Chapter 17

18 3 0
                                    

One week after ng pagiging magkasintahan ni Aoki at Tyrese ay papalapit na naman ang kanilang Finals for 1st semester. Habang naglalakad si Tyrese sa gate ay nakakatanggap siya ng mga bulaklak na gawa sa papel. Napapangiti na lang siya. Alam naman niya kung kanino galing ang mga bulaklak na iyon.



"Good morning ate Ty. Flowers for you po" sabi ng isang babae 



"Hallo, Good morning too" sabi ni Tyrese na nakangiti 



Patuloy siya sa paglalakad niya hanggang nakaabot siya sa kanilang classroom. Pagkapasok niya ay pinaulanan siya tukso ng kanyang mga kaklase. 



"Okay, Good morning everyone mamaya na yang mga tilihan at mag kiligan niyo dahil kailangan pa nating habulin ang mga iilan na lesson na naiiwan for this sem. And you Mr. Voin go back to your classroom. Mamaya na yang katamisan mo" saad ni Miss Fushia na kakarating lang



Mabilis pa sa alas kwatro nagsibalikan ang lahat sa kanilang upuan. Pagdaan pa ni Aoki ay mabilis niyang hinawakan sa kamay si Tyrese at bumalik na sa kanilang classroom.




"Okay class dito na muna kayo. Pupuntahan ko lang ang kwarto ni Sir Calixto for some important announcement" sabi pa ni Miss Fushia



Naghintay lang sila at maya-maya pa ay parang may bubuyog silang naririnig. Lumingon silang lahat and it was Miss Fushia with...



"Good morning again class. Ngayon ay makikiseat-in sa atin ang kabilang section. Dahil wala si sir Calixto. He was attending an important meeting" sabi ni Miss Fushia




"Ayiiiieeee!!!! Si Ma'am alam ang nilakad ni sir" tukso ng mga studyante sa kanilang guro




"Quite!... Everyone,please get inside and found a vacant chairs" utos ni Miss Fushia at pinapasok ang mga taga ibang section




"Ma'am!! Pwede ba daw sa Tabi ni Miss Aguelo si Captain!" untag pa ni Luke habang naka-akbay kay Aoki



Mabilis naman na siniko ni Aoki ang kaibigan. Mabilis naman na nagsiupo ang mga kakarating na ibang section. Kanya-kanyang tabi. No comment naman si Miss Fushia pero puno pa rin ng tilihan. Kasaplukuyang nasa harapan na ang naturang guro.




"Tahimik! Ang aga-aga puro kayo tilihan. Baka ano pang sabihin ng taga ibang building na puro kiligan at tilihan lang ang nasa Athilitikos Department. Okay everyone  dahil na settle na kayo and I am also your same teacher for this subject. We will have a recap and then after that we will have a group activity. Malinaw ba?" instruction pa ni Miss Fushia

Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)Where stories live. Discover now