ang mga mag-aaral na tapusin ang kanilang mga gawain para ma enjoy ang kanilang bakasyon. Gawa rito gawa doon ang forte nila para makatapos lang.



"Uy Ty, tapos kana sa project natin sa Introduction of Philosophy?" tanong ng mga iilang kaklase ni Tyrese sa kanya



Tumango-tango siya sa mga bawat bato na tanong. Dahil tapos na siya sa mga ito.




"Mabuti naman. Pero bakit nakasimangot ka diyan anteh?" tanong ni Kim sa kanya



Napabitaw ng malalim na buntong hininga si Ty na nasundan ng paggulo niya sa kanyang buhok. Napaatras naman si Kim sa nakita.



"Arggghhh!!" bulalas ni Tyrese



Napalunok naman si Kim "Nababaliw na yata ito si CaptainI" sa isip-isip niya at pumihit patalikod para umalis



"Kasi naman eh!!" saad ng dalaga




Bumalik paharap si Kim sa kanilang Captain. "Ano ba kasi problema Captain?" tanong niya pang muli



"Sa PE. Sa lahat ba naman nang bagay yung pagsasayaw ang hindi ako maalam. Hindi ko alam kung paano sumayaw. Tapos ballroom pa. Pipili daw tayo ng isa doon sa sasayawin. Tapos ako pa ang ginawang lider ni Maam Yap. Aguy!" sabi ni Tyrese sabay dukdok ng ulo niya sa armchair.




"Yun lang naman pala problema mo eh. Bakit hindi tayo makipag partner sa kabilang section tutal alam kong may alam sila" saad ni Kim sabay akbay sa kanya



Napa-angat naman ng ulo si Tyrese sa narinig "Oo nga tama ka good idea" sabi niya at tumayo sila para pumunta sa kabilang seksyon





"ANO?!!" 



Napatakip ng tainga ang mga nasa loob sa lakas ng pagkakasigaw ni Tyrese. Pagdating nila kasi doon ay agad silang sinalubong ng mga ito na mayroon na daw silang mga partner at nauna na ang taga ibang seksyon. At kasalukuyan na rin silang nagpapraktis.



"Ganon ba? Ah sige-sige. Salamat. God Bless sa presentation niyo" sabi ni Tyrese at bagsak ang balikat na bumalik sila Kim at Tyrese sa kanilang classroom. Wala rin siyang magagawa kasi naunahan na sila. Kaya naman nakasimangot siyang nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas. 

Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)Where stories live. Discover now