"SIGE iho sabihin mo sa akin paano mo liligawan ang anak ko? Na sa pagkaka-obserba ko sa iyo ay hindi ka Pinoy. Isa kang banyaga. May alam kaba sa panliligaw ng mga Pilipino?" tanong pa ng ama ng dalaga
Tahimik lang si Tyrese na nakikinig.
"Yes sir. I can prove to you na kahit banyaga ako alam ko ang pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino. Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na haranahan ang iyong dalaga" saad ni Aoki at nag-bow sa ama ni Tyrese
Tumango ang itay ni Tyrese. Mabilis na nagsisulputan ang mga ka teammate ni Aoki. May kanya-kanyang dala itong mga kagamitan na pangtugtog.
"I know that it is not common now this kind ng panliligaw. Pero gusto kong buhayin ang Pilipinong tradisyong ito para sa anak niyo sir" sabi pa ni Aoki
Pagkatapos masabi iyon ni Aoki ay iniabot sa kanya ang gitara ni Luke at isinukbit niya sa kanyang balikat. Nagsimula na siyang kaskasin ang guitar.
Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along
Mahahalata mo sa boses ni Aoki ang bahid ng pagiging banyaga dahil sa mga diin nito sa bawat liriko ng kanta. Makikita sa mukha ng binata ang kintal ng pagmamahal para sa dalaga. At iyon ang nakikita ni Tyrese ngayon. Ramdam ng dalaga ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Lagi niya iyon nararanasan sa tuwing may laro o kompetisyon siyang sinasalihan sa paglalaro pero ibang-iba ang kabog ng dibdib na mayroon siya ngayon.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo
Nakatingin lang si Tyrese kay Aoki na ngayon ay nakatingin rin sa kanya. Gusto ng dalagang alisin ang kanyang tingin sa ibang parte pero parang hinahatak siya sa titig ng binata. Hanggang sa natagpuan niya ang kanyang sarili na nasa harap ni Aoki
Hala! Bakit ako nandidito sa harap? sabi ni Tyrese
YOU ARE READING
Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)
JugendliteraturSix girls who go to the same school, dont even meet each other but they catch news because of other students. They have their own problems to face, dreams to fulfill and love to achieve. But not everything is obtained immediately,a lot needs to be d...