Malamig ang simoy ng hangin at lahat ay papunta na nang simbahan. Ramdam na ramdam iyon ng mga magsisimba isa na doon si Tyrese nakahalukipkip siya habang naglalakad papunta sa simbahan kasama ang kanyang mga magulang.
"Anak, paki bilisan ang iyong paglalakad at baka AMEN na lang ang maabutan natin" pag-aapura ng kanyang ina
"Opo" tipid na sagot ng dalaga at binilasan ang kanyang paglalakad para makasabay sa kanyang mga magulang
Nakarating sila sa simbahan at nakita ni Tyrese ang ilan niyang mga kaklase. She didn't expect also na makita si Aoki since she thought that the guy will go flew to his own country but in her shock he found him sitting with her classmates too.
"Hi" pabulong na sabi ng mga kaklase niya
Tumingin si Tyrese sa kanyang mga magulang at tumango lang ito sa kanya. "Dito lang po ako sa kanila" sabi niya at tumabi na sa kanyang mga kaklase. Pumunta naman sa may unahang parte ang kanyang mga magulang para doon umupo.
"Akala ko umalis ka na?" bulong ng dalaga kay Aoki
Yumuko ang binata ng kaunti at bumulong pabalik "Mamayang hapon ang flight ko. I attend this mass to see you one last time bago ako umalis" ika ng binata
Tila may gumihit na mapait na lasa sa lalamunan ng dalaga ng marinig ang mga katagang 'one last time bago ako umalis' "Ah, kaya naman pala" kalmado niyang sabi sa binata
Maya-maya pa ay nagsimula na ang misa at tahimik silang umattend ng Misa De Gallo. Hanggang sa natapos ay tahimik lang si Tyrese lalo na sa parteng uwian na ay tumango lang siya. Hindi mawala sa isip ng dalaga na magoverthink dahil sa mga nangyari kanina.
Ginulo ni Tyrese ang kanyang buhok dahil sa hindi malamang dahilan Ano ba yan nagsimba nga ako kanina pero lutang naman ako bulong niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang kwarto at iniisip na nagkasala siya sa kanyang pagsimba dahil hindi talaga siya nakikinig sa wali ng pari. Gumulong-gulong siya sa kanyang katre para mawala ang kanyang pagkabagot. Hanggang sa nalaglag siya sa kanyang higaan. Sapo-sapo niya ang kanyang pwet na tumama sa sahig. Napalingon siya sa kanyang cellphone na tumutunog. Inabot niya iyon habang nakaupo sa sahig.
"Hey Rese, Laro tayo mamaya. 5PM sa City Gymnasium" sabi ng text
Tiningnan ni Tyrese kanino galing ang text and it was coming from an old friend si Shy. Mabilis siyang tumipa sa kanyang cellphone para sagutin ang text
"Okay" sagot niya
YOU ARE READING
Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)
Teen FictionSix girls who go to the same school, dont even meet each other but they catch news because of other students. They have their own problems to face, dreams to fulfill and love to achieve. But not everything is obtained immediately,a lot needs to be d...