Chapter 09: From the start

231 10 1
                                    

Nakaupo na kami sa may kama ngayon and I am hugging my knees. Siya naman ay nakaupo sa gilid ng bed, he is facing me with his right foot on the floor.

Huminga ako ng malalim.

"I think, I should start from the start, right?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. You better. I need all that, I deserve all that." Nakatiim-baga niyang sagot sa akin.

Lumunok ako. "Akala ko kasi mas mahalaga ang future ko sa'yo."

_

"Hindi natin maeenjoy ang summer ngayon B," naka-pout na umpisa sa akin ni Aj. Lungkot na lungkot pa ang mukha niya. Animo nakatulala siyang nagsasalita.

Napag-usapan kasi naming mag-advance ng mga subjects namin para medyo maging maluwag ang second year life namin sa University. We need that kasi para i-enjoy namin, balita pa namang kapag nag-third year kami magkakaalaman na.

"Okay lang 'yan. Isipin mo na lang na-enjoy naman natin last year," nakangiti kong pag-bump sa shoulders niya.

Totoo naman. Talagang ni-enjoy namin last year, nag-tour kaming dalawa. Oo at hindi ibang bansa 'yun, but, at least, nag-Sagada, Baler at Ilocos kami. Kaming dalawa lang. Hiniling namin na regalo namin 'yun sa parents namin.

Para naman siyang nasiyahan sa pagpapaalala ko sa kanya kaya nakuha na niyang kuhanin ang mga DVDs na binili namin kahapon at ikinalat niya 'yun sa kama niya.

Panahon na para piliin ang imamarathon namin ngayon.

Nasa kalagitnaan kami nang panunuod nang may maalala ako, "Oo nga pala B, nag-exam pala kami bago finals last month, parang exam ata 'yun for landscape architect," pagkukwento ko. Architecture student kasi ako, siya naman Accountancy.

"Madali? Anong school?"

"Okay lang, sakto lang naman. Sa Vegas eh," sagot ko naman sa kanya. Ang totoo niyan, madali lang 'yung exam. Natatakot nga ako na baka maipasa ko 'yun. Ayoko naman kasing sadyain na imali ang sagot ko kasi parang tanga lang, lolokohin ko lang ang sarili ko.

Nakuha ko na ata ang buo niyang atensyon dahil hinarap na niya ako, "Eh di mag-Vegas ka?" tanong niya sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako, "Hindi ko alam. Wag na lang nating pangunahan."

"Pero kapag naipasa mo, pupunta ka?"

"Why not?" sagot ko kaagad. Hindi ko na kailangang pag-isipan 'yun, mas maganda nga naman kasi sa tingin ko ang matapos sa isang magandang University.

Tumango tango siya, "I support you. Alam ko namang kaya mong ipasa 'yun. Tama 'yang iniisip mo, future dapat ang iniisip mo. Haynaku! Buti hindi ka isang lovesick fool."

Doon ko naalala na kung nagkataon pala, magiging long distance ang relatuonship namin ni Trance. Nakakatakot kasi baka hindi namin kayanin. Pero ayaw kong isawalang bahala 'yung tsansang makapag-aral sa ibang bansa lalo na't may scholarship naman.

Bago matapos ang Summer class, nalaman na kung sino ang mga nakapasang makapasok sa University, makalipas pa ang isang linggo, ang mga nakapasa naman sa scholarship.

At, successful! Nakatanggap ako ng dalawang e-mail!

_

Tinitignan ko the whole time si Trance na kwinekwento ko ang umpisa, pero wala siyang karea-reaksyon, tumatango-tango lang siya.

Hindi ko alam kung pag-iintindi ang ipinapakita nang pagtango niya o pagkarealize niya na mas mahalaga nga talaga ang career ko sa kanya, na number 2 lang siya sa priority list ko.

_

"B, pasado ako." Kwento ko kaagas kay Aj nang makaupo kami sa Mcdo. Scheduled date kasi namin ngayong araw.

Tinignan niya ako ng puno ng katanungan, "Naalala mo 'yung exam na kwinento ko sa'yo last summer?" tanong ko sa kanya. Nang tumango siya inulit ko ulit na pasado nga ako. Hindi ko muna sinabing pati sa scholarship ay nakapasa ako. Sa akin na muna 'yun.

"Soooo?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa akin saka siya nagsubo ng fries.

"What do you think?" tanong ko sa kanya.

"Alam mo, maiinis ako sa'yo kapag di mo tinanggap 'yan kasi nakapasa ka pero maiintindihan kita siguro, pero hindi agad kasi alam ko namang iba rin ang buhay do'n. Syempre, kakabahan ka. Hmn. What I'm saying is, don't say no kaagad. Think about it muna. Ayun."

Tumango-tango naman ako.

June na ngayon. Sa September na ang start ng klase, so if tatanggapin ko, dapat makadecide na ako.

Nag-enrol pa rin ako as 2nd year, alam na rin ng parents ko 'yung tungkol sa scholarship, at sabi nila sa akin, tanggapin ko daw. Todo naman ang suporta nila sa akin, lalong lalo na si Mommy, kaya daw niya 'yun.

Kinausap na rin ako ng Department Head at Dean namin tungkol doon kasi nagulat sila nang makita nila ako sa enrollees. Nginingitian ko lang sila the whole time.

Kapag umoo kasi ako magiging totoo na, LDR na kami ni Trance. At kailangan ko na ring sabihin sa kanya ang tungkol doon.

Matatapos na ang June, kinukulit na ako ni Aj kung ano nga ang desisyon ko pero maski siya ay di ko pa sinasabihan ng definite na sagot, si Mommy lang at ako ang nakakaalam ng desisyon ko. Gusto ko sanang si Trance ang susunod na makakaalam.

_

Tinignan ko uli siya, naririnig ko ang pag-clash ng mga ngipin niya sa sobra niyang pagkakakagat. Natawa siya ng pagak, "So, the sex was a goodbye sex?"

"No!" sagot ko kaagad.

Tumawa siya, "Hah. Hindi ba goodbye sex din ang tawag sa pakikipagsex mo sa akin para lang may mabaon kang alaala?" he asked sharply.

Hindi na ako sumagot. Hindi na ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano pa ang isasagot.

Naiintindihan ko siya.

August na kasi nang magawa kong sabihin sa kanya ang balak ko. It was after my 17th birthday. Naiintindihan ko siya ngayon but my 17th years old self back then can't. Hindi ko naisip na masasaktan ko siya sa paglilihim ko, at hindi ko rin alam na hindi niya kayang tanggapin ang naging desisyon ko.

Hindi ako naging masaya sa desisyon ko noon, but 'yun lang ang naisip kong paraan para mapadali ang lahat. Hindi ko akalain na mas pinahirap ko lang pala. Hindi ko alam na ganon pala ang magiging epekto ng desisyon ko na 'yun.

"Maganda naman ba ang alaalang ibinigay ko sa'yo?"

ǵ9PyK

Taken By Him (Little Thing #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon